Lumipas ang ilang taon, matapos ang madilim na yugto ng kanilang buhay, bumalik na rin sa wakas ang tahimik at masayang pamumuhay nila. Sa bawat araw na lumilipas, unti-unting bumabalik ang sigla sa Casa Lucencio. Ang sakit ng pagkawala ni Gael ay naghilom nang dahan-dahan, ngunit ang sugat sa kanilang mga puso ay mananatili roon bilang paalala ng lahat ng kanilang pinagdaanan. Hindi madali pero kinaya. Isang araw, napansin ni Hendrick ang malalim na iniisip niya. Dahan-dahan itong lumapit, iniabot ang isang tasa ng kape, at umupo sa tabi niya. "Anong iniisip mo?" malumanay niyang tanong, hinaplos ang balikat ng asawa. Napangiti siya. “Iniisip ko lang... kung gaano kabilis magbago ang buhay. Isang taon lang ang nakalipas, napakarami nang nangyari." Tahimik na tumango si Hendrick, pi

