NAGISING ako ng may maramdaman akong humahaplos sa mukha ko... Pagmulat ko sa mata ay nakita ko si mama na may pagalala sa kaniyang mata... "Anak may lagnat ka... Bakit hindi mo agad sinabi sakin... Huwag ka munang papasok ahhh... Tatawagin ko nalang ang adviser mo at sasabihin kong hindi ka muna papasok ngayon..." nagaalalang usal ni mama... Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko kahapon.. ngayon pala ay may lagnat ako... Tumango na lamang ako... Ang tamlay ng pakiramdam ko ngayon... "Sige anak matulog ka muna... Ipagluluto muna kita ng sopas" usal ni mama at inayos ang bimpo sa aking noo... Lumabas na siya sa kwarto ko kaya muli kong pinikit ang mata ko at hindi ko namalayang nakatulog muli ako... *** NAPAKUNOT ako ng may naramdaman akong humahaplos sa buhok ko at hinahalik halikan ang

