"Congratulations! Yoohoo!" "Sa wakas, nakatali ka na, Axel!" "Congratulations, brother!" Ilan lamang iyon sa mga malakas na hiyawan at sigawan ng mga tao sa reception pagdating ng bagong kasal. Hindi rin inasahan ni Dianna na mapapabilis ang kasal nilang dalawa ni Axel. Parang noong isang linggo lang, napag- usapan nina Faith at Dianna ang tungkol sa kasal nila ni Axel. At kaya naman ito naging biglaan, ay dahil nalaman ni Dianna na siya ay buntis na pala. "Congratulations, mga anak! Kung hindi pa natin nalaman na buntis pala si Dianna, baka hindi mo pa siya pinakasalan! Ang tagal mong kumilos, Axel!" natatawang sabi ni Faith sa kaniyang anak. "Mommy... kahit na hindi ko pa alam na buntis si Dianna, talagang nagplano na ako ng kasal namin. At sinadya ko itong maging biglaan. Para tala
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


