"Good morning... tara na. Mag- almusal na tayo," nakangiting sabi ni Axel matapos niyang maihanda ang kanilang almusal. "Wow! Ang sarap naman ng almusal natin! Ang daming putahe! Kami dati ni ate, palagi lang nagkakape at tinapay. Solve na ang almusal pero ngayon, ang dami!" tila batang sabi ni John. "Kumain na tayo! Maraming salamat, Axel sa almusal na ito. Ang sarap ng mga niluto mo! Siguradong mapaparami ang kain naming magkapatid!" Pinagmasdan ni Axel ang magkapatid. Masaya itong kumakain. Napangiti na lamang siya. Sa loob- loob niya, masarap pala sa pakiramdam ang makatulong sa ibang tao. "Kumain lang kayo ng marami, ha. Huwag kayong magtipid sa pagkain dahil marami tayong stock ng pagkain dito," sabi niya sa magkapatid bago kumain na rin. Nagtulungan na lamang silang tatlo sa pa

