Vaughn... mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita, mahal kong asawa. Napakaguwapo naman talaga ng mahal ko! Marahang iminulat ni Vaughn ang kaniyang mga mata matapos mapanaginipan ang masayang alaala nila ni Faith sa Batanes. Dahil sa pag- iisip, unti- unting naaalala ni Vaughn ang masasayang sandali nila ni Faith. Ang palitan nila ng matatamis na salita. Ngunit magulo pa rin ang lahat para sa kaniya. "Vaughn... mabuti naman at gising ka na," wika ni Ashton nang makitang dahan- dahang idinilat ni Vaughn ang kaniyang mata. Pinalibot ni Vaughn ang kaniyang paningin sa paligid at nasilaw sa liwanag doon. "Nasaan ako?" "Nandito ka sa ospital. Nawalan ka ng malay. Mabuti na lang pala talaga, naisipan kong dumalaw ngayong araw sa simbahan. Iyon pala, may hindi magandang nangyari na pala s

