Kabanata 7 -- NATHALIA Alas nuebe ng umaga nang opisyal na lumapag ang sinasakyan kong eroplano. Nagsitayuan na ang ilan sa mga pasaherong sakay. Hinintay ko muna na makalabas ang iba bago ako tumayo at lumabas na rin. Pagkababa pa lamang ay sumalubong na sakin ang mainit na simoy ng hangin. Marami-rami din ang taong nakaantabay at naghihintay sa mga kamag-anak nilang bagong dating. Hayst! Nakakamiss dito sa Cebu. Dala-dala ang maleta ay agad kong hinanap si Bax sa waiting area. Ngunit wala miski anino nito doon. Napagpasyahan kong lumabas at umupo sa malapit na waiting shed. Antagal naman no'n... 'Hahaysst! Hindi pa rin nagbabago' Kinuha ko ang cellphone sa bag, nagbabakasakaling may mensahe ito. Tiningnan ko ang cellphone at laking pasasalamat ko ng may mensahe nga ito From : B

