CHAPTER 7

1195 Words
“May balita ako sayo, nak” bungad sa akin ni Dad pagkababa ko palang dito sa nay dining room. Sabado ngayon at rest day naming mga students dito sa bahay at family day namin. 2 days ang family day namin since di pumapasok si dad sa work nya pag sabado. “What is it dad? Ang aga namang chismis yan.” Biro ko saka kumuha ng pandesal. Nag isip pa ako sandali kung anong ipapalaman ko kung Nutella ba or cheez Whiz. Pero babdang huli ay napagdesisyunan ko nalang na isawsaw yung pandesal sa sardinas. Ang sarap grabe!!!! “Mapapaaga ang paglipat mo bg school. Since Napag usapan na namin ni Henry na mas maganda kung dun ka na mag aaral sa FSU. Gusto nya na daw ipagmayabang na dun ka mag aaral.” Napatingin ako kay dad at ganun din sya sa akin. “Luh. Dad naman diba napagusapan na natin na mag papanggap akong Mahirap na nerd sa school na yun? Tapos ipagyayabang pa nung henry. Teka dad sino yung henry?” “Si henry. Yung Tatay ni Reetz. Nakalimutan mo na ba?” Ahhh henry pala name nya. Well...di ko naman kasi narinig kung ano yung name nya nung inintroduce kami ni dad. Since napako yung buong atensyon ko sa anak nya. “Whatever his name is....Pero dad hindi pa tapos yung first quarter ehh.” Sabi ko bago ako sumubo ng isang buong pandesal na may palamang Sardina. Natawa ako sa itsura ni MJ kasi nakatulala sya sa akin na parang nag tataka pa kung paano ko nagawang isubo yung pandesal nang walang problema. “Ayos lang naman yun eh. Okay lang na ituloy mo first quarter sa FSU. Ganun din naman yung topic nila. Kaya sige na. Minsan ko lang naman pakialamanan yang pagaaral mo. Please,Honey” sabi ni dad. Pinag dikit nya pa yung palad nya at nag pout with puppy eyes. Haysss paano pa ako makakatanggi nito? Tumango nalang ako kasi wala na naman akong magagawa. Ibabalita ko nalang sa barkada ko mamaya o bukas kasi need ko na makahanap ng Matitirhan. Haysss ano ba yan. Di pa tapos yung bahay ko tapos need ko nanamang maghanap ng Matutuluyan bilang isang mahirap na nerd lang. “Ate. May dalawang araw ka pa para maghanap ng apartment. Gusto mo help ka namin?” Presinta ni Vernon sakin. Tumango tango naman yung dalawang kapatid pa namin kaya ayun. Tumango nalang din ako. Tinapos lang namin ang pag aalmusal saka na kami pumasok sa kanya kanya naming mga kwarto para mag handa. Hindi na ako naligo...maaga pa naman. Pag labas ko ay saktong paglabas nadin nila kaya sabay sabay na kaming sumakay sa kotse kong si Furry. Isang Lexus Rx 350 na may pinturang puti. Pag sakay namin ay nag paalam na kami sa mga magulang namin na nakatanaw lang sa may pintuan at hinatid kami ng tingin. “Ate pag may nahanap na tayong Matutuluyan mo...Bibili ba tayo agad ng furnitures or Bukas nalang?” Tanong ni Angelica. Nasa likod kasi namin sila. Kami naman ni Vernon ay nandito sa harap. “Depende pag maaga tayong nakahanap. Baka ngayong araw na din tayo bumili ng mga furnitures. Para bukas ay maayos na din natin yung mga gamit.” Sagot ko. Seryoso lang akong nakatingin sa labas nang may maisip akong magandang ideya. Bakit kaya di ko sya ayain na lumipat din ng school? Di naman siguro sya tatanggi diba? Malaking school yun. Pangarap ng karamihang estudyante na mag aral sa school na yun. “Huy ate. Bakit ka ngumingiti dyan? Nakakatakot ka na ah. Kanina di masyadong kumikibo. Ngayon ngumingiti ka na dyan mag isa. Ate malala ka na!” Nawala yung ngiti ko nang sinita ako ni Angelica Na nasa likod namin. “Duh di kaya ako ngumingiti. Ikaw kung ano ano pinapansin mo noh? Matulog ka na nga lang muna dyan!” “Duh ka din. Kakagising ko lang ate tas matutulog nanaman ako? Ano ka ate? Hilo?” “Aba’t sumasagot ka na? Eh kung pababain kaya kita ngayon din? Nasa gitna tayo ng edsa baka nakakalimutan mo? Isang utos ko lang dito kay vernon...Uuwi ka magisa.” Seryosong sabi ko pero nakatingin ako sa labas ng bintana at di ko sya tinignan. “Ay hehehe joke lang naman yun ate eh. Pakiss nga.” Dumukwang ito sa unahan para lang mahalikan ako sa pisngi. Pero bago pa sya makahalik sa akin ay patay malisya akong lumingon sa kanya. Kaya ang ending ay nakiss nya ako sa lips. Natawa kami sa reaksyon nya kasi nanlaki yung mga mata nya eh. Tas namula na din sya. Don’t tell me kinikilig itong babaeng ito? “A-ate naman! Di ka nakakatuwa ah!” Hala bakit nagagalit sya? Eh normal lang naman yun kasi magkapatid naman kami. Nung mga bata nga kami Nagkikiss pa kami sa lips pag papasok na kami sa school. “Luh? Bakit ka galit? Huy normal lang yan gaga ka! Ate mo ko noh! Nung baby ka pa kinikiss din kita sa lips. Konyatan kaya kita?” Binato ko sya ng pillow Na kinuha ko kanina sa sala para dalhin sa byahe namin. Duhhh! Nakakapagod mag hanap ng furnis at apartment kaya for sure pag uwi ay makakatulog ako sa byahe. Ay ewan ko ba dito kay Vernon kung saan kami dadalhin. Speaking of vernon. Nakita ko syang patingin tingin sa babaeng nasa kabilang kotse. Nasa backseat ito at nakababa ang bintana. Naka tigil pala kami dahil sa naka red yung light. Hmmm maganda yung babae ahh. Ayy shemay. Kamukha nya si.... Si Reetz? Pero medyo Matanda yung itsura nya eh? Di kaya tumanda na yung itsura ni reetz? Parang ang bilis nya naman tumanda kung ganun. Ayy nako Priscilla! Si reetz nanaman! Wait.... Lagi ko syang naisip.... Pag naiisip ko sya napapangiti nalang ako bigla. Nung nakachat ko sya sa ig sumaya agad yung araw ko nun. Nung first time ko sya makita...feeling ko huminto ang mundo ko. Tangina pati yata pag hinga ko at t***k ng puso ko tumigil eh. Hindi kaya?.......... Bading na....... Ako?..... ------------------------------------------------------------------------------------ Hello sa mga readers... gusto ko lang na ipaalam na kaya di ako makapag update kasi wala kaming kuryente. and now lang nakapag paload kasi nagkaemergencey po dito sa lugar namin.Kung nabalitaan nyo po yung sunog na naganap dito po sa BBN Navotas City noong November 14 2022.yung bahay po na nadamay sa sunog ay Likod bahay lang po namin at sa amin na po ang susunod. pero salamat po sa dyos dahil hindi po nasama ang bahay namin dahil lumayo sa amin ang ihip ng hangin at dahil din sa maagap na mga bumbero. sa malaking sunog na naganap Umabot po ng Alpha alert(Not sure sa tamang word) Madami pong walang naisalba dahil sa lakas ng pagkalat ng apoy.pero dahil sa laki ng pinsala at pagaalala na baka maulit ang nangyare ay hindi pa din po nababalik ang kuryente sa bahay namin. yun lang po ang masasabi ko for today's update hindi po kasi ako sure kung kailan mababalik.pakiusap ko po na kahit ipagdasal nyo nalang po yung mga nasunugan at namatayan.Salamat po.Good eve sainyo.-Your tibong Author
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD