Chapter 13 -Maxwell- Sa nagdaan na ilang buwan at linggo ay naging maayos kami ni Ella. Pero kung minsan sa tuwing titignan ko ito ay makikita sa mat anito na may dinadala itong problema o dinaramdam, tinanong ko ito pero ang sabi lang nito ay pagod lang ito sa trabaho dahil sa marami silang pasyente sa hospital. Sunday ngayon at andito ako sa bahay nila, may date dapat kami ngayon pero ayaw nito dahil sa masama daw ang pakiramdam nito. Sinunod ko na lang muna ito dahil kita ko na rin ang pamamayat nito na labis kong pinagtataka. “Love, do we have a problem? Tanong ko dito at saka hinawakan ang kamay nito, na nonood kami ng tv sa may sala at tahimik lang ito pero nakikita kong wala sa pinanonood nito ang kanyang pokus kaya lakas loob na akong nagtanong dito. “Wala naman bakit mo na

