"Dianna..." Mabilis na nilapitan ni Axel si Dianna at saka ito niyakap ng mahigpit. Pinahid niya ang mga luha sa mata ni Dianna bago ito hinalikan sa noo. Agad na nagsalubong ang kilay ni Shayne sa kaniyang nasaksihan. "What the heck, Axel? Pumatol ka sa isang babaeng pipitsugin na tagabundok? Anong lason ang nakain mo para maisipang pumatol sa babaeng iyan?" mapanglait na sabi ni Shayne. "Ayusin mo ang pananalita mo dahil baka hindi ako makapagtimpi sa iyo," mariing sabi ni Axel. Napanganga si Shayne habang si Kai naman ay ngumisi. "Wala ka pa rin talagang pagbabago, Shayne. Kaya hindi ka nagugustuhan ni Axel eh. Ano ang nangyari sa pamimilit mo sa akin na pumunta dito? Wala naman, 'di ba?" "Pinilit ka na naman ng babaeng ito magpunta dito? Talagang hindi ka na nagbabago, Shayne? La

