Mabilis na lumipas ang mga araw at ito siya ngayon inihatid pauwe sa kanila ni Mang Ruben, kinailangan na umalis ng mag anak nila Patrick dahil ang lola daw ng mga ito ay may emergency. Wala naman silang naging maayos na usapan tungkol sa kung ano ang magiging kalalabasan ng lahat. Nanlumo siya kasi nag expect siya na isasama siya ng mga ito lalo at sa Manila lang naman ang Lola ng lalaki. "Ingat ho kayo Ma'am." Sabi ni Mang Ruben pagkaakyat niya sa kubo nila. "Salamat ho sa paghatid Manong Ruben." Malungkot niyang tinanaw ang pag alis ng lalaki. Pakiramdam niya kasi ng mga sandaling iyon ay di na niya makikitang muli ang matanda. Pakiramdam niya ay natauhan na si Patrick kaya ito at ipinahatid nalang siya. Wala siyang magagawa kung ayawan man siya ng lalaki at ng pamilya nito. Wala nam

