Pagkatapos kumain ay hinahanap ni Mauve kung nasaan si Chin-chin dahil kanina niya pa ito hindi nakita. Hindi na siya nahirapan na maghanap sa buong kabahayan dahil alam niya na kung saan ito laging tumatambay para maglaro. Nang makarating sa bakuran, hindi nga siya nagkamali, naroroon ang kapatid niya kasama si Mang Dino na naglalaro. Hindi na siya muna nagpakita rito. Tuwang-tuwa ang bata habang kalaro si Mang Dino kaya ayaw niyang makaisturbo sa dalawa. Nagpatuloy siyang nakatayo roon, tahimik na nanonood, habang si Chin-chin ay tumatawa nang malakas sa tuwa. Nakikita niyang sobrang aliw ng kapatid niya sa mga simpleng laro na sinasama ni Mang Dino—parang walang kapantay na saya ang nadarama ni Chin-chin. "Ang swerte talaga ni Chin-chin, may Mang Dino siya," bulong niya sa sarili

