Kabanata 20 -- NATHALIA NAPABALIKWAS ako sa pagkakahiga sa malambot na kama. Agad na tumama ang sinag ng araw sa aking mukha, mula sa nakabukas na balconahe. Shit! Umaga na? Napatampal ako sa sariling noo at inalala ang nangyari kahapon. Matapos mangyari ang kahihiyang 'yon, binigyan niya ako ng damit na susuotin ko para sa ilang araw naming pananatili dito. Nang sinabi niya 'yon ay halos batuhin ko na siya sa sobrang inis. Hindi man lang ako nakapagpaalam ng mabuti sa anak ko. Matapos niyang ibigay sa'kin ang mga damit ay umalis siya sa suit. May tumawag kasi sa kanya na hindi ko naman alam kung sino, kasi lumabas siya agad. Hindi ko na rin siya naabutan no'ng gumabi na, may naghatid na lamang sa'kin ng pagkain at matapos niyon ay nakatulog ako ulit. Napabaling ako sa kabilang k

