"HOY BAKEKANG bakit parang hindi kayo mapakali" tanong ko sakaniya habang tinitignan ang mga katulong na hindi mapakali sa paglilinis at pagluluto.. nandito kasi ako ngayon kali marikit.. "Darating kasi si kuya tsaka yung kaibigan niya... dito muna sila magbabakasyon" simpleng usal niya habang may kinakalikot sa cp niya.. "Ahh ganun ba pero bakit mo pala ako pinapunta dito?" Tanong ko ulit dito.. napatingin naman ito sakin at kita kong parang may malalim itong iniisip.. "A-ahhh gumawa kasi ako ng cookies--- t-tama gumawa ako ng cookies gusto ko kasing ikaw ang unang makatikim ng gawa ko... kung hindi talaga request ito ni kuya hindi ko talaga gagawin " parang wala sa sariling usal niya pero hindi ko narining yung huli.. "Ano yung huli bakekang? Hindi ko narinig e" sabi ko habang nakati

