THE GODDESS RETURN
Demonise / Demonique
Limang araw na ang naka lipas ng mangyari ang bagay na iyon, bali lagpas isang linggo na ang naka lipas mula nang mapadpad ako dito sa mundong ito marami na din akong nalalaman katulad ng mga darkians mga halimaw mga goddess at kung ano ano pa lalo na ang pinag kaibahan ng magical world at mundo kung saan ako lumaki.
hindi ko nga masabi ang pinag kaibihan sapagkat tulad sa mortal ay mga kotse din dito ang kaso ay hindi katulad sa mortal na mga hightech at talangang masasabi mong pang racing, dito ay simple lang talaga na kotse
tapos don sa mortal ay may mga gadgets dito naman ay wala kaso hindi ko pa sure kung may signal sila pero sabi ni Kuya Asul nakaka punta daw sila sa mundo ng mga tao kaya nagkakaroon din daw nito dito
kaya nga na tanong ko agad kung pa ano pumunta don, grabe pa ang excited ko non nang sabihin niya iyon perp agad din na wala kase dapat ay may permission nang mga nakaka taas,
dahil mahigpit kasing ipinag babawal ang pag labas masok sa lagusan, hindi ko alam kung bakit dahil hindi naman iyon nabanggit pa ni Kuya Blue
at sa mga armas naman dito ay walang baril puro espada katana at dagger lang dipende sa kaya mong i summon, i mean kaya ng powers mo at also more on kapangyarihan daw ang ginagamit ng iba at syempre ang lumaban din nang mano mano
at sa isang linggo ko dito ay puro pag eensayo lang ang ginawa namin ni Kuya Asul at syempre ng mga goddess kabisado ko na din kung pa ano kontrolin at gimitin ang mga kapangyarihan ko dahil sa loob ng isang linggo ay sunod sunod na nag silabas ang mga ito.
grabe pa nga ang tuwa ko nang unang lumabas ang kapangyarihan kong yelo oo yelo ang unang lumabas kaya ayon nag mala Elsa ang peg ko, tuwang tuwa pa nga mga goddess sa kalokohan ko
*FLASH BACK*
Nanlalaki ang mga mata kong na pa titig sa parte kung saan may nag yeyelo, nandito ako sa panaginip ko at nag eensayo, aatakihin na sana ako ni Haphaetus
siya ang unang mag eensayo sa akin gamit ang Espada ngunit dahil sa nag kamali ako nang tapak ay na tumba ako at bitawan ko ng hindi sinasadya ang hawak ko at tumilapon ito sa kung saan
agad kong isinangga ang braso nang may kung anong lumabas sa kamay ko at tumama ito kay Haphaetus at mabilis itong tumilapon sa kung saan
eh
ramdam ko naman agad ang mabilis na pag lapit sa akin nang iilang Goddess at ang iba ay lumapit sa walang malay na si Haphaetus
*END OF FLASH BACK*
***********************
Nandito ako ngayon sa harap ng salamin nag susuklay ng buhok, katatapos ko lang maligo kaya heto at pinapatuyo ko muna habang sinusuklay, may bisita daw sabi ni Kuya Asul.. at dahil ako si Demonique also know as Demonise na ay wala akong paki alam sa kung sino man sila, bastos man kung bastos pero hindi ko ugaling makipag plastikan no
na banggit kase ni Kuya Asul na ang mga Royalties daw ang mga bibisita, naalala ko sila sa alaala ni Demonise sila ang mga Royalties na walang ibang ginawa kundi saktan ang taong ito
bukod sa pananakit ay inaapi din nila ito, at ginagawan ng kwento para baliktad ang katotohanan... so ayon nag suot lang ako ng khaki cargo pants then over size t'shirt tapos sneaker shoe, inaaya akong mag gala gala ni Kuya Asul pag tapos kumain kung kaya't ganito na ang isinuot ko...
at na tigil ako sa pag iisip nang may bigla na lang kumatok sa aking pinto, na pa tigil ako sa aking ginagawa saka tumayonsa aking kinauupuan, nag lakad ako palapit sa dito at pinihit pa bukas ang seradura
binuksan ko ito at bumungad sa akin si Layla, ngumiti ito "hinihintay na po nila kayo" magalang niyang saad, tumango lang ako at nag lakad pa labas na nang tuluyan sa kwarto ko
at sa sobrang kadaldalan ko ay nandito na ako sa harap ng pinto at mula rito ay rinig na rinig ko na ang ingay sa loob mukhang nag kakasiyahan sila sapagkat puro sila tawanan habang nag kukwentuhan
"NANDITO NA ANG PRINSESA DEMONISE"
malakas na anunsiyo ng kawal sa labas nang pinto nang hapag kainan at ka sabay nito ang ay pag bukas ng malaking pinto.. siguro ay kailangan kong kausapin ang iilang kawal na huwag nang isigaw ang pag dating ko, alam kong trabaho nila iyon pero ang sakit kaya sa tenga
bago ko ihakbang ang mga paa ko pa pasok ng dinning ay agad na nawala ang emotion sa mukha at mga mata ko, "Greetings" malamig kong bati saka nag lakad pa tungo sa pwesto kung saan ka tabi ko si Mom ang Inang Reyna
ramdam ko ang lahat ang mga tingin nila sa akin na tila ba binabantayan nila ang bawat kilos ko, ayaw ko man silang pansinin ay hindi nakakaligtas sa gilid nang mga mata ko ang mga mapanuring mga tingin nila
agad akong na tigilan nang tila may kung anong pamilyar na amoy na dumampi sa ilong ko, agad na umangat ang paningin ko at isa isa silang pinag titignan, lahat ng attention ay na punta lalo sa akin kita mo sa mga mata nila ang pag hanga at pagka gulat
mag lalakad na sanang muli ako ng mapako ang tingin ko sa lalaking sobrang pamilyar sa akin "B-Babe" hindi maka paniwalang bulalas ko, kumurap kurap pa ako dahil sa pag aakalang baka namamalik mata lamang ako
ngumiti ito nang pagka tamis tamis habang naka tingin ng diretso sa mga mata ko, agad kong na ramdaman ang pangingilid nang aking mga luha sa aking mga mata
tila mga bubuyog na nag bulungan ang lahat habang may inis at galit na naka tingin sa akin pero hindi ko inabalang pansinin dahil masyadong napako sa kaniya ang mga mata ko
"ang ganda niya pala kapag walang kolorete sa mukha"
"ohh my god bagay sa kaniya ang suot niya"
"akala ko ba ay nag bago na siya ngunit bakit parang hindi naman"
"talagang mapag panggap siya at napaka attention seeker niya"
"ang astig kaso si Prinsipe Damon pa rin ang hinahabol niya"
"sabi na eh kapag nakita niya si Prinsipe Damon ay babalik na siya sa dati" galit na saad ni xxion pero hindi ko siya nilingon
at nang maka bawi at maka balik ako sa realidad ay malalaking hakbang ang ginawa ko upang maka lapit sa kaniya kaso ay na gulat ako ng bigla na lang may tumayo na isang lalaki at umambang itutulak ako
lito man dahil inakto niya ay tinabig ko ito pa alis sa dinaraanan ko at saka patalon na yumakap sa lalaking hinihiling kong san makita kong muli. at ka sabay ng pag pulupot ko ng aking binti sa kanyang bewang ay siya rin ang pag salo at pag yakap nito sa akin nang napaka higpit
agad kong isinubsob ang mukha sa kaniyang leeg upang itago ang emosyong ayaw ko sanang ipakita ngunit hindi ko mapigilan "i miss you so much babe" tila naiiyak kong saad ngunit sa mahinang tono
"B-Babe?"
"hala bakit babe"
"sila ba"
"napaka papansin talaga niya"
"ang landi hindi porke't hindi nakuha si Prinsipe Damon ay si Prinsipe Lucifer naman ang lalandiin niya ngayon"...