Iba talaga pag pera ang kumilos dahil mabilis at pulido pa ang bakod na pinagawa ni Patrick. Halos bakal ang nakapalibot sa kabahayan maging ang likuran na bahagi ay ipinasara na nito, walo katao ang nagtulong tulong para matapos kaagad ang bakod nila. Nang hapon naman ay dumating ang architect at ang engineer na siyang mamamahala sa pagpapagawa ng bahay nila. Maging ang bahay na kanyang kinalakhan ay balak palang ipaayos nito. "Nakakahiya sayo na pati bahay nila Mama ipapaayos mo, tiyak na di papayag si Mama, para kana naming ginagatasan namin niya." Sabi niya dito nang mapag isa silang dalawa. Isinama siya nito sa bahay nito sa kabilang bayan, nagpaalam ito sa Mama niya na isasama siya. "Alam ko naman na di naman papayag si Mama na makitira sa atin, kaya iyon ang gagawin ko. At lea

