MAKALIPAS ng dalawang linggo ay naging masaya ang mga nagdaan na araw ko... nang dahil kay lincon.. nasanay narin ako sa set up ng relasyon namin... Nagiging sinungaling na nga ako sa magulang ko dahil kay lincon para makasama lang siya... Hindi ko alam kung bakit hindi ko matanggihan si lincon kapag inaaya niya ako sa labas dahil lagi niyang sinasabi sakin na namimiss daw niya ako at gusto niya daw akong makasama lagi... Kapag sinabi niyang gusto niya akong laging makasama at makita ay hindi ko mapigilang makaramdam ng saya lalo na't lagi niyang pinaparamdam sakin kung gaano niya ako kamahal... Ang swerte ko dahil may kagaya niyang nagmamahal sakin... Kahit na madalas akong magsinungaling sa magulang ko ay hindi ko naman pinababayaan ang pagaaral ko.. kahit na may nobyo na ako ay priorit

