Chapter 26 -Ella Mhay- Kasalukyan akong nanonood ng mga fireworks sa kalangitan, at napapangiti ako habang nakatingin dito. Araw ng kapaskuhan ngayon ay masaya ako dahil ngayon lang natuloy na pumunta sila Milo at Carol para kasama naming magdiwang ng kapaskuhan. Habang magaganda ang liwanag na nilalabas nito at makikinang na mga kislap nito sa kalangitan ay napapangiti ako. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam habang nanood ng mga ganito kasama ang aking mga mahal sa buhay. Mahigit na sa tatlong taon ang lumipas at ngayon nga ay malaki na si Gift Evan ang anak naming lalaki ni Maxwell. Napatingin naman ako dito ngayon habang buhat at ni lalaro ng kanyang mga ninong at ninang. Sina Carol at Milo ang dalawang taong tumulong at hindi napagod na alalayan ako sa lahat ng oras.

