GOOD MORNING DARLING... eat your breakfast and keep on your mind that stay away from those dickhead. See you soon darling" basa ko sa isang text. Pagkagising ko kasi ay ito ang bumungad sakinc Makalipas ng dalawang araw ay nakakatanggap nako ng mga message sa isang stranger. Hindi ko alam kung sinong nagpapadala ng message sakin. Baka na wrong send lang o kaya naman prank lang mga ito. Nagmessage naman ako kung sino siya pero wala naman akong natanggap na sagot dito. Nagtataka naman ako sa sinasabi niyang dickhead? Asshole? At iba pa. Hindi ko alam kung ano mga iyon. Tinanong ko kay bakekang kung ano yon. Ang sabi naman daw niya mga bad words daw mga iyon at huwag ko daw sasabihin ang mga bagay na iyon na sinangayunan ko naman. Napahinga ako ng malalim at nagtungo sa banyo para maligo

