Bigla akong napupumiglas ng may kamay na tumakip sa bibig ko, pero wala akong gawa dahil mas malakas ito kesa saakin. Pinagpapalo ang kamay niya pero parang wala lang sakanya ito. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin kaya wala na akong nagawa pa at nagpahila na lang ako kung sinong lalaki man siya. Oo lalaki talaga dahil hindi naman magagawa ng babae ito saakin.
Nang makapasok kami sa isang kwarto saka lang niya ako binitawan hindi ko alam pero hindi naman ako nakaramdam ng takot sakanya. Tinignan ko naman kung sinong humila saakin papunta rito pero nagulat ako dahil hindi ko inaasahang siya ang hihila saakin dito.
"Ruke! Anong ginagawa mo? Bakit dinala mo ako dito?" Hindi ko alam pero nag-aalala na rin ako. Paano kung may makakita nanaman saamin dito kung anu-ano na naman ang ipagsasabi saakin.
"Hindi ko alam, akala ko matitiis ko itong nararamdan ko para sayo pero hindi. Hindi ko kayang nakikita kang may kasamang ibang lalaki lalo pa at sa isang kalaban pa. Sabihin mong hindi totoo na natulog ka sakanya." Sabi nito habang nakatingin lang ito ng diresto sa mga mata ko. Kung magsisinungaling naman ako alam ko pa rin sa sarili ko na hindi totoo yun at maiibsan ang pangamba niya kung alam ko rin sana na may nararamdaman rin ako dati pero wala talaga akong maramdaman kahit maliit na chance lang. Ayaw ko rin naman siya paasahin pa.
"Totoo ang sinasabi nila. Pero wala namang nangyari saamin, Hindi ko lang maalala kung paano ako natulog sa tabi niya." Paliwanag ko hindi ko alam bakit nag-eexplain ako sakanya pero kasi alam kung may nararamdaman siya para saakin at para na rin malinis ang maling binibintang nila tungkol saakin.
"Pero mali pa rin na matulog ka sa ibang kwarto lalo na at lalaki pa. Pinanghahawakan ko ang mga salitang binitiwan bago tayo magkahiwalay na Mahal mo ako. Pero parang pati rin iyon nabaon na rin sa limot." Tila nasasaktang sabi nito kaya naguguilty naman ako. Pero naawa rin ako dahil dito sa sitwasyon ito mukhang marami na rin akong sasaktan.
"Patawad Ruke pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maalala lahat kaya nag-aalala ako para sa nararamdaman ko talaga sayo. Nalilito na ako." Sinabi ko na sakanya ang katutuhanan kung sakali man hindi na siya umasa pa.
"Magsimula muli tayo Prinsesa.. Patutunayan ko kung gaano kita kamahal talaga." Biglang sabi nito at hinawakan ang magkabilang pisngi ko nakatingin lang kami sa isa't isa pero kahit doon wala rin akong maramdaman parang kaibigan lang ang nararamdaman ko para sakanya.
"Paano kung hindi bumalik ang alala ko at hindi pala totoo na may nararamdaman talaga ako para sayo." Sabi ko sakanya, mukhang nag-alinlangan naman siya sa sinabi ko pero maya-maya pa'y sumagot rin.
"Hindi magsisinungaling ang puso. Tandaan mo yan." Akmang hahalikan na sana ako nito. Bigla namang may bumukas ng pinto. Nakatayo doon si Prinsepe Ervis na para bang galit ito pero hindi ko alam kung bakit.
"Ano sa tingin niyong ginagawa niyo dito?" may diin na sabi nito at nakatingin saaking ng masama. Napayuko naman ako dahil nakaramdam ako ng kaba na hindi ko alam.
"Pasensya na. Nag-uusap lang kami." Sabi ko, bigla naman akong hinawakan nito Ruke ng mahigpit.
"Nag-uusap nga lang ba? Bakit hindi na lang kayo sa labas mag-usap." –Sarcastikong sabi ni Ervis kaya napakagat ako sa ibang labi ko.
"Wala ka ng pakialam doon kung ano man ang gagawin namin. Bakit nga ba nandito ka rin?" Maangas na sabi ni Ruke kaya hinawakan ko baka kung ano pang masabi niya mainitin pa naman ang ulo ng isa diyan. Baka kapag nainsulto ano pang gawin niya saamin.
"Hindi niyo ba alam na bawal ang ginagawa niyong yan baka gusto niyong makarating ito sa konseho at sa kanya-kanya niyong palasyo." Hindi rin siya nagpatinag sa sinabi sakanya ni Ruke. Medyo natakot naman ako sa banta niyang yun. "At tinatanong mo ako kung anong ginagawa ko rito? May naiwan akong pagmamay-ari ko." Sabi nito sabay tingin saakin kaya kinilabutan naman ako sa sinabi niya. Wag niyang sabihing... Hindi na natapos ang pag-iisip ko ng bigla ako nitong hinila mula kay Ruke at binuksan ang pinto saka kami nakalabas. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero habang papalayo kami nararamdaman kung mas humihigpit ang hawak niya sa pala pulsuhan ko.
"Ano ba Ervis nasasaktan na ako." Sabi ko habang tinatangal ang pagkakahawak nito pero parang wala itong narinig. Nakita ko namang may mga nakakakita saakin at maging sila Lorrena at Ervina nakatingin na rin saakin at gulat na gulat. Hinila niya lang ako at nang makita ko kung saan kami papunta aangal na sana ako at magpupumiglas na hindi na uli ako papasok sa kwarto na yan pero nagawa pa rin akong hilahin nito. Nadaanan ko naman ang mga kaibigan nito na magtatanong sana pero nang makitang mainit ang ulo ng kaibigan nila itinikum na lang nila ang bibig nila.
Nangbinuksan nito ang pinto bigla niya akong binitawan at nilock ang pinto nito bigla naman akong kinabahan sa ginawa niya. Akmang papunta na ako sa pinto niya para lumabas pero hinila nanaman ako nito kaya na pasigaw ako.
"Pwede ba Ervis, palabasin mo na ako. Wala akong ginawang masama sayo." Nalilitong sabi ko.
"Wala nga ba, anong tawag mo sa ginagawa niyo kanina huh." Galit na sabi nito, hindi ko why is acting like this. Like something jelously boyfriend.
"Oh, ano naman sayo kung ano gagawin namin kanina. Wala ka namang dapat pakialam di ba. Hindi naman tayo magka anu-ano." Matapang na sabi ko sakanya pero mukhang mali ako dahil mukhang mas nagalit pa ata ito.
"Palalampasin ko na sana ang ginagawa niyong kataksilan kanina pero talagang sinusubukan mo ako." Masamang sabi nito kaya nagtaka ako.
"Anong ibig mong sabihin?'' Natatakot na sabi ko at napaatras ako sakanya.
"Wag mong sabihing hindi pa sinabi ng mga magulang mo sayo ang tungkol sa kasunduan." Nakangising sabi nito. Kaya naiinis ako sakanya kailan ba matatapos itong mga rebelasyon na to.
"Pwede ba wag mo nang nililiko ang usapan!! Anong kasunduan ang sinasabi mo?!." Naiinis na sabi ko.
" Kawawang prinsesa, mukhang sa kasal mo na malalaman kung sakali mang hindi ko sabihing na pinagkasundo tayong dalawa."
"Ano!!? Ikakasal?."
"Oo, tama ka.. Pinagkasundo tayo para sa pagtitibay ng ating emperyo. Hindi mo ba alam. Dapat hindi ka na magulat sa mga ganung rebelasyon na iyon dahil halos lahat ng prinsesa ipinagkakasundo para sa kapakanan ng palasyo nila. Pero ikaw inaasahan mo sigurong magkakatuluyan kayo ng Prinsepeng yun. Kahit prinsepe pa siya wala rin siyang magagawa lalo na kung ang emperyo ang nagdesisyon para sa kapakanan ng lahat." Sabi nito habang nakaupo sa upuan nito na gawa lamang para sakanya. Para rin siyang trono na nakikita ko sa palasyo dati. At para talaga siyang hari tuwing nakaupo.
"Hindi totoo lahat ng sinabi mo." Sabi ko sakanya pero wala akong makitang bahid na kasinungalingan sa mga sinasabi niya.
"Nasayo kung maniniwala ka, pero ito lang ang sasabihin ko sayo. Oras na kuronahan ako bilang hari maghanda ka na bilang reyna ko." Sabi nito na parang walang pakialam kung anong nararamdaman ko. I can't take this anymore bigla akong lumapit sa pinto at binuksan na ito hindi naman na ako hinabol ni Ervis pa. Hindi ko alam pero nanlulumo na ako ngayon hindi ko rin alam na kanina pa pala may nga luhang pumapatak saakin.
Nakayuko lang ako habang naglalakad para na akong mapapatid dahil sa damit na suot ko dahil sa haba nito. Nakikita ko naman na maraming napapatingin saakin pero naramdaman kong may lumapit saaki at hinawakan ang magkabila kong braso pero hindi gaya kanina na hindi masakit ang pagkakahawak.
"Pwede ba umalis kayo sa daraanan namin." Rinig kong sabi ni Lorrena na binitawan ako saglit kaya napatingin naman ako kung sino ang naksara sa daraanan namin.
"Oh, ang magaling kung kapatid. Bakit ka umiiyak? Hindi ba dapat matuwa ka dahil sa kalandian mo." Nanunuksung sabi ni Arya saakin tinignan ko lang ito ng masama. Ano nanaman bang kailangan niya at ano raw ako pa ang malandi baka siya.
"Pwede ba Arya, tumabi ka sa daraanan namin." Seryosong sabi ko napangisi naman ito.
"Bakit naman ako tatabi sa daraanan mo malaki ang daan oh." Sabi nito at pinakita niya yung sa kabilang banda niya. Dahil ayaw ko ng away kaya ako na lang ang pumunta sa gilid para makadaan pero nagulat pa ako ng hinarang niya uli yun.
"Ops! Pasensya na dito na pala ako dadaan." Sarcastic pa na sabi niya halatang sinasadya niya na inisin ako and it's really working.
"Subukan mo pang humarang ang I'll swear you'll be dead." Seryosong sabi ko at mukhang hindi niya naintindihan ang huling sinabi ko kaya napangisi ako sakanya at binungo ang balikat nito na dinadigest pa ata nito kung anong sinabi ko.
"Grabe napapahanga nanaman ako sayo. Kung ano man ang sinabi mo sa kapatid mo sa labas nagmukha siyang ewan sa kinatatayuhan niya." –Lorrena
"Ano nga ba yung sinabi mo sakanya?- Ervina
"Sinabi ko lang sakanya na patay siya saakin." Balewalang sabi ko kaya napahinto naman sila. Pumasok naman ako sa kwarto ko. Maya maya pa'y sumunod na rin yung dalawa at sinara ang pinto.
"Ahm,, Marami pa sana kaming gustong itanong sayo pero mukhang mainit pa ang ulo mo kaya. Iiwan ka muna namin, maghinga ka na lang muna rito kami ng bahala sa labas. Sasabihin namin sa mga guro na masama ang iyong pakiramdam."- Nag-aalalang sabi ni Lorrena.
"Nandito lang kami kung kailangan mo ng makakausap na."- Ervina at hinaplos nito ang buhok ko. Tumango naman ako sakanila.
"Maraming salamat, dahil parati kayong nandito para saakin."- tipid na ngiti kong sabi sakanila pero bukal sa loob ko ang pagpapasalamat.
"Wala anuman, hindi lang tayo magkakaibigan rito. Kapatid na rin ang turing natin sa isa't isa." Sabi ni Ervina. Yumakap naman sila saakin at parang nawala sandali lahat ng problema ko dahil alam kung may masasandalan ako. Dahil nandito sila at gunin rin ako kapag sila rin ang nangilangan.
"Oh, siya magpahinga ka na.. Ipapahatid na lang namin rito ang pagkain mo mamaya." Tumango naman ako at nagpasalamat muli. I don't want this, kailangan ko ng makaalis ddito bago pa ako ipakasal sa halimaw na yun. Kailangan ko ng makaisip ng solusyon kung paano makakaalis dito. Pero saan naman ako pupunta nito, hindi pa masyadong malinaw ang naalala ko ang alam ko lang may gustong humabol saakin. Hindi ko sila kilala then may napasukan akong gate pumasok ako doon ang nagtatakbo and the rest is history.
****************************
authors notes!!!
Hello 2019 <3 happy new year. guys!! hope you like it.