"MA, PA alis nako!!" Sigaw ko kali papa habang nagmamadaling bumaba dahil papasok nako sa school.
"Ano?! Kain ka muna nak!" Sabi ni mama. Humalik ako sa pisngi niya maging si papa na seryosong nagbabasa sa dyaryong hawak niya.
"Sa school nalang po ako kakain ma!! Late nako!!" Sabi ko at pumasok nasa kotse namin, mabuti always ready si manong
"Good morning po manong pedro!" Masiglang bati ko dito. Matagal na namin siyang driver at asawa niya sa manang betty.
"Magandang umaga rin hija!!" Balik na bati nito sakin kaya nginitian ko lamang ito.
Pinasiba na ni mang pedro ang kotse. Makalipas ang oras ay nakarating na kami sa pinapasukan kong school ang LASIDRO UNIVERSITY. Pagmamayari nila bakekang este marikit ito. Pribado ito at mahal ang mga gastusin pero keri ko naman yung gastos.
Pinagbuksan naman ako ni mang pedro ng pintuan kaya lumabas nako.
"Mang pedro huwag niyo na po akong sundin mamaya. Pagkauwi ay dederetso kami ni marikit sa bahay nila dahil may gagawin pa po kami. Pasabi nalang po kila mama" nakangiting usal ko.
"Ok sge hija. Basta magingat ka lagi." Nalangiti ring usal nito.
"Ok po. Ingat rin po kayo. Babye po" paalam ko rito at mabilis na pumasok sa school.
"Good morning po mang lido!!" Masayang bati ko sa guard ng school nato.
"Abay maganda ring umaga hija" masaya ring bati nito sakin.
Nilabas ko ang id ko para pakita dito. No id no entry. Kasi sa school na ito. Kasama iyon sa rules ng school
"Pasok kana hija. Malapit ka ng malate'" sabi nito kaya ngumiti muna ako bago nagmadaling tinungo ang room ko.
Pagkapasok ko sa first subject ko ay napahinga ako ng malalim dahil wala pa ang aming guro sa entrepreneuship. Kaya umupo ako sa aking upuan. Tinignan ko ang bakanteng upuan sa kanang bahagi ko. Bakit wala pa si bakekang? Alam naman niyang may quiz kami ngayon sa entrepreneurship.
Halos kompleto na kami sa klase. Pero wala parin ang guro namin kaya nilabas ko ang cp ko para tawagin si bakekang. Mga ilang ring bago niya saguti ito.
"Hoy bakekang nasan kana. Malapit na magumpisa yung klase" bungad ko sakaniya. Napakunot ako ng marinig kong suminghot ito.
"H-hindi ako papasok ngayon medyo may sinat kasi ako" sabi niya at umubo.
"Ok sge pahinga ka nalang diyan. Paalam nalang kita kay maam" sabi ko. Kahit papano nakaramdam ako ng pagalala kahit na lagi akong sinusungitan nito
"No need. Kami naman may ari ng school na yan" sabi niya. Napairap naman ako sa sinabi niya. Mayabang!!.
"Oo nahh. Basta kauwi deretso ako diyan sainyo" sabi ko. Aangal sana siya ng patayin ko ang tawag.
Kung wala lang sakit si bakekang gagawin namin ngayon yung project pero sa ibang araw nalang. Hahalagaan ko nalang yun, naalala ko kasing wala sila tita at tito maging ang mga kasambahay nila dahil day off daw ng mga ito.
Makalipas ng oras ay 3:30 pm na. Oras na para umuwi. Mabilis kang akong nakapunta sa mansyon nila bakekang dahil medyo malapit lang ang mansyon nila sa school. Automatic naman bumukas yung gate nila bakekang. Grabe ang yaman nila.
Nasa second floor ang kwarto niya. Medyo hiningal pako sa pagakyat. Nang makarating ako sa kwarto niya ay walang katok katok na pumasok ako. Nakita ko siyang nakahiga at may basang bimpo sa noo niya. Hayy salamat naman pinunasan na niya ng bimbo ang katawan niya para naman bumaba ang lagnat niya. Hindi niya ko napansin dahil may kausap yata siya. pangiti ngiti pa siya ahh habang may kausap sa phone niya. Kaya lumapit nako sakaniya.
"Hoy bakekakang sinong kausap mo?" Usisa ko at tumingin sa cp niya.
Nagulat naman iyo sa paglitaw ko. Nilayo naman niya ang cp niya kaya hindi ko nakita kung sinong kausap niya. Damot!!
"Hoy anong ginagawa mo dito?" Mataray na sabi niya. Kala mo naman walang lagnat kung magtaray sakin.
"Hindi ba pwedeng nagaalala ako sayo kaya nandito ako tsaka hindi na muna natin gagawin yung project natin sa ibang araw nalang... kumain kana ba?" Usal ko rito. Lumambot naman ang ekspresyon nito at nahagip ko ang pagngiti niya pero nawala rin yon.
"Hmm hindi pa" nahihiyang sabi niya.
"A-ano?!!!"
"Ano ba!! Huwag ka nga sumigaw" bulyaw niya sakin.
"Sorry naman!! Gusto mo bang lalong magkasakit. Sandali ipagluluto kita ng sopas" sabi ko. Aalis na sana ako ng pigilan niya ko.
"Wait lang... papakilala ko lang sayo yung pinsan ko sa mother side" sabi niya kaya lumapit ako rito.
"Kuya pakilala ko sana sayo itong baliw kong kaibigan. Maganda at mabait naman siya kaya pwede ng pagtiyagaan" natatawang usal niya. Abat!! Kaibigan koba talaga ito!! Ok na sana e! Psh.
Pagkatapos niyang sabihin yon ay medyo tinutok niya sakin ang cp niya. Ang pogi!!! Kahit hindi siya nakatingin sakin at may pinipirmahan ata sa papeles ay ang gwapo parin niyang tignan. Mukhang malaki ang agwat namin dito ni bakekang. Bagay na bagay sakaniya ang suot niyang business attire tila nasa trabaho ito.
Napadaing ako ng kuritin ako ni bakekang kaya sinamaan ko iti ng tingin. Napaka sadista talaga ng babaeng ito. Sinenyasan naman niya kong nagpakilala dito.
"H-hello po. Ako po si Kendrin Noli Patio" nahihiyang usal ko. Hindi ko alam kung bakit parang nakaramdam ako ng hiya. Crush ko na ata siya..
'Landi mo naman gurl' epal ng isip ko.
'Ika landi' sabi ko sa isip ko.
Napailing nalang ako. Pati sarili ko nakikipagtalo pako... umangat naman ang tingin nito at parang nahigit ko ang hininga ko. O M G. Ang gwapooooo. Mas lalo siyang gumwapo lalo na't kita ko lahat ang kabuuan niya. Grabe sa lahat ng mga gwapong nakita ko parang mas malakas ang epekto nito sakin. Crush ko na ata siya.
Pansin ko lang na parang natulala ito sakin. Bakit naman siya natulala? Kita ko naman ang pagbukas sara ng mapupulang labi niya na parang may gustong sabihin. Napahawak naman ako sa mukha ko baka may dumi. Baka naman may dumi ako sa mukha at magmulha akong basurera. Nakaramdam naman ako ng hiya kay crush. Kaya walang paalam na lumabas ako sa kwarto ni bakekang kahit na tinawag ni bakekang ang pangalan ko.
Ihhhh kakahiya