CHAPTER 8

1832 Words
Pinagmamasdan ko naman ang mga litratong nakasabi saaking silid. Puro kuha ko ang mga nakasabit rito kuhang kuha nga na ako ito pero dahil wala akong maalala kaya nahihirapan akong alalahanin ang mga nangyaring ito. "Maayos ka na ba rito? T-ciara?" Napaharap naman ang ako kay Mommy dahil yun raw ang tawag ko sakanya. Pero bakit mas gusto kong tawagin siyang Ina. "Oho, Maraming salamat po uli." Ngumiti naman ako sakanya. Niyakap niya muli ako nanghigpit gaya kanina nang una naming pagkikita. "Akala ko talaga hindi na kita makikita pa." Humarap naman ito saakin at ngumiti kahit na umiiyak. "Ako rin ho, pangako hindi na po ako aalis sa tabi niyo." Kahit wala man ako maalala alam kong magaan ang loob ko sakanya unang pagkikita pa lamang namin alam kong may iba na sakanya yun pala siya ang Ina ko. "Ina, talaga ho bang dito ako matutulog?" tinignan naman ako nito na para bang nagulat kaya bigla naman akong may naalala "Pasensya na po Mommy. Hindi lang siguro ako sanay na yun ang gamitin." "Ayos lang, kung saan ka mas sanay. Siya nga pala bukas susunduin ka ng mga kaibigan rito bukas. Sila ang makakasabay mong pumasok. Huwag kang mag-alala nasabihan ko na ang principal niyo na nawalan ka ng memorya pansamantala kaya kung anong gusto mong itanong sakanila sila nang sasagot at magpatulong ka na lang sa mga kaibigan. Sila nang bahala sa lahat." Tumango naman ako para sa pag-ayon ko. "At dito ka na matutulog simula ngayon. Ito ang kwarto mo. Magpahinga ka na maaaga ang klase mo bukas." "Maraming salamat po uli." Binukasan ko naman ang aking tukador at kumuha nang aking pamalit ko bago matulog. ****************************************************************************** Maaga ako nagising ngayong umagang ito bago ko pa man buksan ang pinto nakita kong nakatayo si Mommy sa labas akmang kakatok na ito sa aking pintuan pero naunahan ko ito. Napatingin naman ito saakin at sa suot ko wala naman itong sinabi pa at ngumiti lang ito. Nakasuot kasi ako ng bistida ngayon na malarosas ang kulay hangang tuhod ko lamang at pinaresan pa ng sapatos na kulay pilak na may tatlong dangkal lamang ang laki at meron akong mga gintong alahas. "Halika ka sumabay ka ng maagahan saakin. Akala ko hindi ka pa gising." Masayang sabi nito. Tumango naman ako at masaya kaming nag-agahan hanggang sa makarating ang mga kaibigan ko. Napatingin naman sila saakin naparang naninibago sa aking itsura. "May problema ba?" natatakang tanong ko. "No, were just not use to.... I mean,,, grrrrr hindi kami sanay na ganyan ang suot mo." Sabi ni Sabrina pero Sab na lang daw ang itawag ko sakanya. "Ganun ba, hindi ba kaayaayang tignan ito?" "My god, Why are you murdering us with that language." Sabi ni Rhianne na hinihilot ang sintido nito. May masama ba sa nasabi ko? Natatanong lamang ako sakanila. Hindi ko tuloy naiintindihan ang sinabi nito pero mukhang sumakit ang ulo niya dahil sa sinabi ko. "Girls we need to adjust for Ciara's seek. For sure naman kapag nabalik na ang memories niya hindi naman na siguro siya ganyan." Sabi naman ni Shanna nakita ko namang napairap si Megan sakanya. "Alright, Tara na mga baka malate pa tayo." Sabi ni Megan. "Wow at kailan ka pa nag-aalalang malate Megan." Sabi naman ni Rhianne na inirapan la siya nito. "Don't worry nandito naman ang President ng school hindi tayo mapapahamak. Right Ciara." "Huh? Hindi ko alam ang sinasabi mo." Inosenteng sabi ko na siya ikinatawa nila. Ano nanaman ba? May nasabi na naman ba ako. "Burn Rhianne hahahahaha, Wag ka kasing makikipag-usap sa babaeng nagmula sa ibang mundo hahahahahaha." Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Megan parang may iba akong naramdaman na hindi ko maipaliwanag. "Okay ka lang Ciara?" napatingin naman ako sa nagsalita at nakita si Shanna na nakatingin saakin na parang nag-aalala. "Oo. Tara na." Nang makarating kami sa eskwelahan napahanga ako sa ganda ng paaralang ito napalaki ang luwang, marami mga puno nakapalibot. Tumigil naman kami sa isang lugar na maraming kotseng nakahinto. Bumaba naman na sila kaya sumunod na lang ako may naghatid kasi saamin dito sundo raw ni Shanna. Kaya iisang sasakyan na lamang ang aming ginamit. "OMG, look we got here the five princesses." May lumapit saaming mga babae at yung isa ay siya ang nagsalita para siya ang pinuno nila. "And oh nandito na rin ang feeling reyna, Kamusta naman ang bakasyon mo Ciara. It's been 1 month?" tinignan ko lamang ito dahil hindi ko naiintindihan ang sinabi nito pero alam kong ako ang kinausap niya. "You know what Arya, Get Lost, hindi ka kilala ni Ciara at kahit kilala ka niya your not worth for her time. Kaya Tsupe." Sabi ni Rhianne at ikinumpas pa nito ang kamay na parang pinapaalis na si Arya na ikinairap naman ng Arya. "So.. totoo pala ang balita. To bad for you Ciara Sana bumalik na ang memories mo. Sana hindi na rin hahahahhahaha." Sabi nito at umalis na kasama ang mga alila niya oo kasi mukhang ganun ang trato niya sa mga kasama niya. Sabi ko nga ba masama ang kutob ko sa babaeng yun pagkalapit pa lamang nito saamin. "Wag mo siyang intindihin Ciara, Baliw lang ang isang yun." Sabi ni shanna. "Tara na." nakarating naman kami sa office na sinasabi ni Rhianne madalas nandito lang daw ako kung wala pang klase. "Ito pala yung laptop mo sa office na ito. Ako ang gumamit niyan ng wala ka pa dito, dahil may mga naiwan ka diyan nagagawin but don't worry natapos na lahat. Kapag may kailangan ka saakin mo muna itanong as a Vice ako ang tutulong muna sayo." Sabi ni Rhianne nagpasalamat naman ako sakanya. Binuksan ko naman ang sinabi niyang laptop ko ganito rin yung laptop ko sa bahay pero hindi ko alam gamitin kaya hindi ko pinapakialalamanan. "Ganito gamitn to... Tignan mo kung anong gagawin ko para kahit wala ako sa tabi mo magagamit mo kung anong gusto mong gawin." Sabi niya tinuruan naman niya ako at nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya hindi naman ako nahirapan dahil magaling itong magturo. "Kung hindi mo alam lahat ng mga gamit mo na may password ka ay iisa lang ang ginagamit mong passcode." Dagdag pa nito kaya tumango na lang ako. "Tara na may klase pa tayo." Tumayo naman ako at sumunod sakanya. Nasa ko lamang siya kaya diresyo lamang akong naglalakad habang hawak ng dalawang kamay ko ang handbag na dala ko. Tinignan naman ako Rhianne at para bang namamangha sa ginagawa ko. "Alam mo marami talagang pagbabago sayo, Kung hindi ko lang alam na may amnesia ka iisipin kong ibang babae ka. Pero hanggang ngayon hindi pa rin talaga ako sanay sa mga ayos mo. But never mind, sana bumalik ka na talaga sa dati." Sabi nito at tinignan muli ako. "Pero gusto ko ang yang paglalakad mo para kang prinsesa sa nakaraan. Pati rin yang paghawak mo sa bag mo madalas ko kasing nakikita sayo na nilalagay mo yan sa wrist mo. Kaya nakakapanibago." Pagkarating namin ay nakita ko na sila Shanna, Sab at Meg na nakaupo sa kanya-kanya nilang upuan. Sinabi rin pala nila saakin na kaklase namin si Arya sa lahat ng subject raw. Kaya wag ko na raw itong pansinin kung may mga sinasabi ito. Habang nagtuturo ang aming guro nakikinig lamang ako marami itong sinasabi tungkol sa mga fashion ang itinuturo niya kahit hindi ko maiintindihan ang mga sinasabi niya nakikinig lamang ako buti na lamang at may mga larawan siya ipinapakita kaya medyo naiintindihan ko ng kaunti lamang. "Good morning Ma'am Can I excuse Ciara Victoria?''Rinig kong may sabi nasa pinto ito kanina pero pumasok ito ng kaunti kaya nang makita ko kung sino ay nagulat na lamang ako. Seryoso lamang itong nakatingin sa aming guro habang nakikiusap sa aming guro, nag-ingay naman ang mga kaklase ko dahil sa nakita nila maging ang mga kaibigan ko ay kung anu-ano ang sinasabi. "Ciara your excuse." Rinig kong sabi ng Guro namin kaya tumayo ako pero rinig kong may sinasabi pa sila Rhianne saakin na magkwento raw ako pagkatapos. Hindi ko naman alam kung ano. Paglabas ko, nakita ko naman itong nakasandal sa pader at may dala ito sa pagkakaalam ko paper bag ang tawag doon dahil dati kapag may ibinibigay si Tita saakin ay nakalagay sa ganyang balot. "Here, Take this." Sabi nito at inabot saakin yung malaking paper bag. "Ano ito?" sabi ko habang inaabot ko sakanya. "Tsk, tignan mo na lang." "Ikaw hindi ka pa rin nagbabago. Ang gaspang parin ng ugali mo." Ngumuso ako sakanya at tinignan ko kung anong laman. Nakita ko naman yung skecht pad ko mga damit na ginawa ko dati nang nanatili pa ako sakanila. "Salamat, Sana hindi ka na lang nag-abalang ibalik pa ito." "Si Mommy ang nagpumilit na ibigay ko daw yan sayo." Nababagot na sabi nito. "Sige salamat uli, paki sabi rin kay tita." Tumango naman siya pero pa rin ito umalis sa kinatatayuhan niya parang may hinihintay muling sabihin ko. "Ahm, May sasabihin ka pa?" "What! Wala na sige aalis na ako." Sabi at tumalikod na saakin, bigla namang may naalala ako. "Siya nga pala, paki sabi kila tita dadalaw ako sakanila sa Sabado." Tumango naman ito at umalis na. Kaya pumasok na rin ako sa kwarto namin. Bigla naman silang nagtinginan saaking lahat nang makita nilang nakangiti ako kaya inalis ko ang ngiti ko at yumuko ng bahagya sa guro namin. Baka magalit ito dahil masyado akong nagtagal sa labas kanina. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na nakatingin saakin na para nag-aakusa pero wala naman silang sinabi pa at nakikinig lamang sila. Pero naririnig ko si Sab at Meg sa tabi ko na may sinasabi sila lamang ang nagkakaintindihan. "Sab, may regalo ka rin saakin di ba." Rinig kong sabi ni Meg sakanya. "Oo naman, Ipupunta ko na lang sa bahay niyo at dadalawin ko na rin pala sila tita sainyo." Sabi ni Sab. "Ayyy, ang sweet mo naman. Sige hintayin na lang kita." At kuminang kinang pa ang mata nito. Napairap naman sila Shanna at Rhianne sakanila. "Para kayong sirang dalawa, If I know.. baka nagsusukahan na kayong dalawa diyan." Sabi ni Rhianne. "Hindi niya rin nagegets yung pinagkakagawa niyo." At umirap uli ito "Wag mo silang intindihin, naiingit lang yang mga yan sayo." Sabi ni Shanna. Inayos naman na nito ang gamit niya. "Saan tayo ngayon?" tanong ko, napatingin naman sila saakin na para bang nagulat. "Bakit?" "Nothing, Tara si Ciara na mismong nagtanong baka magbago ang isip nito. Sulitin habang wala pa siyang naalala." Sabi ni Meg. "Alright then, sa resto na lang namin tayo maglulunch and magkwekweto pa si Ciara tungkol sa pagkawala niya 1 month ago." Sabi naman ni Rhianne. Sumakay naman ako sa sasakyan ni Shanna at yung tatlo may sarili rin silang sasakyan. Nagtataka man kung saan nila kinuha pero hindi na lang ako nagsalita pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD