Magkasalubong ang kilay at pansin mong hindi niya gusto ang nakikita niya.
Sakto namang dumating na rin si Rey kaya pinayagan na rin kaming makapasok. Kahit medyo tanga-tanga iyang si Rey pagdating sa pisikalan, magaling siyang abogado kung magseseryoso nga lang, no wonder at kilala siya ng mga SWAT.
Hindi na talaga ako makapaghintay at pupuntahan ko na sana si Drew nang hawakan ako sa braso ni Rey.
"Huwag muna iha, tignan mo," napatingin naman ako sa gusto niyang ipakita. Kusang nahulog ang baril na hawak-hawak ni Drew mula sa mga kamay nito habang papalapit sa dalawang katawan.
At halos mapaupo na ako sa panginginig ng tuhod nang makilala ko ang babaeng binubuhat niya. It wasn't any woman. Nag-iba nga lang ang itsura nito kaya hindi ko siya agad na nakilala, ngunit alam kong siya iyan.
Napatingin akong napahawak sa braso ni Rey, "S-Si Marie ba iyan?"
Hindi ko makapaniwalang tanong habang sinusundan ng tingin si Drew na papunta ngayon sa mga ambulansiyang naghihintay. Bising-bisi kasi ang lahat ng mga tao na hindi na nila alam kung sino ang uunahin sa mga biktima.
"This is not good. This is not good," paulit-ulit kong bulong sa sarili ko. Iisang mukha lang ang nakikita ko ngayon sa balintataw ko.
Si Drew.
Bakit siya at hindi si Marie? because there's something in him that we wished not to see. Hinihiling na hindi namin nakita ni Rey sa kaniya ngayon. "Iha, halika na, sundan natin si Drew."
Na nakita lang namin nang mamatay ang pamilya niya many years ago. At ngayon. . .the first time again in history.
It was the fear in his eyes.
Wala sa diksyunaryo ng mga sinasabi niyang halimaw na tulad niya ang salitang takot. Iyan ang sabi niya sa akin noon. But as I can see, sa nakita lang namin ni Rey bago lang at hindi nga kami makapaniwala.
May nagbago sa kaniya.
Monster does not have fears. And he has one. Isa lang ang ibig sabihin nito, he's turning back to being human again. With a heart. With a life. With a purpose. And it's. . .not good.