Chapter 8

2593 Words

Nakakuyom ang mga kamay na naghihintay si Bernard sa loob ng kaniyang sasakyan. May isang oras na rin nang umalis ang iba niyang mga tauhan para palibutan ang lumang pottery na kinaroroonan ni Jigsaw. Pinabantayan ni Bernard ang bawat daan na puwedeng lusutan ng broker sakali mang balak nitong tumakas. Sinigurado rin nila na walang mga patibong o bantay sa paligid. Isang broker lang si Jigsaw at walang sariling mga tauhan. Pero malakas ang kapit, lalo na sa mga gangster. Magaling kasing makipagdeal si Jigsaw. Masiyadong matamis ang dila na kahit si Bernard ay napaniwala. Kaya sigurado si Bernard na hindi madali ang gagawin nilang paghuli o pagpatay mamaya kay Jigsaw, kung paanong nahirapan din silang hanapin ito. Protektado raw ito ngayon ng tinatawag na Gaviria gang. Isa sa pinakamalak

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD