CHAPTER 2

1288 Words
COLLONIEL POV. Dumaan ang isang linggo at walang magandang nangyari sa akin. sa bahay, ako lang mag isa dahil nasa trabaho sila mom, sa school naman hindi parin ako pinapansin ng liam ko, pero as always sanay na ako sa nangyayari sa akin. Ewan ko nga kung bakit ganito yung nangyayari sa akin ehh. Bawal ko ba maramdaman yung pagmamahal? Kailangan ba laging nakasuot sa akin ang maskara ko para maitago lamang ang totoong nararamdaman ko? Lunes na ngayon at nag aasikaso na ako para sa pasok sa school. Pagtapos kong asikasuhin ang sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na. Tinungo ko ang kitchen para tignan kung ano ang makakain ko. Binuksan ko ang ref ng makarating ako ng kusina. Kinuha ko ang isang gatas at cookies, my favorite. Kumain nalang ako at pagkatapos ay tinungo ko na ang garahe para kunin ang kotse ko. Nang makasakay na ako ay pinaandar ko na ito papuntang madrigal school. Nakarating na ako at gaya ng ginagawa ko dati, I smile a fake but convincing smile. Bumaba na ako ng kotse at taas noong naglakad papasok ng school. Maraming nakatingin sa akin na may paghanga pero hindi rin mawawala ang mga tingin na may inggit at takot. Hindi ko sila pinansin at tinungo ang room na pinapasukan ko. By the way, I'm taking business ad. Third year na ako at isang taon nalang at g-graduate na ako. Nang makapasok na ako ng room ay umupo na ako kung saan ang pwesto ko. Konti palang ang nasa loob at wala pa si liam, and yes! Business ad din ang kinuha nyang course and thankfully, we're classmate. Ilang minuto pa ang dumating at padami na ng padami ang pumapasok sa room. Nakita kong pumasok na si liam ang his friends. Nagkatinginan kami ng saglit pero inalis nya agad ang tingin sa akin at binati ang mga kaklase namin. Hhmmpp! Pasalamat sya at may gusto ako sa Kanya. Umupo sya sa may malayo sa inuupuan ko. Nakita kong kinilig ang nakatabi nyang babae. Abat! Tumayo ako sa kinauupuan ko at naglakad papalapit sa kinauupuan nila. Napatingin sa akin ang babae at sinamaan ko ito ng tingin. Natakot naman ito at kinuha ang bag at lumipat ng upuan. Napangisi ako at umupo sa inuupuan ng babae kanina. Katabi ko na si liam ko!! "tsk tsk tsk" rinig kong pagbigkas ni liam. Tumingin ako dito at ngumiti ng malaki "hi liam!!" wagas kung sabi dito. Hindi nya pinansin ang sinabi ko sa kanya at hindi man lang ako binigyan ng pansin. Napanguso nalang ako at humalumbabang tumingin sa harap. Maya maya ay pumasok ang prof namin kaya nagsiayusan na kami at nakinig sa itininuro ng prof. ~~•~~ Dumaan ang apat na oras at tumunog ang bell na hudyat na break time na. Inayos ko muna ang gamit ko at hinintay na lumabas muna ang mga kaklase ko. Pagkatapos kong iligpit ang gamit ko ay tinignan ko kung may kasama pa ba ako dito sa room at napansin ko si liam na kakalabas palang ng room. D-did he wait for me? Erase erase!! Asa naman na hintayin ako noon ehh hindi nga man lang ako nun pansinin ehh. Hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako ng lumabas ng room. Ah basta! Para sa akin ay hinintay nya ako!. Naglakad na ako papuntang cafeteria at umorder ng pagkain. Isang pizza slice at soft drink lang ang inorder ko. Inilibot ko ang paningin ko at naghanap ng mauupuan. Nakita ko ang isang bakanteng pwesto at katabi nito ay ang pwesto nila liam. Dali dali akong naglakad papunta doon dahil baka may makauna pa sa pwestong yun. Napangiti ako ng makapunta ako. Inilapag ko na ang inorder ko sa lamesa at umupo na sa upuan. Magkatalikuran kami ni liam pero ayos na rin. Nagsimula na akong kumain ng marinig kong may tinawag si liam "angela!!" parang nawala ang gutom ko ng marinig ko kung sino ang tinawag nya. Si angela nanaman?! Ansarap talagang tirisin ng babaeng yun!! Kahit nawalan na ako ng gana ay hindi ako tumayo sa kinauupuan ko. Naramdaman kong tumayo si liam at maya maya ay may umupo sa upuang nasa likod ko. Kinuha ko ang salamin ko sa bag at nagkunwaring tinignan ang mukha ko pero ang totoo ay tinignan ko kung sino na ang nakaupo sa likod at nakita ko si angela. "saan ka na uupo kuya liam?" tanong nito kay liam. Nakita sa may bandang gilid nya na nginitian sya ni liam "kukuha nalang ako ng bagong upuan" nakangiting sabi nito. Bakit ba ganyan ka liam?! Ang bait bait mo sa mga studyante dito pero kapag sa akin ay ang sama sama mo?! Binalik ko na sa bag ko ang salamin at ininom nalang ang soft drink. Matapos ko itong inumin ay padabog ko itong nilagay sa mesa dahilan para magsitinginan ang mga nasa cafeteria. 'Anong tinitingin tingin nyo jan!' iyon sana ang gusto kong isigaw pero hindi ko nalang tinuloy. Tumayo na ako ng inuupuan ko at naglakad na papalabas ng cafeteria. Nawalan na talaga ako ng gana! Bakit ba si angela lagi ang gusto nya? For pete sake! High school palang yon at sya college na!! Naglakad na ako at tinguno ang room na susunod kong subject. Padabog akong umupo doon at humalumbaba. Kumirot nanaman ang puso ko. Napatingin ako sa relo ko at nakitang oras na pala ng break time. "hala!! Hindi pa pala ako nakakapag break time!" Dali dali akong tumayo sa kinauupuan ko at lalabas na sana para pumunta ng cafeteria para kumain ng tumunog na agad ang bell hudyat na tapos na ang break time. "hindi pa nga ako nakakapagbreak time ehh!!" yamot na sabi ko at wala ng nagawa kundi bumalik nalang ng inupuan ko. Matapos ang maraming lesson sa bawat subject ay uwian na. Inayos ko na ang mga gamit at lumabas na ng room. Nasa third floor ang room na ito kaya baba pa ako kaso tinatamad pa akong bumaba. Napagpasyahan kong pumunta nalang muna sa roof top para magpahangin. Naglakad ako papuntang hagdan na kumukunekta sa third floor at fourth floor. Inakyat ko ito at naglakad uli papuntang hagdan na papunta ng roof top. Nang makarating ako ng roof top ay naglakad ako papuntang dulo nito kung saan kita ang mga tao sa baba. Halos magdidilim na dahil sa six pm na. Nakatingin lang ako sa mga masasayang naglalakad sa ibaba. Dito ko nakikita ang mga imosyon ng ibang tao na gusto kong maramdaman. Ang saya, kilig, galak at kung ano ano pang emosyon na nakikita ko. Anganda pagmasdan ng mga tao dito, at the same time nakaramdam ako ng inggit. Bakit ba ako pa ang nagkaroon ng ganito? Wala naman akong ginagawang masama, I mean may ginagawa akong masama pero may mga taong mas masasama pa sa akin. Naramdaman Kong pumatak ang luha ko. Pinunasan ko ito para mawala pero patuloy parin ang paglandas nito kaya hinayaan ko nalang. Ilang minuto akong nasa roof top at tumalikod na ako para sana bumaba na pero nakita ko si steve, isa sa mga kaibigan ni liam. "hindi maganda sa babae ang umiiyak, sino ang nagpaiyak sayo at ng paiyakin ko rin?" biro nyang sabi pero tinawanan ko lang sya. Sa tatlong taon na pag aaral ko dito, sya lang ang naging kaibigan ko. Maraming nakikipagkaibigan sa akin pero halata namang nakikipagplastikan lang sila. "sira ulo ka talaga steve... Kanina ka pa jan?" tanong ko dito. Tinanguan ako nito bilang sagot. "uuwi kana?" tanong nito sa akin. Tinanguan ko ito "hatid na kita" sabi nito kaya pumayag na ako. Gusto ko rin namang may makasama ngayong gabi ehh. Papakuha ko nalang ang kotse ko sa driver namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD