Kabanata 18 --- NATHALIA I RAN MY HAND through my hair while yawning in sleepiness. Maingat kong inihakbang ang mga paa ko pababa sa hagdanan, nasa sala pa lamang ay dinig ko na ang nagkukulitang boses mula sa maliit na kusina. Sumilip ako sa may pader at naabutan ko ang aking anak na nakaupo sa highchair habang pilit na tinutusok gamit ng isang sandok ang pwet ni Bax. "Zy, baby... tama na 'yan. May kiliti ako diya---Ay! Hahaha." Napakagat ako ng mariin sa aking labi upang hindi kumawala ang pinipigilan kong tawa. Imbes na tigilan ng anak ko, mas pinag-iginihan pa nito ang pagtusok sa pwet ni Bax. Nasa harap kasi ito ng niluluto niya habang ang anak ko ay nasa likod niya lang. Papanoorin ko nalang sana sila ng humarap sa direksyon ko si Bax. Agad na tumikwas ang isang kilay nito at

