Chapter 42 -Maxwell- Hinabol ko si Ella ng matauhan ako sa ginawa nitong pag-alis sa harapan ko, hindi man lang ako inaantay na magkapagpaliwanag dito. Masama naman ang loob kong bumalik ng office at tumingin rin kay Myca na halos mapatay ko na rin ito dahil sa talim ng tingin ko dito. Pero ang pinsan ko ay tumawa lang ng parang isara ulong babae. Oo pinsan ko si Myca anak ito nila Ninang Gemmalyn at Uncle Jamil. Ganito talaga ang isang ito mahilig itong manghalik pero hindi naman ako sa labi nito hinalikan dahil sa hinarang nito ang kanyang palad pero iba kasi ang nakita ni Ella kaya nakita kong nag-iba rin ang aura nito. Si Myca ay isa ring mafia queene tulad ng aking, ito kasi ang nagmana ng posisyon ni Uncle Jamil na mafia lord, babae si Myca pero kapag gumalaw ito at daig na nito

