Chapter 21 -Third Person- Habang natutulog si Ella at si Lola Sabel ay hindi ko mapigilan ang maawa sa mga ito, sa murang edad palang ni Ella ay magiging ina na ito, sabagay kung sa akin rin naman mangyari ang ganoon buong puso kong tatanggapin ang magiging anak ko kahit na iwan pa kami ng kanyang ama. Kilala ko si Maxwell kaya naman nagtataka ako bakit niya nagawang saktan si Ella ng ganito, ang alam ko pa naman ay mahal nito ang dalaga. Lumaki akong kasama ang triplets, ang gusto pa ng ani Daddy ay isa sa kanila ang mapangasawa ko pero sympre ayaw ko, kilala ko ang mga De Lana. At alam kong pangalan ng mga ito ang gustong makuha ni Daddy kaya bata pa lang ako ay umiiwas na ako, dahil ayokong madamay sila sa kung ano talaga ang gusto ni Daddy sa kanila. Pupunta kami ngayon ng Malays

