2 Growing Alex

1422 Words
Gaya ng sinabi nila Dark sakanya, hindi sya pinabayaan ng mga ito at pinag aral sya sa magandang paaralan. Nakatira sya sa maayos na tirahan na may tatlong kwarto sakto para sakanila ni Mang Roy at mga gamit sa bahay. Hiningi ni Mang Roy na hangga't maaari sana ay simpleng buhay lang ang iparanas sakanila sapagkat gusto nyang makita na mag sumikap si Alex na umunlad pagdating ng panahon. Mabilis ang panahon at nakatapos si Alex ng kanyang pag aaral. Nag working student sya at sumasideline sa mga photoshoots para magkaroon ng extrang kita. He is definitely the most handsome man in the Philippines. Hindi nya ginagamit ang apelyidong Saunders ever since dahil kahit papaano ay masama ang loob nya sa kanyang ama, at gusto nyang pakita doon na ang lahat ng success na matatamasa nya ay hindi dahil sa apelyido ng kanyang  ama kundi dahil sa pagsisiskap nya. "Mr. Light Alex Ji, your next." Tawag sakanya ng sekretarya ng isang malaking bangko. Pumunta sya ngayon doon para sa isang proposal sa isang business venture na naiisip nya. Kailangan nya ng kapital kaya kailangan nya ng investors. Naisip nya ang pinaka malaking bangko sa Pilipinas ang unahin nya, pwede syang magloan kung ayaw nila mag invest. Inayos ng maigi ni Alex ang kanyang neck tie at kala mo ay mga haliparot na bakla ang mga dalagang nadadaanan nya na kilig na kilig pag napapatingin sya. Haaayyy. Women are all the same. Naibulong nya sa sarili. Nagtagal ng dalawang oras ang meeting nya sa CEO ng bangko at umuwi sya ng walang sagot. "Ayos lang yan anak, pasasaan ba't makakakuha ka ng mga indyestors mo." Napangiti si Alex ng marinig ang kanyang Tatay Roy. "Tay, Investors po 'yon. Tatawag daw sila pag napag desisyunan ng board." Malamlam na sagot nya. "Ay kahit ano payan imbestors na yan, makukuha mo yan, isa pa bente uno ka palang! Masyado kapang bata, marami pang dadating sayo." Pag papalakas ni Mang Roy sa kanyang loob. "Kumain ka na ba?" Tanong ng matanda. "Mamaya na ho Tay, magpapahangin lang ako sa labas, pag balik ko nalang ho ako kakain." Paalam nya dito. "O sige, basta wag mo pakaisipin iyon, at pakibili mo nalang din ako ng pampalamig ng sikmura." Pagkuway kinindat kindatan pa sya nito. Tuluyan na syang natawa sa itsura ni Mang Roy dahil para itong batang paslit. Ang pampalamig kasi noon ng sikmura ay alak. "Sige ho, bilhan kita ng isang bote lang." Tuwang tuwa ang matandang tinapik ang kanyang balikat at saka iyon nag tungo sa kusina para mag luto. Araw araw na si Mang Roy ang kanyang taga luto at taga linis ng kanilang bahay, ito rin ang nag aayos ng kanyang gamit at lahat, tila ito na talaga ang tumayong ama sakanya. Hindi rin iyon nag asawa dahil natatakot sya na baka sa hirap ng buhay nya ay iwan lang sya ng mapapangasawa nya, tama na sakanya si Alex dahil anak din ang turing nito sa binata. Napasarap si Alex sa pag iikot nya sa plaza sa kanilang bayan at nakaligtaan nya na ang oras. Agad na dinukot nya ang cellphone sa kanyang bulsa at tinignan ang oras. Alas Otso Y Meja na!  Naglakad na sya ng mabilis pabalik na sana sa kanilang subdivision when he bumped on to someone.  "Aray kuya naman eh!" Isang matinis na boses ng bata na nakasalampak sa simento ang kanyang narinig. Batang hamog? Madungis ang bata at madaming dalang mga bulok na mansanas at ponkan na halatang mga ninakaw nito. Meron din itong hawak na mga sampagitang nalalanta na sa kanyang kaliwang kamay. "Kuya bilin mo nalang tong prutas ko, bente nalang oh." Sabi nito sa matamlay na boses. Sa totoo lang nakikita ni Alex ang kanyang sarili sa batang ito dahil ganito din sya noon bago sya mahanap nila Darkus. "Anong pangalan mo bata?" He asked. Matalim na tinignan naman sya noon. "Hindi na ko bata no! 13 na ako! Kelly pangalan ko, ikaw?" Bahagyang napangiti si Alex sa reaksyon ng batang babae. "Sige na matanda kana! Ako si Alex." Sambit nya and as he expected, nagtatadyak ang bata sa inis. "Hindi ako matanda! Dalaga na ako!" She said, on that thought, tumingin si Alex sa paligid. Hindi ba natatakot itong batang ito na baka may gumahasa sakanya sa dami ng mga rugby boys at mga adik na nagkalat? Napaisip sya ng tignan ang bata. She might be thirteen pero kita na ang hubog ng katawan ng batang to, buti nalang ay naka loose shirt sya at jogging pants at marumi ang itsura, kung hindi ay pagnanasahan sya ng mga adik dahil kung tutuusin may itsura sya. "Sige sige, dalaga kana, saan ka nakatira?" He asked para sana maihatid nalang nya. "Wala akong bahay, patay na ang mga magulang ko, nung namatay sila pinalayas ako ng mga tiyahin ko, narinig ko nga namatay din sa sakit ang dalawang kapatid ko, pero di ko alam kung totoo." Lumungkot ang itsura ng batang babae at biglang tumulo ang luha sa kanyang pisngi at agad niyong pinahid. "Ano bibili ka ba kuya?" Sabay taas ng kamay nya sa hawak nyang mga prutas. "Gusto mo bang sumama sa akin?" He asked the child at saka sya nito pinagmasdan ng maigi. Sincerity shows on his eyes and the child's helplessness is strongly shown too. "Di ba ako mapapahamak kuya? Baka nangunguha ka ng laman loob ng mga bata tas ibenta mo ah." She said with all innocence. Natawa naman bigla si Alex. "Ano ka ba? Mabaho na yang laman loob mo paano ko kukunin? Yung mga yun di nangunguha ng batang marurumi!" Pang iinis nya sa bata, tinitigan sya nito ng masama at tila lalo syang natuwa. Pagkuway bumuntong hininga si Kelly. "Marami bang pagkain sainyo?" Tanong nito. "Oo naman." Sagot nya dito. "Sige sasama ako, ako nalang maghuhugas ng plato araw araw at maglilinis ng bahay mo kuya." Prisinta naman ni Kelly, natuwa naman si Alex dahil kahit paano ay nakikita nyang hindi sya nagkamali sa pag kuha kay Kelly. There is something in the kid na natutuwa sya. "Nga pala, pag uwi natin maligo ka muna ha. Dumiretso ka sa banyo baka bumaho bahay ko sayo." He said again, lumabi lang ang bata at di nagsalita. ---------------------------------------- "Anak, bakit ngayon ka lang?" Sigaw ni Mang Roy sakanya mula sa kusina ng marinig niyon ang screen door. Dali dali namang pumunta sa sala ang matanda para salubungin sya at may dala pa itong sandok. "Sakto at tapos na itong adobo ko-" Naputol ang sasabihin pa sana ni Mang Roy ng makita nya ang pigura ng batang babaeng madungis na nagtatago sa likod ni Alex. "Aba'y sino ang batang iyan?" Gulat na tanong ng matanda. Nakakabigla kasi parang uling ang bata at sobrang payat niyon. Mahaba ang buhok na madumi at ang damit na dating puti na ngayon ay itim na. "Kelly ang pangalan niya Tay, dito na sya titira mula ngayon para may makasama ka sa pag aasikaso sa bahay araw araw." Pakilala ni Alex sa matanda. "Kelly, ito si Tatay Roy, sya ang magiging tatay mo rin." Saka lamang tuluyang nagpakita ang bata ng kanyang kabuuan. Naawa naman din si Mang Roy ng makita ang bata. Hindi naman ito mukhang masamang tao. "Magandang gabi po Mang Roy." Bati ng bata na nag aalangan pa. "Sa lahat ng batang ganyan ang itsura yan ang pinaka madalang, abay kung pinatuloy ka dine ni Alex ay Tatay din ang itawag mo sakin, at parang awa mo na ineng maligo ka at itapon na natin ang mga damit mo, mabaho." Nakatakip pa ang ilong na turan ni Mang Roy. Tumango lang ang batang babae at saka na sya iginiya sa banyo ni Alex. "Kudkurin mo ng maigi ang dumi sa katawan mo Kelly, maraming sabon dyan, wag kang magtipid, iplastic mo ang pinaghubaran mo, bibigyan kita ng tuwalya mamaya at ng mga damit." Bilin ni Alex sakanya at saka ito tumango. "Buksan mo ang kabinet sa taas at may mga di pa nagagamit na toothbrush, kumuha ka ng iyo at saka mo ilagay dyan." Dagdag pa ng binata. Tumango tango naman si Kelly at excited na makatikim ng tubig. Matagal tagal narin akong walang ligo. Maraming salamat Panginoon.  "Kuya, salamat ah." She said bago tuluyang tumalikod si Alex. Nginitian naman sya ng binata. "Minsan din akong naging katulad mo Kelly, alam ko kung gaano kahirap ang mag isa at walang makukunan." He said at tuluyan ng tumalikod. "Bilisan mo ng makakain na tayo." Sambit pa ni Alex at naglakad na papasok sa sala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD