Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata nang may naramdaman akong sakit sa aking ulo. Ngunit nagulat na lang ako sa aking nakita—isang napakagandang silid. Nag-taka ako kung paano ako napunta roon. Dapat kay Lucifer ako, pero bigla na lang ako napahinto sa aking pag-iisip nang may isang babae na pumasok sa silid. Parang isa siyang katulong, at nang makita niya akong nakatingin sa kanya, agad siyang nagpataray.
"Anong tinitingin mo, hoy? Ikaw pangit! Bakit ka pa naka-higa? Hindi ka kagandahan para maging Sleeping Beauty, ang pangit-pangit mo!" sabi ng katulong.
Bigla akong nagalit sa sinabi niya. "Ako pangit? Are you serious? Sino ka ba ha?hindi mo ba ako kilala? Ako lang naman ang—" Napahinto ako ng makita ko ang isang salamin. Nang tiningnan ko ito, nagulat ako sa aking nakita—hindi ako ito! Bakit ang pangit ko? Nasaan na ang gwapo kong mukha? Dahan-dahan kong hinawakan ang aking mukha, at nagtataka kung totoo ba ito. Ginagaya ng salamin ang bawat galaw ko, at napagtanto ko—ako nga ito.
" hindi ito ang gwapo kong mukha!" Parang maiiyak ako dahil hindi ito ako. Pero napagtanto ko rin na patay na pala ako at napag tanto ko na-reincarnate sa babaeng ito.