Chapter 4

2235 Words
THE GODDESS RETURN Demonise Jhane (Demonique) Maaga akong bumangon sa aking hinihigaan at nag unat unat muna ako pag tapos ay dumapa sa floor at nag umpisang mag push up ganito ang naka sanayan kong routine pagka gising ko sa umaga ang mag stretching at mag basic exercise, kung pwede nga lang mag jogging ay ginawa ko na kaso next time na lang siguro at nang makalipas ang ilang oras ay tapos na ako kung kaya't tumayo na ako at nag lakad patungong closet upang mag handa ng aking susuotin at nang maka pili ay iniwan ko ito sa aking kama pag tapos ay pumunta na ako sa cr upang gawin ang aking morning routine *Fast Forward* Nandito ako sa kusina at nag hahanda ng mga sangkap para sa lulutuin kong Spicy Adobo , Caldereta, Fried Rice, Scramble egg, Bacon at Hotdog nag hugas muna ako ng kamay bago mag umpisa at habang abala ako sa pag luluto ay naka tingin lang sa akin ang lahat ng mga dama at kawal lahat sila ay bantay sarado ang mga kilos at lahat din sila ay may kaniya kaniyang hawak na balde na puno ng tubig 'letche ang oo.a nila ayaw pa nila ako payagang mag luto kase daw muntik ko na daw masunog yung kusina noong kailan. nag pumilit daw akong mag luto dahil gusto ko daw lutuan ang prinsipeng kinahuhumalingan ko, pero ang ending bukod sa na sunog ko ang niluluto ko ay nasunog ko din ang kusina 'king ina ganon ba kabobo gumamit ng katawan na ito dati 'seryoso pag luluto na lang shu-shunga shunga pa' saad ko sa aking isip kaya napa irap na lang ako sa kawalan hindi sa pag yayabang kahit na mayaman ako sa past life ko, lahat ng gawaing bahay ay pinag aralan ko lalo na ang pag luluto hanggat kaya ko kase ay ako na mismo talaga ang gagawa at ayokong iaasa sa mga kasambahay ko at isa pa may nga oras na nag iisa lang ako lalo na't kadalasan sa condo ko ako na uwi kung kaya't ayon nag luluto ako ng pag kain ko dahil hindi ko rin hilig ang mag order nang mag order 'kamo sabihin mo kuripot ka' anas ng kabilang utak ko na pa iling na lang ako at nag focus sa ginagawa kong pag luluto, sana pala may head phones ako para nag coconcert ako habang nag luluto, *aba aminin niyo kapag may gawaing bahay ay hilig niyong makinig ng musika tapos ay sasabayan niyo ang lyrics minsan may pag birit kayo o kaya may pag sayaw* -ang bango ano yung niluluto ng mahal na prinsesa -hala ang galing marunong syang mag luto at mukhang masarap -tama ka jan at himala nga dahil hindi na nya na sunog ang kusina kanya kaniyang bulungan ng mga dama at kawal, na siyang hindi naka takas sa pandinig ko, ngunit hindi ko na lang sila pinag papansin bagkus ay pinag patuloy ko na lamang ang aking ginagawa after 12345678900000 years ay tapos na din ako, tinulungan ako ng mga dama na ihain ang mga niluto ko sa lamesa ngunit bago yon ay nag tabi muna ako ng adobo at caldereta para sa kanila dahil sinadya kong damihan ang mga ito mukha kasing hindi pa sila nakaka tikim ng ganitong luto kung kaya't ipapatikim ko na lang sa kanila, 'sana lang talaga ay mag kasiya' pero mukhang oo naman dahil talo pa sa fiesta ang niluto ko 'at kahit may sa demonyo ako mabait naman ako hindi nga lang halata HAHAHAHA' pa tapos na silang ihain ito sa lamesa kaya't nag timpla na lang muna ako ng dalawang baso ng kape para kina ina at ama tas dalawang hot chocolate coffee para samin ni kuya asul oo saming dalawa lang aba pake ko sa dalawang unggoy na yon inaway nila ako kaya bahala sila jan uu hindi ko din sila bati basic, at habang papalapit ako sa hapag kainan ay rinig ko na ang mga yabag ng paa at bulungan nila "hmmmmnn. ang bango naman nyan" rinig kong saad ni ina siyang sinang ayunan ni ama "oo nga sobrang bango nga dahil haggang hagdan ay naaamoy ko na" "grabe amoy palang nakaka gutom na, yung mga alaga ko sa tyan nag wawala na" halos sabay na saad naman ni kuya asul at nila xxioan at xxian "good morning sweetheart/sweetie ang aga mo yatang magising" gulat na saad ni ina ng makita ako, tipid na ngiti lang ang itinugon ko "morning" saad ko sa kanila at saka hinalikan sa pisngi, mas na pa ngiti naman ang mga ito dahil sa inasta ko "good morning baby" bati ni Kuya Asul ka sabay nang pag halik sa aking sintido "so lets eat" "manang ano yang niluto mo bakit ngayon mo lang na isipan lutuin yan" turan ni ina habang naka tingin sa pagkain "ay nag kakamali po kayo mahal na reyna si prinsesa Demonise po ang nag luto nyan" saad ni Nanay Celia, na siyang ikinagulat nila, halos hindi maka paniwalang na pa tingin sila sa akin "nice joke manang pero ang corny alam naman nating pareho na hindi yan marunong mag luto" nang iinsultong saad ni Xxian, nako never ko talagang tatawaging kuya to ang sma ng ugali parang di pamilya, tsss. 'pag ako naasar dito pati plato ipapakain ko talaga sa kanya' saad ko sa aking isipan, na pa irap na lang ako ng palihim "kaya nga po Manang kase hindi ba't muntik niya ng masunog ang kusina noon" gatong na saad naman ni Xxion, 'ehhh kung ikaw kaya sunugin ko letche to' "pasensya na po mahal na prinsipe ngunit siya ho talaga ang nag luto" seryoso at naka ngiting sagot ni manang sa mga ito "tss let's eat na nga" walang emosyong saad mo saka nag lakad pa lapit sa upuan nila Ina "here mom and dad coffee for the both of you" anas ko ka sabay ng pag lapag ng tasa "how about me baby" naka ngusong saad ni Kuya Asul, tanong niya ng makitang dalawang tasa lang ang hawak ko, bumalik muna ako sa may timplahan ng kape saka kinuha ang para sa aming dalawa "hot chocolate for my Kuya Asul" tipid ngiting abot ko sa kanya saka umupo sa tabi ni mom, kita ko naman ang mga tingin nila na tila may hinihintay pa "ahh sweetie how about them" tukoy ni Ina sa Dalawa "who ? them sorry but not sorry i didn't know them" walang emosyon kong saad, "so lets eat may lakad pa kame ni Kuya Asul remember" pag iiba ko ng topic ng makita kong mag sasalita na sana ulit si Ina "at baka lumamig na din ang mga niluto ko" dugtong ko, pa simple akong sumulyap sa dalawa, mababakas mga mata nito ang lungkot at inggit ngunit agad ding nawala 'tss baka guni guni ko lang yon' saad ko saking isipan kaya umupo na lang ako sa tabi ni ina at sinumulan mag sandok upang makakain "hmmm ang sarap sobra anak" tuwang tuwang saad ni ama "oo nga sweetie saan mo natutunan ang mag luto" singit ni ina "book" tipid na sagot ko "ah ganon ba eh ano pala ang tawag sa itim na ito ?" takang tanong ni kuya asul gusto kong matawa "this is spicy adobo and that one is caldereta" sabay turo ko dito "ah ang galing ang sarap talaga masisira yata ang diet ko nito anak" saad ni ina kaya nag tawanan sila ngumiti lang ako ng tipid 'siguro kung nandito sila ay sobrang saya ko din' saad ko saking 'isipan siguro masasanay din ako na sila talaga ang tunay kong pamilya' napangiti ako ng mapait ng maisip ko iyon *Fast Forward* Nandito kame sa garahe 'oo garahe' parang magka parehas lang ang mortal at immortal pero sa mortal walang magic at saka hindi ko lang alam kung may mga gadget sila like cellphone loptop o kaya kahit cignal man lang 'baka itanong ko na lang kay Kuya Asul later' So ayon naka angkas ako sa motor ni kuya asul magmo motor na lang kame upang mabilis iwas traffic ba, at oo aangkas na muna ako kase hindi ko naman kabisado ang lugar na ito.. bago sumakay ay nag mask ako dahil ayoko sa lahat ang attention kung tutuosin mas gugustuhin ko ang mapag isa kase nakaka refresh ng utak at yung dalawa ? ayon gusto sumama kaso iniwan namin alam ko namang napipilitan lang sila kaya bahala sila letche, so ayon pinaharurot na ni kuya ang motor habang na sa daan ay halos gusto ko na lang bumaba ng motor at mag lakad dahil sa ang bagal nitong mag pa takbo "wala na bang ibibilis yan" asar na sigaw ko dito "pano ko bibilisan eh ayaw mong kumapit" galit na saad naman nito, na siyang ikinairap ko "king ina bilisan mo wag kang pagong" mas galit na saad ko, hindi ko maiwasang hindi mapa mura dahil talaga namang pasmado na talaga ang bibig ko, wala na naman na siyang nawaga kundi ang sundin ako kaso buset yan akala ko ay susunod pero wala pa rin talaga ang bagal talaga niya after 123456789000000 years naka rating din kame pinark nya ang motor kaya bumaba na ako, tinggal ko na ang suot kong helmet at iniabot sa kanya upang ilagay sa lagayan "bakit naka mask ka pa?" takang tanong nito habang naka kunot ang noo "it's none of your bussiness" pabalang na sagot ko "bilisan mo ambagal mo talaga" nang aasar na dugtong ko, kaya dali dali naman itong sumunod sa akin at pilit na sinasabayan ang mabilis kong pag lakad at pag pasok pa lang namin sa entrance ay na punta na agad sa amin ang attention ng lahat na siyang ikina busangot ko lalo -hala si prinsipe xxien ba yan -ang gwapo talaga ni prinsipe xxien -prinsipe xxien im free tonight -omaygad whos that bitch -don't tell me girlfriend yan ni prinsipe xxien -bat may mask sya siguro pangit yan -sh*t pare ang angas nong babae o kaso mukhang tomboy -ambadoy niya kaya duh 'kingenang yan bulungan pa ba yon ?' inis na saad ko sa aking isipan na baling naman ang tingin ko sa katabi ko ng bigla itong humagikgik 'pwede ba wag mong basahin ang isip ko' inis na saad ko *Blamind* wala sa sariling saad ko. hindi ko alam kung bakit na sabi ng utak ko yon pero hindi ko na pinag tuunan pa ng pansin ngunit kinalabit ako nitong katabi ko "bakit hindi ko na mabasa ang isip mo" gulat na saad nito kumunot saglit ang noo ko dahil sa pag tataka pero hindi ko na lang siya sinagot pa. nag libot libot muna kame at namili ng mga kagamitang gusto ko tulad ng: ✔️bagong paint sa room ko (syempre black and highlights red) ✔️Bedsheet set ✔️Dagger ✔️Katana Atbp. ayaw sanang pumayag ni kuya na bumili ako ng mga armas kaso wala syang nagawa 'dahil kapag gusto ko gusto ko' hanggang sa matapos kame ay hindi ko maitago ang pag ka asar dahil wala man lang lolipop dito, chocolate lang tuloy ang na bili ko *More Fast Forward* Katatapos lang naming kumain kaya inaya ko na si kuya umuwi at yung mga pinamili namin ayon pina deliver na lang nya kase di ba nga motor gamit namin "ubos na ipon ko kailangan ko na ulit mag ipon" mahinang bulong ng kasama ko ngunit hindi naka ligtas sa pandinig ko sya kase ang pinag bayad ko wala naman dito yung mga credit card ko tapos naka limutan ko pang humingi ng pera kila mom at dad kanina, by the way Yung pera dito ay parng pera lang sa mortal world ang kaso yung mga mukha ay, mukha ng mga hari mula sa ibat ibang bayan, pa ano ko na laman? hihihi. syempre nag tanong ako dito "don't worry i"ll pay that, just wait-" "no need baby ngayon lang din naman kita nakasama kaya ayos lang" naka ngiting saad nito kaya na pa tango na lang ako "mag iipon na lang ulit ako tapos ay ililibre ulit kita" dugtong nito habang nag tataas baba ang kilay kumunot naman ang noo ko dahil sa naging turan nito "but-" "pera lang yon ikaw ang importante, and as long as your happy im happy too, at isa pa ay hindi ba't sinabi kong babawi si kuya sayo" anas niya saka matamis na ngumiti mabilis na ngilid ang luha ko dahil don, "shhhh mahal ka ni Kuya palagi at tatandaan mo ipag tatanggol kita kahit anong mang yar-" hindi na nito na tapos ang sasabihin ng sugurin ko siya ng isang mahigpit na yakap 'damnnnn' parang may kung anong humahaplos sa puso ko ng sabihin niya ang linyang iyon, kita ko sa mga mata nito at ramdam ko ang sinsiredad nito 'kahit anong mang yari mas hindi ko hahayaang mapahamak ang taong ito pati na din ang mga magulang namin' may panunumpang anas ko sa aking isipan "nga pala kung pwede ilibot mo ako tutal maaga pa naman, kung pwede lang naman ?" tipid na ngiting saad ko kaya nag tataka naman itong tumingin sa akin "saan mo gustong pumunta ?" kunot noong tanong nito "kahit saan basta ilibot mo ako para naman may alam ako sa lugar na ito" seryosong saad ko, wala naman itong nagawa at tumango na lang kaya sinuot namin muli ang helmet at saka umandar pa alis
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD