Mga ilang oras na nagpabalik-balik si Hendrick sa loob ng silid na tila nag-iisip kung tatawagan niya ba si Gael o hihintayin na lang nito na tawagan siya. Pinaikot-ikot nito ang cellphone sa kamay. Kalaunan napagdesisyunan na rin nito na idial ang numero na hindi nakarehistro sa contacts niya. Nararamdaman niya ang tensyon sa katawan. Hindi siya sigurado kung tama ba ang plano nila. Naroon ang takot, hindi para sa sarili niya, kundi para sa mga taong mahal niya— si Chin-chin, pati na rin sina Aling Ester at Mang Dino. Kung may magkamali sa mga plano, baka wala nang balikan. Pero kailangan nitong gawin iyon. Kailangan nitong tapusin ang lahat ng gulo, kahit pa nangangahulugan itong harapin si Gael nang mag-isa. Nasa mesa ang cellphone nito. Kanina pa ito nagvi-vibrate. Sila ni Lucien,

