Prologue

294 Words
Ng magising ako sa kama ay iniikot ko ang aking paningin sa kwarto kung nasaan ako ngayon, ang kwarto ng apartment ni Nathan, dama ko ang hapdi ng ibabang parte ng aking katawan at napangiwi na lamang ako dahil dito, Naisuko ko na ang sarili ko sa lalaking pinakamamahal ko, at ni katiting na pagsisisi ay wala ako ngayon, ginusto ko iyon, ginusto namin. Dahil nakatalikod ako sa kanya ay dahan dahan akong humarap dahilan ng kanyang pagalaw at pagyakap ulit ng mainit niyang katawan sa aking kahubaran tinitigan ko ang gwapong mukha ni Nathaniel habang magkayakap ang mga hubad naming katawan sa ibabaw ng malambot na kama na napaiilaliman ng makapal na kumot. Hinaplos ko ang dulo ng matangos niyang ilong papunta sa maninipis niyang mga labi, na naging dahilan ng pag kunot ng dalawang makakapal niyang kilay at unti unting pag dilat ng kanyang mga mata. Napakagat labi naman ako dahil sa aking ginawa. Nagising ko na ata siya, sumilay ang ngiti sa kanyang labi ng magtama ang aming mga mata. "I love you, Love" ito unang mga salitang lumabas sa kanyang mga labi kasunod noon ay ang dalawang beses na paghalik niya sa aking noo. "S-sigurado ka bang mahal mo ako Nathan? nakanguso kong sambit habang nakatingin sa kanyang mga mata "I love you Jezreel, whatever it takes I will love you always." "B-baka kasi pagkatapos ng gabing ito iwanan mo na lang ako bigla at kalimutan." "Listen to me Love, Makalimutan ko man ang lahat lahat, pero hindi ikaw Jezreel, I will never forget you, because my heart will never forget the love i have for you." Matapos niyang bigkasin ang mga salitang iyon muli ay niyakap niya ako ng mahigpit at masuyong binigyan ng mumunting halik sa aking labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD