EPILOGUE

1383 Words
LIAM POV Nagising akong masakit ang ulo ko. "ughh s**t!" sigaw ko ng kumirot ung ulo ko. "damn this hang over!!" sigaw ko uli. Napatingin ako sa paligid at napansing nasa kwarto ko ako. Bumukas ang pinto at niluwa si mama na may bitbit na tray "gising ka na pala liam, ano bang pumasok sa isip mo at naglasing ka huh?" tanong ni mama. Doon lang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. 'colloniel de vargas, time of death 11:43 PM' 'w-wala na si noel, iniwan na nya tayo' 'sana nga tulog lang sya, pero Hindi' "m-ma, wala na si con... W-wala na s---" hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil nagsipatakan nanaman ang mga luha ko. Gulat ang naging reaction ni mama. "w-wala na sya?" nanlulumong tanong nito na tinanguan ko lang dahil hindi na ako makapagsalita pa. Humagulgol lang ako sa kwarto at ang ginawa ni mama ay yinakap ako. "h-hindi ko na kaya ma!" sabi ko kay mama habang naiyak. "shhh, kayanin mo anak dahil alam kong ito rin ang gusto ni niel, ang kayanin natin kahit na wala na sya kaya tahan na" pagpapatahan ni mama sa akin habang hinahagod ang likod ko. Yumakap lang ako kay mama habang naiyak at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako banda ng tanghali. Napatingin ako sa cell phone ko ng tumunog ito. Nagchat si tita Beth. Binasa ko ang chat nya. 'liam, kung pupunta ka sa hospital na kinalagyan ni niel ay wag na dahil wala na kami roon. Dumeretso ka nalang sa bahay namin dahil dito nakalamay si con' pagkabasa ko ng chat ni tita ay Ayokong pumunta dahil makikita ko lang ang masakit na tanawin pero nakakahiya naman dahil baka isipin nila tita na wala akong pake kaya pupunta ako, kahit masakit, kahit nakakatakot masaksihan ang masakit na pangyayari, kahit--- andaming kahit na pumapasok sa isipan ko. "ma!!" pagtawag ko kay mama na nasa kusina. "bakit nak?" tanong ni mama. "pupunta ako sa bahay nila con... m-makikilamay lang ako, gusto mong sumama ma?" may konting pag utal ko. I-i can't do something but to cry when I remember that con is dead. Ramdam ko ang pagtulo ng luha ko sa aking pisngi kaya pinunasan ko ito. Sabi ni mama na susunod nalang daw sya kaya ibinigay ko nalang sa kanyang ang address ng bahay nina con. Naligo muna ako at pagkatapos ay naglakad na ako papuntang kotse ko at sumakay. Nagmaneho ako ng tatlumpung minuto dahil medyo malayo ang Bahay namin sa bahay nina con. Nang makarating ako doon ay pansin agad na may mga dumalo na sa lamay ni con. Ipinarada ko na ang sasakyan ko at pumasok na sa loob ng bahay. Nakita ko sila tita na nasa unahan kaya naglakad ako papalapit sa kanila. Nandito rin ang transferee na nagngangalang michael Sanford. "tita, tito... Nakikilamay po" sabi ko ng makarating ako sa pwesto nina tita. "salamat, liam" sabi ni tito at tita sa akin. Lumapit ako kay tita at nakipagbeso bilang paggalang pero nagulat ako ng yakapin nya ako. Nabigla ako sa pagkakayakap ni tita pero hinayaan ko nalang. Narinig kong humihikbi si tita "i-iniwan na ako ni niel... I-iniwan na tayo ni niel" rinig kong sabi nya habang naiyak. Hinagod ko ang likod ni tita. Kahit ako ay naiiyak na rin pero pinipilit kong wag maiyak dito. Maya maya ay bumitaw na si tita sa pagkakayakap sa akin. Humingi sya ng pasensya dahil sa pagyakap sa akin pero sinabi kong ayos lang. Sunod kong nilapitan si tito. Nakipagshake hand ako kay tito. "s-salamat liam" nauutal na sabi ni tito. Kita kong naluluha sya pero pinipigilan nya lang para kay tita. ( the day of burial ) Hagulgol ang maririnig sa tapat ng Kabaong ni con. Ito na ang huling araw ng libing at ibig sabihin, ito na ang huling araw makikita ko si con. Huling araw na makikita ang kanyang napakagandang mukha. Isa isang magsasalita ang mga taong nagmamahal kay con. Sasabihin nila ang gusto nilang sabihin kay con. Naunang magsalita si tita. "niel, si niel ang pinaka magandang regalo na ibinigay sa amin ng diyos. Simula ng ipinanganak si niel ay naging masaya kaming Mag asawa. Pero habang tumatagal ay nawawalan na rin kami ng oras kay niel dahil narin sa trabaho. Sa totoo lang, minsan nakakainis si niel... P-pero alam kong dahil sa pinagdadaanan nya kaya sya nagiging ganoon. Hindi ko magawang pagalitan si niel dahil nahihiya ako, nahihiya ako dahil parang wala naman akong karapatang pagalitan sya dahil hindi ko sya nabantayan ng maigi dahil lagi kaming tutok mag asawa sa trabaho... T-to the point that I forgot that we have a children. I forgot that someone is waiting us to back at home" huminto muna si tita at nagpunas ng luha. "s-sorry noel, sorry d-dahil hindi namin nagampanan ng daddy mo ng maigi pagiging magulang. S-sana mapatawad mo kami...l-lagi mong tatandaan n-na mahal ka n-namin" hindi na natapos ni tita ang sasabihin nya dahil puro hagulgol nalang ang lumalabas sa kanyang bibig. Sunod na nagsalita si tito "n-niel, anak... S-sorry. Sorry dahil lagi kaming busy, sorry dahil hindi namin naparamdam sayo ang pagmamahal namin namin at sorry dahil kahit sa kahuli hulihang hininga mo ay wala kami 'sniff' lagi nalang kaming wala kahit sa importante mong okasyon." pumatak na ang luhang pinipigilan ni tito. "a-ayoko na, a-ayoko ng magpanggap na matapang ako sa harap ng maraming tao... A-ayos lang kahit na makita nilang umiiyak ako... W-wala a-akong pake dahil ang m-mahalaga ngayon ay i-ikaw..." napuno ng hagulgol ng mga tao ang kinaroroonan namin. Hindi na kinaya ni tito at binitawan narin nya ang Mike na hawak nya at naglakad ng umiiyak palapit kay tita. Nagyakapan silang dalawang mag asawa. Halatang mahal na mahal nila si con. Marami pa ang nagsalita. Mga kamag anak nina con, si michael, si Steve, at iba pa. Sunod na akong magsasalita. Pagkatapos magsalita ng kamag anak ni con ay ako na. Naglakad ako papunta sa kabaong ni con. Kinuha ko ang mike na nasa tabi at nagsalita. "i-i don't know what to say... Marami akong naiisip na gustong sabihin pero nahihirapan ako. S-siguro ay sorry muna... Natatawa ako dahil lahat kaming nandito ay puro sorry nalang ang s-sinasabi. S-siguro ay sawa ka na sa sorry dahil yun nalang lagi ang naririnig mo... P-pero, sorry talaga. Sorry dahil duwag ako, at sa kaduwagan ko ay hindi ko namalayan na unti unti kanang nawawala sa akin. Hanggang sa nawala ka na nga, literally" naramdaman ko ang mga luhang dumadaloy sa pisngi ko, na nagpapatunay na umiiyak ako. "sorry dahil ngayon ko lang masasabi ang gustong gusto kong sabihin sayo. Naiinis ako sa sarili ko dahil ngayon ko lang to naisip sabihin kung kailan wala Kana, pero gusto ko parin sabihin. I love you... I love you con. Sorry dahil ngayon ko lang to nasabi, Kung kailan wala kana 'sniff' g-gusto ko na ngalang sumunod sayo jan sa langit ehh para magkasama na tayo habang buhay pero alam kong magagalit ka kapag ginawa ko yon kaya kahit gusto kong sumunod, hindi ko ginawa" andami kong sinabi kay con. Natapos rin akong magsalita at maghuhulog na kami ng mga bulaklak habang inililibing si con. Nang ako na ang maghuhulog ng bulaklak ay pumikit muna ako at inilapit ang bulaklak sa Labi ko "I love you, con" sabi ko bago halik sa bulaklak at inihulog ito sa kabaong. Nakalagay na ang kabaong sa ilalim ng lupa at maya maya lang ay tatabunan na ito ng mga lupa. Rinig ang hagulgulan dito. Napatingala ako at tinitigan ang langit. Don't worry con, ako na ang bahala sa mga minamahal mo. Kina tita, tito. Sisikapin kong alagaan sila para hindi kana mag alala sa kanina. Rest in peace con. Maybe this is what god want. Kinuha nya si con para magsilabasan ang mga taong nagmamahal kay con. Para marinig ni con ang mga sinasabi ng mga nagmamahal sa kanya. I now understand it god... At kahit masakit, tatanggapin kong wala na si con, sa buhay ko at sa buhay ng mga taong nagmamahal sa kanya. 'THE END'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD