Chapter 50

1318 Words

May ilang araw na ring naghihintay si Bernard sa resulta ng pagpapahanap niya sa anak ni Lady Bat. Hindi siya papayag na hindi nito maranasan ang naramdaman niyang takot noon nang ipahamak nito ang kaniyang anak. Hindi man niya matumbasan ang kasamaan nito dahil sinisikap na nga niyang magbago para kay Clara, at least, magawa man lang niya itong takutin. Isa rin itong magulang. Siguro naman ay hindi rin nito hahayaan na mapahamak ang anak, 'di ba? "Labs, bakit ang tahimik mo?" untag sa kaniya ni Clara habang palabas sila ng mansiyon. Ngayong araw sila nakatakda na pumunta sa Love For Homeless Foundation, isa sa maraming charities na sinusuportahan niya sa Mexico. Ngayong araw ang ikatlong anibersaryo ng pagtulong ni Bernat sa nasabing foundation. Kaya naisipan ni Clara na i-celebrate daw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD