Nakatulog na si Faith kaiiyak at umaga na ng magising. Ala sais siya ng umaga nagising. Nagtungo siya sa kusina nang makaramdam siya ng gutom. Nag- almusal muna siya bago lumabas ng simbahan at nagwalis sa paligid. "Faith?" Napalingon si Faith nang marinig na may tumawag sa kaniya. Hinanap ito ng kaniyang paningin hanggang sa makita niya si Ivan. Nag- iba na ang itsura nito. Maayos ang suot nitong damit na sa tingin niya ay mamahalin. Nagliwanag at kuminis ang balat ni Ivan. At lalo itong gumawapo. "Uy, Ivan! Ang pogi mo na, ha! Kumusta ka naman?" nakangiting sabi ni Faith. Malawak na ngumiti si Ivan. "Ito.. maayos naman. Naging maayos na ang buhay ko. Sinuwerte ako sa buhay. Ikaw? Bakit ka nandito? 'Di ba nagsama na kayo ni father Vaughn?" Malungkot na ngumiti si Faith. Pagkatapos, s

