Chapter 5
-Ella Mhay-
Isang gabing nakakatakot ang hindi mawala sa aking isipan patuloy ko itong nakikita sa panaginip ko kaya hanggang nagyon ay hindi pa rin nawawala sa akin ang mga nangyari ng gabing yon. Sariwa pa rin sa ala-ala ko ang mga nangayri at magpa hanggang ngayon at sinusundan ako maging sa aking panaginip. Ramdam ko pa rin kung paano sapilitang alisin at sirain ng lalaking yon ang damit kong pang-itaas at halik ako sa aking leeg at maging sa ibabaw ng aking dib-dib.
Takot na takot ko ng gabing iyon dahil ang buong akala ko ay makukuha na nito ang p********e ko, halik mahawakan na rin nito ang maseselang parte ng katawan ko kaya labis ang kabang nararamdaman ko ng gabing yon, habang naririnig ko humalakhak naman ang grupo ni Ivy dahil sa nakikita nilang ginagawa sa akin ng lalaking nasa ibabaw ko ngayon.
Hanggang sa makita ko na lang itong bumagsak sa sahig at pinasusuntok ni Maxwell halos wala naman kaong makita dahil sap uno ng mga luha ang aking mata, at nangangatog pa ang buong katawan ko dahil sa labis na takot na meron ako ngayon. Nilapitan ako ni Maxwell pero sinampal ko lang ito ng ubod ng lakas para pang dito ko inilabas ang lahat ng galit ko, sabagay kung hindi rin naman dahil dito at hindi ito mangyayari sa akin.
Kung dahil sa hindi nila ako nilalapitan ng mga kakambal ng mga ito ay hindi ako pag-iinitan ng mga babaeng nagkakagusto sa mga ito. Kaya walang dapat na sisihin kung ito dahil sa ako pa ang Napili nitong magustuhan. Marami namang iba yan, bakit akong nananahimik ang pilit na ginugulo ng mga taong kagaya nila. Inamin nitong mahal niya ako pero alam ko namang kasama ito sa pagtitrip nila sa aking ng mga kakambal nito kaya hindi pinapansin ano man ang sabihin nito.
“Apo, ayos ka lang ba?” tanong sa akin ni Lola Sabel habang sakay kami ng bus at papunta ng probinsya nito. Kagabi kasi ng umuwi ako ay sinabi ko rito ang totoo kaya naman nagdesisyon na lang kaming umalis at kalimutan ang mga nangayri sa akin. Tutal naman ay hindi natuloy ang panggagahasa sa akin kaya kami na lang ang lalayo dahil sa natatakot na rin akong bumalik ng school na yon dahil siguradong mauulit at mauulit lang ulit ang mga nangyayari, mayayaman ang mga ito ay kayang baliktarin ang batas.
“Ayos lang po ako Lola, huwag po kayong mag-alala at kayang-kaya ko ang lahat ng ito. Promise po magiging matatag ako at hindi ako magpapatalo sa kahit na anong pagsubok.” Sabi ko dito at ipinakita kong matapang ako. Natawa naman ito at niyakap ako ng mahigpit nito. May maliit daw itong lupa sa probinsiya kaya doon na rin ako magtatapos ng pag-aaral. Sa ngayon hindi ko n arin iniisip kung magiging doctor pa ako tulad ng pangarap ko, dahil alam ko namang mahirap mamumuhay sa probinsya pero magsusumikap pa rin akong mag-aaral para kahit papaano ay may marating pa rin ako sa buhay.
Halos magdamag ang naging biyahe namin bago naming marating ang pronbisya ni Lola Sabel ang bicol region. Dito daw ito isinilang at lumaki nang magdalaga ay namasukang katulong sa maynila, pero inaabusi daw siya ng among babae kaya naisipan niyang umalis at marami pa raw siyang trabahong pinasukan pero lahat at panandalian lang dahil sa palagi daw siyang sinasaktan ng mga nagiging amo niya. Mahirap din ang pagsubok ni Lola Sabel bago nito nakilala ang aking ina.
Si Mama raw ang tumulong sa kanya para mabigayn sa nagtrabaho sa club at naging tagalinis ito roon ng mga kuwartong ginagamit ng mga parokyano kung gusto ng panandalian na aliw lang. Isa ang aking ina sa ganitong trabaho kaya hindi niya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya dahil na rin sa klase ng tabaho nito. Si Lola Sabel na lang ang mero ako, kaya hindi kakayanin na pati ito ay mawawala pa sa buhay ko.
Pagkarating naming sa maliit na kubo na bahay nito ay napahinga muna kami dahil na rin sa pagod. Maliit lang ang kubo pero masasabi kong maaliwalas ito at tahimik ang paligid dahil na rin sa layo-layo ang magkakapitbahay dito. Kilala si Lola Sabel dito sa malapit lang din ang iba pa nitong kamag-anak at ang alam ko ay minsan sa isang taon ay umuuwi ito para makita ang kanyang iba pang mga pinsan.
Kaya kahit papaano ay panatag akong manaliti dito kahit na minsan ay iniisip ko na sadyang ang binuo kong mga pangarap mauuwi lang din pala wala. Pero kahit paano ay alam kong malalayo na ko kay Maxwell at wala ng manggugulo pa sa akin at matatahimik ang buhay ko dito. Magsisimula na lang ulit ako at magsusumikap para sa amin ni Lola Sabel.
Kinabukasan at todo kami linis ng buhay bahay dahil sa tagal na nitong walang tumira ay makikita dito ang kalumaan pero makikita din dito ang pagiging matatag, dahil sa matibay ang ginamit na kahoy dito at hindi rin biro ang ganda ng paligid na napapaligiran ng mga ibat-ibang panananim. Kahit papaano ay pwde kaming magsimula sa pagtitinda ng mga gulay.
“Apo, maiwan muna kita dito dahil pupunatahan ko lang ang pinsan kong Tinay ay kakausapin ko lang siya.” Paalam sa akin ni Lolo Sabel at saka kinuha ang paying dahil sa maiinit ang panahon ngayon.
“Sige po Lola mag-iingat po kayo sa paglalakad.” Sagot ko dito habang inaayos ang ibang gulay na kinuha ko sa bakuran para lutuin sa hapunan. Umalis na ito kaya naman nagpunta muna ako sa kuwrto naming para magtiklop ng mga ilang piraso naming damit at inilagay ko sa kahon, wala kasi kaming cabinet o parador kaya naman sa kahon ko na lang muna inaayos ang mga damit na pewdeng suotin sa pang-araw-araw. Hindi ko sinasadyang makita ko ang I.D ko sa EDL University at ang libro kong hinirap kay Nelson nakagulat pa ako ng may malaglag na sulat mula sa libro.
“Hi, Ella si Nelson to, hindi kita malapit dahil palaging nasa tabi mo ang trio kaya idinaan ko na lang sa sulat baka sakaling makita mo. Ella alam kong bago pa palang tayong magkakilala pero gusto kong sabihin sayon a crush na kita. Alam kong corny pero na love at first sight ako sa noon, kaya rin kita nilapitan dahil sa nakita na agad kita papasok ka pa lang ng school. Masaya akong palagi kitang kasama mangliligaw na sana ako sayo noon pero dumating ang trio at kinuha ka nila sa akin. Pero hanggang nagyon ay umaasa akong mapapansin mo rin ako kahit na hindi na tayong palaging magkasama. Kung sakaling magkaroon ka ng problema tawagan mo sa ako, at pangako kahit san pa yan ay darating ako para sayo Ella. Love Nelson” Basa ko sa sulat nito.
Pinunasan ko naman ang luhang naglandas dahil sa naalala ko ang kaibigan kong si Nelson. Mabuting tao at lalaki si Nelson, siguro kung hindi lang nagulo ang buhay ko at walang trio na nakialam at sigurado akong bibigyan ko ng pag-asa si Nelson na ligawan ako. Alam kong hindi na kami magkikita pa nito kaya nagpapasalamat na lang ako sa mga ala-alang nito sa akin. Muli kong tiniklop ang sulat nito at saka ko inayos ang mga libro ko sa isang kahon kasama ang uniform at I.D ko.
Kinabukasan ay naglalako na kami ng mga gulay sa buong baryo, mabuti at meron namang bumili sa amin kahit papaano. Ung iba naman ay bigas at ulam ang bigay sa amin kapalit ng mga gulay na tinitinda namin. Maayos naman ang pamumuhay dito at masasabi kong maganda tumira dito dahil sa yaman na meron ang kalikasan. Maraming malalaking puno ng manga at ang lahat ay hitik sa bunga, sa ibang daan naman ay makikita ang mga halamang mga rosas ang tamin.
Maganda ang bahay at natitiyak kong mayaman ito sa lahat kasi dito ito lang ang maayos ay may securty guard naka duty sa loob ng malaking gate. Kulay puti ang bahay at may dalawang palapag lang ito, malawak ang bakuran at masasabi mong alaga ang mga pananim na rosas. Bumili sa amin ang isang security gurad kaya napagmasdan ko ang buong paligid.
“Salamat po kuya guard sa pagbili sa amin ng Lola ko.” Pasasalamat ko sa security guard.
“Walang anuman sa inyo na lang kami palaging bibili dahil mukhang mga sariwa ang mga tinitinda ninyo.” Masayang sagot naman sa amin ng bantay. Napansin nitong nakatingin ako sa mga rosas kaya naman natawa ito sa akin.
“Gusto mo ba ng bulaklak ineng?” Tanong sa akin ng isang Ginang na tumitingin din ng mga gulat na tinda naming at mukhang katulong ito sa malaking bahay.
“Hindi po, natutuwa lang ako dahil po ang gaganda nilang pagmasdan.” Nahihiyang sagot ko naman dito.
“Alaga kasi yan ni Senyora Arriya at talagang siya mismo ang nagdidilig n’yan noong nabubuhay pa ito ang asawa naman nitong si Don Jacinto ang katulong nito sa pagtatanim ng mga n’yan. Alam mo bang mababait ang mga amo naming yon, dahil kahit wala na sila dito sa mundo ay nagawa pa rin nilang mapanatili ang lugar nag anito pa rin kaganda. Si Queene Marie kasi ang nangangalaga dito ngayon at ayaw din nitong nakikitang nalalanta ang mga bulaklak na yan sa tuwing umuuwi sila dito ng kanilang pamilya.” Paliwanag ng Ginang sa akin.
Bago kami umalis malaking bahay ay tinanaw ko pa ng isang beses ang mga bulaklak dahil sadyang mapapahinto ka talaga kapag nakita mo ito dahil na rin sa natural nitong ganda at amoy na talagang nakakahalina.