Kabanata 14 --- NATHALIA LUTANG at para akong wala sa sarili pagkapasok ko sa gate ng apartment. Naglalaro pa rin sa aking isipan ang mga pangyayari kanina. Bagsak ang balikat habang pinihit ko pa bukas ang pintuan. Namataan ko si Bax at ang anak ko na nakaupo sa salas habang nanunuod ng T.V. Agad napabaling ang atensyon nila sa direksyon ko. Nagliwanag ang mukha ng anak ko ng makita ako. “Mimi! You're home!” natawa ako ng mahina ng makitang pilit itong bumaba sa sofa. Inalalayan ito ni Bax pababa saka kumaripas ng takbo papunta sa'kin. Ibinuka ko ng bahagya ang aking mga braso habang nakaluhod sa carpet ng sahig at saka sinalubong ito ng yakap. Sa simpleng yakap lang nito, napawi agad ang mga agam-agam na nararamdaman ko. I kissed him on his head before broke our hug. “Hi Baby, Ku

