Chapter 11 -Maxwell- Naririto pa rin ako sa loob ng bahay nila Ella at ng Lola Sabel nito, nanonood kami ng tv at nasakabilang bangko ito habang may unan sa kanyang hita. Titig na titig ito sa lalaking bida kaya hindi ko maiwasang mapakuyom dahil na rin sa kanina pa ko nito hindi pinapansin, alam kong may kasalanan ako pero bakit ganito naman ang parusa nito sa akin. Napapaisip tuloy ko kung anong buhay meron kami kapag naging mag-asawa na kami nito at may mga anak na rin. Pero kahit ano pa ang gusto nito mangyari sa bubuuin naming pamilya ay ayos lang sa akin basta siya ang magiging misis ko sa future. Nakatingin pa rin ako dito ng tawagin kami ni Lola Sabel para kumain sa kusina, tumayo naman ito at pinatay ang tv at saka dumaan pa sa harapan ko. Pero dahil nasasabik akong hawakan t

