"Ahm... Dianna.. bakit parang lumalayo ka sa akin?" tanong ni Axel sa dalaga. Tipid na ngumiti si Dianna. "Hindi naman... ayoko lang na mainis ka sa akin. Kasi baka iniisip mo na inaakit kita. Na baka isipin mong nasisiraan na ako para yayain ka sa mga malalaswang bagay." Mariing pumikit si Axel sabay kamot sa kaniyang ulo. "Ahm... hindi mo kasi naiintindihan. Ayoko lang na gawin sa iyo ang mga bagay na iyon kasi hindi dapat. Ayokong pagsamantalahan ka. Ayokong maging advantage iyon sa akin dahil sa wala kang alam sa ganoong bagay. Kaya hangga't maaari, nagpipigil ako. Pinipigilan ko ang sarili ko na maakit sa iyo." Mapait na ngumiti si Dianna. "Ayos lang. Kahit na huwag mo na akong diretsuhin pa. Alam kong ayaw mo lang sa akin. Alam kong hindi ka lang nagagandahan sa akin. Sabagay, mar

