CHAPTER 51

1741 Words

Ang kubo ay nakatago sa gitna ng kakahuyan, tila ordinaryong kubo mula sa labas, ngunit sa loob nito ay isang tila lihim na himpilan ng mga may armas. Ang mga dingding ay yari sa makakapal na kahoy na galing sa malalaking puno sa kagubatan, ngunit hindi ito basta-basta; sa likod ng mga ito ay mga bulletproof na panel na nakatago sa loob ng mga kahoy na balangkas. Ang pagkakabuo nito ay hindi halata sa panlabas, ngunit solidong bakal ang mga pundasyon, na binabalot ng natural na materyales upang itago ang tunay na gamit ng kubo. Sa gitna ng kubo ay mayroong maliit na lamesa na gawa sa pinakinis na kahoy, pinalilibutan ng mga upuang kawayan na may mga malambot na kutson. Nasa isang sulok ang isang lumang kabinet na puno ng mga nakatagong kagamitan: bala, baril, at iba pang uri ng pangdep

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD