You're Not Coming.
"Never insist to anyone, anything, in order to avoid yourself from hurting."
Maligalig akong naglalaro sa sala dahil walang pasok at wala akong ibang magawa, nakasuot ako ng isang pink color tutu dress na hanggang sakong, ini-imagine ko kasi na isa akong prinsesa na nagtutour sa aking palasyo paikot-ikot pa ako habang naglalakad at pakanta-kanta pa.
" I can show you the world shining shimmering splendid.."
hinawakan ko ang aking palda habang umiikot-ikot na parang prinsesa habang nagsasayaw napangiti at itinaas ko ang aking kamay at ikinumpas pa ito para mas maging makatotohanan, umupo ako sa sofa at dinama ang lambot nito, pagkatapos ay tumayo ako ulit at muling sumayaw at umikot-ikot na parang prinsesa habang pakanta-kanta pa muli akong sumampa sa sofa at kinumpas kumpas ang aking mga kamay.
"A whole new world
A new fantastic point of view
No one to tell us,
Or where to go
Or say we're only dreaming
A whole new world
A dazzling place I never knew
But when I'm way up here
It's crystal clear
Now I'm in a whole new world with you."
Palakad-lakad pa ako sa gitna ng sofa habang patuloy pa rin ang pagkanta ng "A whole new world", pabalik-balik sa aking nilalakaran habang ikinukumpas ko ang aking mga kamay, damang dama ko ang aking pagkanta, paikot akong pumunta sa kanan at paikot din na bumalik sa kaliwa ng nasa bandang gilid na ako ng sofa ay bigla akong na out balance at nakapitan ko ang aquarium ni lolo na may lamang isang flowerhorn si Sushi, dahilan kung bakit ito nahulog at nabasag, basang basa ako pati ang paligid ng sala maging ang sofa ay basa ding lahat may sugat ako sa kamay dahil sa nangyari, dahil sobrang takot kong mapagalitan ni lolo ay nag madali akong pumasok sa loob ng kwarto ko, at hindi na inalala si Sushi wala kasi si lola at ang isa naming kasambahay ngayon kaming dalawa lang ni lolo ang nandito sa bahay, si lolo naman ay nasa likod ng bahay pinapakain ang mga aso niya, nanginginig akong pumasok sa kwarto at umupo sa gilid ng aking kama takot na takot akong mapagalitan sa lahat pa naman ng alaga ay si sushi ang pinaka paborito niya. Makalipas ang ilang sandali ay isang malakas na mura ang narinig ko mula sa labas.
"Putang*na Jezreel!"
sabay ang isang malakas na kalabog mula sa pintuan
Bumilis ang pagtibok ng puso ko at nanginig ang aking buong sistema.
"Buksan mo ang pinto!" galit na sigaw ni lolo mula sa labas sabay ang sunod sunod na pag pukpok nito sa pintuan na animoy masisira na ito sa lakas , inilock ko kasi ang pinto ng kwarto ko, dinig ko ang mga yapak niya senyales na umalis ito at anumang oras ay babalik dala-dala ang duplicate na susi ng aking kwarto kaya mabilis akong nanakbo sa loob ng aking cabinet, panay ang tulo ng luha ko habang nanginginig na sumiksik sa sulok sa loob ng cabinet, sising sisi ako kung bakit doon ko pa na isipang mag laro sa sala, galit na galit si lolo at sigurado ako mapapalo ako dahil sa nangyari kanina.
Dinig ko ang pagbukas ang pinto ng kwarto, galit na galit na tiwag ako ni lolo
"Tangina ka Jezreel lumabas ka! Kung away mong kaladkarin kita palabas, wala ka talagang kwenta puro kamalasan ang dala mo sa amin."
Napaluha naman akong muli dahil sa mga sinabi niya tinakpan ko ng aking mga palad ang aking tenga at humikib, muli akong napahilamos at itinakip ang aking mga kamay sa aking mukha upang mapigilan ang pag-iyak ngunit tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha ko mula sa aking mga mata maya-maya pa ay dama ko ang malakas na mga kamay na humila sa akin mula sa sulok ng ng cabinet, mabilis akong pabalibag na binitawan nito dahilan kung bakit napasubsub sa sahig ang aking mukha, napaigik ako sa sakit na aking nadama, ng sinalubong ko ang mga mata ni lolo ay galit na galit itong nakatitig sa akin, maya maya pa ay sunod sunod niya na akong pinaghahampas ng sinturon niya, halos di ko alam kung saan ko isasangga ang mga kamay ko upang hindi ako matamaan.
"Aray! Tama na po lo masakit na po!" sambit ko habang patuloy ang aking pag iyak
"Putragis kang bata ka tatanga tanga ka pati ba naman ang alaga ko pinatay mo!"
"Sorry po lo hindi ko po sinasadya."
sagot ko habang panay ang hampas niya sa aking ng sinturon
"Ayan! Ayan pa! eto pa! ayan! saluhin mo lahat ng palo ko ng mag tanda kang bata ka!"
"Huhu lolo tama na po, sorry na po please lo, aray lo, ayoko na po."
Umabot ata ng tatlong mahabang minuto ang pagpalo niya sa akin bago niya ako tinigilan at iniwan sa loob ng kwarto ko, kahit sa paghiga ko sa kama ay hindi ko alam kung saan pupwesto sa sakit ng latay sa balat ko, iyak ako ng iyak hanggang sa bigla ulit pumasok si lolo sa loob ng kwarto at itinapon ang lahat ng mga damit ko sa labas
"Lumayas ka! Wala kang kwenta palamunin ka sa bahay nato layas!"
--
Habol hininga akong nagising mula sa isang bangungut, hawak ng aking kamay ang aking dibdib at pilit pinapakalma ang aking sarili.
"Hah!" sampit ko sabay buga ng isang malalim na hininga.
Dahan-dahan akong bumangon sa kama at tiningnan ang alarm clock sa side table,7pm na pala, nakatulog kasi ako kaina pagdating ko galing sa school para magpa pirma ng clearance, tinanggal ko muna mula sa saksakan ang cellphone kong chinarge ko kanina bago ako nakatulog, inion ko ang mobile data nito at chineck ang social media account ko, may nakita akong 4 messages sa messenger, 1 sa classroom gc namin nag announce lang yung president nami na bukas daw available yung subject teacher namin sa GE101, 2 kay Jena tinanong niya kung nakauwi na ako, at 1 sa hindi ko kilala, una kung nireplyan ang message ni Jena,
To jena:
Yes bebe girl kanina pa ako dumating sa bahay. Thank you so much, nakatulog ako slr.
Nag seen ako sa classroom gc, yung hi naman na natanggap ko dun sa isang stranger ay diretso ko ng dinelete. Wala naman kasi akong panahon para sa mga ganun, kaya binaliwala ko na lamang.
Lalabas na sana ako para mag punta sa kusina ng may biglang mag pop up na message sa messenger ko. Nang tingnan ko ito ay galing yun sa group chat namin magpipinsan.
-The Avengers-
Koby:
Good Evening motherfuckers!
Sammy:
Ang bastos talaga ng bibig netong animal nato!
Koby:
Hahaha, Ngapala papalapit na ang reunion, excited to see yah all fuckers!
Napakunot naman ang noo ko dahil sa info na sinabi ni Koby, ang pinsan kong may saltik sa utak, tatlo lang naman kasi kamin member nitong gc Si Sammy Gultiano apo ni Lolo Patricio at si Koby Gultiano apo naman ni Lola Daina, dito naming pinag uusapan yung mga walang ka kwenta kwentang pag pa pataasan ng ihi sa pamilya namin. Wala naman kasing nabanggit si lolo tungkol sa reunion.
Jezreel:
Shuta! bat di ko alam? I miss you fuckers!?
Sammy:
Miss you too! Hindi ba sinabi sayo ni lolo last month pang plan ito eh?
Napasimangot naman ako at napangiwi ng nabasa ko ang reply niya.
Jezreel:
Hmp! You know naman diba! ?
Koby:
Wag mo na isipin, the important thing is na inform ka!
Jezreel:
Yeah right! Good thing makikita ko na naman ang pangit ninyong mukha.
Sammy:
Wtf! Jezreel kanino ba kami nag mana. Don't forget! haha
Koby:
Magdadala ako ng Alak! Dating gawi, dito pa rin naman sa bahay ang party.
Jezreel:
Make sure to clean your room, baka may nakakalat na naman panty pag pasok namin!
Koby:
Shut up fucker! haha T back na ang ikakalat ko!
Sammy:
Ew so gross ka Koby!
Koby:
Wahaha, move on na kasi, kalimutan niyo na ang panty ni Rea wahaha.
Sammy:
Peste ka talaga! Proud ka talaga sa babaeng mong hipon.
Jezreel:
Gotta go kakain muna ako mga animal gutom na bulate ko!
Koby:
Mabulunan ka sana Jez love yah!
Jezreel:
Peste!
Sammy:
whaha! Shuta ka!
Pagkatapos ay bumaba na ako at hindi na nagreply ulit, nag offline na rin ang dalawang ugok kong pinsan, nalungkot naman akong nalaman na hindi man lang ako inform ni lolo about sa reunion, pero inalis ko sa aking systema ang bagay na iyon ayokong mastress dahil lamang sa simpleng bagay, kumuha ako ng plato at kumain na sa kusina tahimik na dahil maagang kumakain sina lolo at lola, si Shaira naman ay umuwi muna sa tatay niya.
Sa ilang araw na lumipas ay hindi talaga sinabi ni lolo ang tungkol sa reunion kaya ngayon ay, nagmamadali na akong nagbihis dahil ngayon araw ang aming reunion tatlong araw din kami doon mamamalagi sa bahay nina Koby, busy ako sa pag iimpake dahil katulad last year by 7am ay tutulak na kami papunta sa davao, nasa 3 oras ang biyahe at kailangan naming bumiyahe ng maaga, tapos na akong magbihis at bitbit ko na ang aking mga dadalhin ng lumabas ako sa kwarto, nakita ko naman ang mga gamit ni Shaira sa sala na nakahanda na rin pati ang kina lolo at lola at andoon na at isasakay nalang sa sasakyan, bitbit ang aking gamit ay dahan dahan akong nagpunta sa sala at inilagay doon ang bag na dala ko.
"What are you doing?"
Tanong ni lolo ng makita niya akong inilapag ang bag na dadalhin ko.
"Po?" nalilito kong saad
"Saan ka pupunta?"
nakadama ako ng panlalamig ng kamay nang tanungin niya ako bigla.
"Diba po lo ngayon ang reun.."
"You're not coming."
Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa akin
"L-lo?"
maybumara sa aking lalamunan at pilit ang pag-usal ko ng pagtatanong sa kanya, tila alam ko na ang kanyang sasabihin ngunit, umaasa akong hindi iyon ang pupuntahan ng usapan namin.
"A-ano p-po?"
"Bingi kaba Jezreel? Hindi ka sasama sa amin. Bantayan mo itong bahay dahil tatlong araw kaming mawawala."
Kahit wala naman akong problema sa pandinig ay tila nabingi ako sa mga katagang sinabi ni Lolo, umalingawngaw ito sa buo kong systema, dama ko kanina pang pagbara nang kung ano sa aking lalamunan dahilan kung bakit hindi na ako nagsalita.
"What are you waiting for! Iligpit mo na ang gamit mo."
Pigil ang aking paghinga ng lapitan ko ang bag kong kalalapag ko palang sa sofa, nakayuko akong inabot ito ng aking mga kamay, at dali-daling pumasok sa loob ng aking kwarto at doon pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagsimulang mamuo sa aking mga mata. I didn't expect na hindi ako pasasamahin ni lolo sa reunion. Tamihik na lamang akong umiyak habang nakayakap sa aking unan, pinipigilan ang aking sariling mapa hagulgol ng malakas. Alam ko naman na kahit kailan ay hindi ako natanggap ni Lolo bilang apo niya dama ko iyong hanggang ngayon simula pa pagkabata at dapat ay matagal ko ng sinanay ang sarili ko doon, ngunit kahit pa ilang beses ko mang isaksak sa kokote ko na hindi niya ako kailan man matatanggap ay masakit pa rin pala lalo na't harap harapan niya iyong ipinapamukha sa akin, sa pagkawala ni mommy ay nawalan na din ako ng kakampi na nagtatanggol sa akin. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko ng may biglang kumatok sa labas ng aking pintuan.
Maya maya pa ay bumukas ito at iniluwa si lolo mula sa labas.
"Jezreel apo."
"Sampit niya habang malungkot na nakatanaw sa akin."
"Napangiti ako ng pagak sa kanya." tumayo ako at yumakap ky lola
"Pagpasensyahan mo na lamang ang lolo mo ija hah!"
tanging tango lang ang aking naisagot
"Lola."
"hmm?"
"Ano po bang pangalan ng totoong kong mga magulang?"
Malungkot ang kanyang mukhang tumingin sa akin.
"Im sorry apo pero wala kaming alam kung sino sila, nakita ka lang kasi ni Jeza sa basurahan."
mas lumakas ang iyak ko dahil sa sinabi ni lola niyakap niya ako ng mas mahigpit.
"Tama na iyan wag kana umiyak, hindi matutuwa ang mama mo kung lagi kang naiyak jan."
pinahid ko ang aking mga luha
"Sorry po lola."
"Mahal kita apo. Pagpasensyahan mo nalang si lolo mo hah"
Opo la."
"Ano ba Tina matagal ka paba jan?"
sigaw ni lolo mula sa labas, dahilan kung bakit napa kalas si lola sa akin.
"Sige na apo kailangan na namin umalis. Mag ingat ka dito ."
"opo la"
lumabas na si lola at rinig ko ang pag ugong ng sasakyan at pagsara ng gate sinyales na tuluyan na silang umalis.
Nakakalungkot naman. Kanina habang kaharap ko si lolo ay hindi na ako nagpumilit pang makasama dahil ayoko nang makarinig pa ng masasakit na salita ulit na pwede niyang ibato sa akin, hindi ko na ata kakayanin kung isampal niya pa ng harap harapan sa mukha ko na hindi ako kabilang sa pamilya.
Kinuha ko ang aking cellphone at nagtype ng message sa gc namin,
Jezeel:
Sorry guys something came up, di ako makakapunta.
iyon lang ang itinype at senend ko sa group chat naming magpipinsan at inioff ko na agad ang aking cellphone. Habang tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng mga luha sa aking mga mata.
Nakatulog ako sa kakaiyak, pagkagising ko ay agad kong tiningnan ang oras, 1:45 pm na pala, tumayo na ako at lumabas ng aking kwarto ang mga yapak ko ay papunta sa kusina, kumakalam na ang tiyan ko dahil simula pa kaninang umaga ay hindi pa ako kumakain, nangalkal ako sa kusina at may nakita pa akong beef tapa na natira, marahil ay ulam nila ito kanina, ininit ko na lamang iyon at nagsandok na ng kanin sa rice cooker, matapos ay kumain na agad ako dahil sobrang gutom na talaga ang mga bulate ko tiyan, pagkatapos kong kumain ay nanood lang ako ng Kdrama sa tv, at naghanap ng pwede kong ma pasukan ng trabaho habang nag-aaral, plano ko talagang mag-working student, simula ngayon at hindi na ako pwedeng umasa kina lolo dahil iba na ang pinaglalaanan nila ng kanilang pera anjan na si Shaira, buti na ngalang at hindi pa ako pinapalayas ni lolo sa dito bahay.
Dahil Valedictorian ako at my full scholarship akong makukuha ay, pipiliin ko na lang ang mas pinaka convenient para sa akin mag-aral yung merong allowance para di ako masyadong mahirapan, gusto ko sanang maging isang business woman, pero since ayaw e allow ng tadhana ang plano ko ay Midwifery nalang muna ang kukunin ko sa susunod nalang ako mag-aaral ng business course pabor kasi sa akin iyon dahil may 2 years course lang ito at kapag nakapasa ka sa board exam pagka graduate mo ng second year ay pwede mo pa itong proceed hanggang sa fourth year. Hopefully a year or two from now makakabukod na ako kina lolo, para ma ilayo ko ang puso ko sa sakit at mabawasan ang utang ng loob ko sa kanila.