“COME HERE.” Napatigil sa ere ang isang paa ni Malicia nang marinig ang boses ni Gabriel galing sa sunroom ng mansion. Kanina, nang magising siya, nag-iisa na lamang siya sa silid ng lalaki. Nakatakip lamang ng comforter ang katawan niya. Agad siyang nagbihis at bumaba. Narinig niya ang boses nito at ni Iska sa loob ng sunroom kaya patingkayad siyang naglakad upang hindi mapansin ng mga ito. Ngunit nang tumapat siya sa pintuan ng sunroom kung saan ito nag-aagahan, nakita pa rin pala siya ng binata. Pagkatapos ng nangyari sa kanila kagabi, hindi niya alam kung ano ang aasahan niya kay Gabriel. Ang tanging sigurado siya ay hindi na basta-basta mawawala ang galit nito sa kanya kaya ayaw na sana muna niyang magpakita rito. Nang pumasok siya sa loob ng silid, tinapunan siya ng masaman

