'Good night darling.. dream of me.. i love you so much my queen' Napangiti ako sa nabasa kong text mula kay lincon... Nagtext rin ako sakaniya pagkatapos ay binaba kona sa table ko ang cp ko... Kinuha ko ang suklay ko at marahan kong sinusuklayan ang mahaba kong buhok habang nakatingin sa malaking salamin ko... Hanggang ngayon ay hindi parin mapawi ang ngiti ko... Hay napatigil ako sa pagsuklay ng makarinig ako ng katok mula sa pintuan... Pagkalingon ko ay nakita kong si mama yon.. Nakangiting lumapit siya sakin at nagulat ako ng kunin niya ang suklay ko... "Alam mo anak may napapansin akong iba sayo e" malambing na usal ni mama habang marahan niyang sinusuklay ang buhok ko... Nakaramdam ako ng kaba dahil sa sinabi ni mama... "A-ano po yon?" Hayts sana hindi napansin ni mama na nautal

