Chapter 3

1274 Words
"Beshie! Beshie!" Hinihingal na hinabol ni Clara ang bestfriend niyang Aarah na nakita niyang naglalako ng kakanin. "Beshhh!" Itinodo niya ang boses ng hindi ito lumingon. Sa wakas ay nilingon din siya ng kaibigan. "Ano bang meron at daig ko pa si Le Men Ho kung makasigaw ka ng pangalan ko." Pabirong tinampal ni Mara ang kaibigan. "Lee Min-ho, besh, at hindi Le Men Ho," pagtatama ni Clara at inulit-ulit pa ang tamang pagbigkas. "Si Lee Min-ho ang Gu Jun-pyo ng buhay ko. Ang Lee Gon ng isip ko at ang Kim Tan ng puso ko." Itinuro siya nii Aarah gamit ang hintuturo. "O, huwag mo ng ituloy. Kabisado ko na 'yan kaya ako na ang magsasabi ng katuloy," Ibinaba ni Aarah mula sa ulo ang bilaong may lamang kakanin at inilapag sa waiting shed. "At ikaw naman si Jande ng Boys Ober Plawers, si Esang ng Da Hers at si Jong Tawol ng Da King-" Nalukot ang mukha ni Clara. "Da King talaga, beshie? Sana ginawa mo na lang FPJ." Sabay ngiwi. Napakamot sa ulo si Aarah. "Ang hihirap naman kasing bigkasin ng mga pangalan ng mga iniidolo mo, besie, eh. Hindi 'tulad n'ong akin na madali lang." Nagbilang sa kamay ang kaibigan. "Si Joday, si Klawdin-" "Tama na, beshie. Sablay pa rin." Pinutol ni Clara ang pagbibilang ni Aarah ng mga iniidolo nitong local actresses. "Bakit kasi hanggang ngayon ayaw mo pa rin tanggapin ang inaalok ko sa'yong tutorial class. Tuwing Linggo, pagkatapos nating magsimba, tuturuan kita ng tamang pagbigkas at pagsulat." Si Aarah ay ang nag-iisang kaibigan at kababata ni Clara. Hindi lang sa halos lahat ng bagay sila magkasundo. Pati yata mga pangalan nilang magkatunog ay itinadhana din. Hindi katulad ni Clara na high school graduate ay hanggang grade one lang ang natapos ni Aarah. Panganay kasi ito sa sampung magkakapatid. Tindera rin ng mga kakanin ang nanay at construction worker naman ang ama. Pero hindi 'tulad ni Clara, salat man sa edukasyon, buo at masaya ang pamilya ng kaibigan. Samantalang si Clara ay anim na taon nang nag-iisa sa buhay. Isang taon pa lang daw siya nang umalis at naglahong parang bula ang nanay niya. Ang ama naman ni Clara ay dating tindero ng balut at mani. Pero sa kasawiang palad ay nadamay ito sa engkuwentro ng mga pulis at kriminal. Natamaan ng ligaw na bala ang ama ni Clara. At iyon ang dahilan kaya anim na taon na siyang nag-iisa sa buhay. Tubong Ilocos ang tatay ni Clara at nandoon ang lahat ng pamilya nito. Pinapauwi siya ng Lolo't Lola niya pero hindi naman maiwan ng dalaga ang bahay nila na mahal na mahal ng Tatay Carding niya. Ang ina naman ni Clara ay isa raw half-Chinese at wala sa Pilipinas ang pamilya. Wala ring kapatid ang dalaga. Hirap man sa buhay ay pilit na iginapang ng ama ang pag-aaral ni Clara. Kahit pahinto-hinto siya dahil sa kahirapan, nakapagtapos pa rin naman siya ng high school. Kung hindi nga lang namatay si Tatay Carding, baka isa ng pulis si Clara. Katulad ng pangarap nilang dalawa. At kahit dadalawa man sila noon nang nabubuhay pa ang ama, masasabi ni Clara na naging masaya ang buhay nila. Hindi siya kinulang sa pangaral at pagmamahal. Pinalaki si Clara ng Tatay niya na laging matapang. Na puwedeng umiyak pero huwag bumulahaw. Na puwedeng magalit pero huwag manakit. Itinatak din ni Tatay Carding kay Clara ang pagiging positibo. Na puwedeng masaktan at magalit. Pero hindi dapat nabubuhay sa sakit, sa poot. Pinalaki si Clara na laging nakikita ang bright side kaysa sa kadiliman. Kaya nang mamatay ang ama niya, kahit sobra siyang nasaktan, mabilis na naka-recover si Clara. Lagi niyang iniisip ang sinasabi ni Tatay Carding na ang lahat ng bagay sa mundo ay hindi permanente. Kasama na ang buhay ng tao. Itinuro rin ng ama kay Clara na kapag may pangarap ka, huwag mo iyong sukuan. Kaya mula sa kakapirangggot na kita niya bilang saleslady sa isang malaking mall, nagtatabi si Clara para sa plano niyang pag-aaral ng college. Gusto niyang tuparin ang pangarap nilang mag-ama na pagpupulis niya. Ilang taon na rin siyang nag-iipon at malaki-laki na rin sana. Kaso may isa pang pangarap ang dalaga na matagal na rin niyang hinihintay at pinag-iipunan. At 'yon ay ang makita sa personal ang idol niyang Korean Superstar na si Lee Min-ho. Nagsimula niya itong idolohin noong napanood ng dalaga ng sikat na sikat na Boys Over Flowers. "Kahit naman turuan mo ako, besie, hindi pa rin ako matututo kaagad, 'no. Kasi low ako," sagot ni Aarah kapagkuwan. "Baka slow ang ibig sabihin, beshie," pagtatama ulit ni Clara. "Pero hayaan mo na nga. Kahit naman ano ka pa, love na love pa rin kita. Ikaw pa rin ang nag-iisang beshie ko. Hindi ako magsasawang magsilbing dictionary at translator mo." Totoo ang sinabi ni Clara. Kahit mahina man pumick up si Aarah, mahal niya ito at hinding-hindi ipagpapalit. Kahit hindi man siya matalino, tuturuan at tuturuan pa rin ni Clara ang kaibigan, sa abot ng makakaya niya. Para na niya itong kapatid. "Ewan ko ba sa'yo, besie. Ang hilig mong magsalita ng Ingles kahit hindi ko naman naitindihan. Pero kahit gan'on, lab pa rin kita. Ikaw ang bi-ep-ep ko poreber." Nag-high sina Mara at Aarah, at saka sabay na kumanta ng theme song nila. "Mara.... Aarah... Ikaw ay ako ngayon... At ako ay ikaw..." "Ano nga pala ang ikukuwento mo kanina?" biglang naalalang tanong ni Aarah, matapos silang maghagikhikan. "Nanalo ka ba sa loto? Balato naman, besie. Pambayad ko lang sa mga utang namin. Para hindi na ako utang ng utang kay Tiyo Ramon. Masiyado na kaming binabaon sa utang." Napakamot sa ulo si Aarah. "Biruin mo, dalawang libo lang ang inutang ko noong una. 'Tapos biglang naging tatlong libo noong babayaran ko. Dinaig pa ang bumbay kung tumubo, eh." Ang Tiyo Roman na tinutukoy ni Aarah ay ang pinsan ng ina nito na isang kilalang negosyante sa Quiapo. Ayon sa kaibigan ni Clara, kahit daw tiyuhin nito si Tiyo Ramon ay parang ibang tao kung ituring ang kanilang pamilya. Saksi rin naman si Clara kung gaano kasama ang ugali ng tiyo ni Aarah. Kahit nga sa mga tauhan ay salbahe din. "Sira ka, beshie!" Tinampal niya ito sa braso. "Kung manalo man ako sa lotto, ibibigay ko sa'yo ang three fourth, 'no. Okay na ako sa one fourth. Wala naman akong pamilya. Ikaw, isang dosena kayo. Kaya mas kailangan niyo 'yon," walang halong biro na sabi ni Clara na ikinatawa ni Aarah. "Ang gusto kong sabihin sa'yo ay," sandaling tumigil sa pagsasalita si Clara at umaktong bubuwelo sa pagsigaw. "Makikita ko na ang loves kong si Lee Min-ho, beshie!!" Exaggerated na tili ni Clara. Nagtakip pa ng tainga si Aarah. "Magkakaroon siya ng concert dito sa Pilipinas. At pasok sa ipon ko ang ticket niya. Dreame come true. Wooo!!" "Talaga, besie? Waw! Nakakatuwa naman, besie. Sa wakas makikita mo na ang mahal mo," natutuwa ring sagot ni Aarah. Bakas din sa mukha ang excitement. "Piktyuran mo, ha. Para makita ko kahit papaano." "Isasama kita, beshie!" Nalukot ang mukha ni Aarah. "Paano? Eh, kulang pa nga sa pagkain namin ang kita ko sa paglalako." Niyugyog niya ang balikat ng kaibigan. "Kukupitan ko ang ipon ko para sa pag-aaral ko. Ayoko namang ako lang ang mag-enjoy, 'no?" "Pero sayang, besie. Bente siyete ka na. Baka uugod-ugod ka na bago ka pa maging pulis," kontra ng kaibigan. "Ako ang bahala! Basta isasama kita!" puno ng determinasyon na sagot ni Clara.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD