HINDI mapawi ang aking ngiti sa aking labi dahil sa nangyaring date namin ni kuya lincon kahapon.. hindi ko akalain na masarap pala siyang kasama at nagenjoy talaga ako sa date namin... halos gabiin na kami kagabi dahil sa sarap ng kwentuan namin.. "Hoy babaita ka para kang tangang nakangiti diyan ng magisa? Kamusta pala kahapon" pukaw sakin ni bakekang na siyang kinanguso ko.. "Sobrang saya pero akala mo ahh nakakimutan ko na yung kasalanan mo sakin.. sinet up mo ako pati nasi kuya lincon" malditang usal ko dito.. "Mabuti naman.. bakit hindi mo nalang ako pasalamatan? Pasalamat ka nga ginawa ko yon dahil nagkaroon ka ng chance na makasama yung crush mo" sarkastikong usal nito at nagsimuka muling kumain... nasa cafeteria kami ngayon ni bakekang.. Namula naman ako sa huling sinabi niya.

