Kabanata 23 3/3 ---- THIRD PERSON "Tangina! Wayne, wag kang malilikot, mahuhulog tayo pareho nito!" bulyaw ni Dark sa kaibigan. Nakasakay siya sa balikat ng kaibigan habang nakaharap sa planka ng buong hotel. "Huta! Pre, ang bigat mo! Teka lang--" Muntik na silang matumba ng gumalaw ulit si Wayne habang inaabot ng binti ng may maramdamang gumagapang ro'n "Hoy! Knight ano na? Papatayin na ba namin?" Tanong ni Dark sa kabilang linya. "Mamaya na, sandali lang hinahanap ko pa si Ty," Sagot nito. Mabilis siyang napasabunot sa buhok ni Wayne ng gumewang ito. "Hoy! Ano ba!" Napadaing ito. "Tangina! Pre, 'yung buhok ko!" Binitiwan ni Dark ang buhok nito at idinikit ang dalawang palad sa semento para mabalanse ang sarili. Masyadong mataas ang pinalalagyan ng generator at wala ring hagda

