CHAPTER 1

4991 Words
"Mahal na Prinsesa..bumangon na ho kayo." Mahinang sambit ng aking tagapagsilbi, dahang-dahang kong binuksan ko ang aking mga mata upang makita ito ngunit napapikit rin agad ako dahil sa sinag ng araw na tumatama saakin. "Mahal na Prinsesa kailangan niyo ng bumangon.. ipinag-uutos ho ng hari.. kailangan niyo ng mag-ayos dahil may mga panauhin na magtutungo rito sa palasyo." Tuluyan na akong bumangon ngunit nanatiling lamang akong nakaupo sa aking hinihigaan. Nakapikit pa rin ang aking mga mata at natili lamang na ganun ang aking posisyon, tumingin sa mga kasama ko sa loob ng silid na ito. Napabuntong hiningan na lamang ako ng nakita kong nakatingin lamang sila saakin winawaring hinihintay ang susunod na hakbang na aking gagawin. Walong babaeng tagasilbi ang nasa harapan ko ngayon lahat sila ay may kanya kanyang dalang mga gamit na alam kong may kinalaman saakin. Tinignan ko ang pinaka mataas na taga silbi sakanila..Gori ang tawag sa matataas na tagasilbi ng palasyo at Yunti naman ang pinakamamabang tagapagsilbi ng palasyo. Silang walo ang nagsisilbi saaakin at sampung taon na silang naninilbihan dahil mga bata palang sila ay ipinasok na sila upang magsilbi sa palasyo. "Sabihin mong hindi na naman ito tungkol sa pag-asawa ko.. hindi ba?" Pagkukumbinsi ko rito kahit alam kong yun talaga ang pakay nila. "Paumanhin ho mahal na Prinsesa." Tanging sagot lamang nito napabuntong hininga na lamang ako at tumango sakanya dahil wala naman siyang magagawa. Tumayo na ako sa aking hinigaan at pumunta sa aking palikuran. Nakita ko namang nakasunod sila saakin kaya sinamaan ko sila ng tingin alam nilang ayaw na ayaw kong may sumasama saakin kahit sa pagligo. Yumuko naman sila at lumabas isa-isa pero nanatiling nakatayo si Emilia ang pinaka mataaas na aking tagasilbi at tinuturing ko lamang pinagkakatiwalaan sa palasyong ito. Isa-isa kong tinangal aking mga saplot at ibinigay sakanya ito. Ilang minuto akong nanatili at naisipan ring lumabas, nakita ko roon na may iniwan itong labakara pamunas saaking katawan ginamit ko na ito. "Mahal na Prinsesa..nakahanda na ang inyong susuotin." Sambit ni Liza isa sa mga tagasilbi ko..nakita ko naman sa aking higaan ang isa sa mga isusuot ko. Kulay asul ang magkabilang gilid nito at ginto naman sa buong kasuotan, napakahaba rin nito. Gothic ang tawag rito at kadalasang ito ang isinusuot ng mga mayayaman at makapangyarihang rito. Ako ang nagtatahi ng lahat ng kasuotan isinusuot ko, mabibilang lamang ang mga ibinibigay o inihahandog sa akin lalo kung nagustuhan ko ang kulay at dibuho nito. Kadalasan kinukuha ko lamang ang nihahandog saakin ngunit hindi ko rin ito nagagamit. Ipinasuot nila saakin isa-isa habang nakatingin lang ako sa salamin at pinagmamasdan ang aking sarili. Hinahayaan ko na lamang sila na mag-ayos saakin. Hindi rin magtatagal kailangan ko ring mamili ng aking mapapangasawa dahil kong hindi ang hari ang pipili para saakin. Wala pa akong balak sa ngayon pero responsibilidad ko bilang isang dugong bughaw, kailangan noong labing walong gulang palamang ako. Ikakasal na sana ako ngunit kinumbinsi ko ang hari na marami pa akong kailangan matutunan bago makapag-asawa ng maharlika at hindi naman ako nabigo roon dahil pumayag ito at pinagpaliban ang pagpapakasal. Noong sumapit ang ika-labing siyam na gulang ko kinakailangan ko ng maikasal wala na ako nagawa, ngunit sinabi ko sakanya na ako ang pipili ng mapapangasawa ko kaya halos buwan- buwan may isang iniimbitahan itong mga maharlika na kailangan kong kilalanin sa loob ng isang linggo, kailangan niyang tumira rito sa palasyo. Isang taon na ang nakalilipas at wala pa rin akong nahahanap, naiinip na ang hari at alam kong sa loob-loob nito ay naiinis na rin ito ngunit hinahayaan niya pa rin akong sa gusto ko sana lamang ay hindi pa nasagad ang pang-unawa nito saakin. Dahil ang totoo hindi naman talaga ako pumipili at hindi ko sila kinikilala lahat minsan tatakasan ko, minsan mapipilitangkilalanin. Ang iba sakanila ay hindi ko agad nagugustohan ang mga pag-uugali. Ang iba naman ay masyadong mapagmataas. LUMABAS na ako saaking silid, tuwid na paglalakad, kailangan hindi nakayuko at mahinhin na gumalaw. Lahat ng nakakasalubong naming mga kawal at tagasilbi ay bumabati kaya binabati ko rin sila pabalik. Tumigil ako sa harapan ng napalaking pinto kung saang silid ito ng aking ama, kailangan ko itong batiin bilang isang prinsesa, ganoon ang kadalasang ginagawa ko araw-araw. Ipinagbinuksan ako ng dalawang kawal na nagbabatay sa labas ng kuwarto ni Ama kaya pumasok na ako, pinaghintay ko na lamang ang mga tagasilbi ko sa labas upang hintayin ako dahil hindi rin ako magtatagal sa pakikipag-usap. "Magandang Umaga Mahal na Hari.. Magandang Umaga rin saainyo mahal na reyna." Bati ko sa mga ito nakita ko namang ibinaba ni Ama ang binabasa nito, samantalang napatigil saglit sa pag-aayos ng pananamit ang Reyna. Ngumiti naman saakin ang Reyna at binati rin ako. "Magandang Umaga sa napkaaganda kong Prinsesa." Lumapit ako sa hari upang hagkan ito sa pisngi nito . "Maari mo ba kaming hintayin mahal na prinsesa upang sabay-sabay na tayong magtungo sa silid kainan." Tumango naman ako at umupo sa gilid ng higaan. Nakita ko namang tumabi ang reyna saakin at pumasok sa palikuran ang hari. Kami na lamang ng reyna ang natira. "Napakaganda mo ngayon mahal na Prinsesa pati na rin ang kasuotang isunuot mo ngayon. Lalong lumitaw ang pagiging isang dugong bughaw mo." Pag-uumpisa nito kaya ngumiti lamang ako at nagpasalamat sa sinabi nito. "Balita ko ikaw nanaman ang umaangat sa klase sanay palagi mong paghusayan. Nagagalak kami ng iyong ama na magaganda ang iminumungkahi ng mga tao patungkol saiyo. Kaya nasasabik na silang magkaroon ka ng mapapangasawa." Natigilan naman ako sa sinabi ng reyna at hindi umimik. "Alam kong hindi mo pa kayang makaroon ng asawa. Ngunit isa kang dugong bughaw at ang mga katulad mo ay kailangan sumunod. Lahat ng maharlikang tulad natin ay maagang ikinakasal ikaw palang ang umaabot sa dalawangpung taon na hanggang ngayon ay hindi pa rin ikinakasal. Naiintindihan ko ang kalagayan mo dahil alam kong marami ka pang gustong marating at iniisip mo na kapag nararoon ka na ng kabiyak sa buhay ay hindi mo na ito matutupad. Alam ko lahat ng ginagawa mo at lahat ng binabalak mo. Hindi ko lamang sinasabi sa iyong ama ang mga pinagkakagawa mo kaya pinagtatakpan ko lahat ng ginagawa mo. Pero hindi magtatagal mamalaman rin ng hari na hindi mo sinusunod ang utos niya lalo na ang amang hari at inang reyna. " napayuko na lang ako dahil alam niya na lahat ng plano ko at sa tingin ko hindi na magtatagal sila na talaga ang pipili para saakin. Niyakap ko na lamang ang reyna at mahinang umiyak sakanya, pinatahan niya na rin agad ako dahilan madatnan kami ng hari na ganun ang sitwasyon at magtanong-tanong pa ito. Sabay-sabay kaming kumain sa hapag kainan, kasama naman namin ang inang reyna at amang hari. Nag-uusap lamang sila tungkol sa pag-aasawa ko kaya hindi na ako nagsasalita dahil wala naman akong kailangan maiaambag sakanilang usapan dahil alam kong sa sarili ko na ayoko ang ideyangtahimik lamang akong kumakain. Katapat ko si Erah na kapatid ko rin, anak siya sa labas ng aking Ama mas matanda ako ng isang taon sakanya ngunit kung ituring niya ako ay parang siya ang mas nakatatanda, hinahayaan ko na lamang siya upang hindi na masyadong lumaki ang away sa pagitan namin. Nakangiti naman ito sa aking ng nakakaloko iniisip niya sigurong hindi na ako makakatakas sa pagkakataong ito. Nalaman ng Amang Hari ang binabalak ko kaya sabay-sabay kaming kumain ng umagang iyon. Hindi ko alam kung kailan niya nalaman, ngunit nang magkita kami sa hapag-kainan, binigyan ako ng Amang Hari ng masasamang tingin. Hindi ko alam kung may kinalaman rito si Erah dahil pagdating namin kasama niya ang Amang Hari at Inang Reyna at ang mga tingin nito ay nababakas ng galak at tuwa. Ayokong magbintang at wala akong matibay na patunay na siya nga ang may kagagawang ito ngunit hindi ko lamang maiwasang pag-isipan ito ng mali. "Malaki na ang binigay namin saiyong palugit Prinsesa Tiara, masyado mo na itong sinagad at inabuso akala pa naman namin ay tumutupad ka sa usapan at hinayaan ka namin roon. Ngunit ngayon naubos mo na ito kaya wala ka nang magagawa at susundin mo ang utos nami sa ayaw at sa gusto mo man nagkakaintindihan ba tayo." May diin at galit na pagkakasabi ng Amang Hari saakin. Naririto kami sa silid para sa mga panauhin, kami pa lamang ang narito at hinihintay namin ang mga panauhin para sa kasal na gagawin na sa lalong madaling panahon. Hindi ko na kailangan pang kilalanin ito dahil ayaw ng Amang Hari at baka maulit muli ang nangyari noon. Mukhang hindi na nila ako magkakatiwalaan sa bagay na patungkol rito. "Pupunta rito ang Pamilya ni Haring Hideryos at ang nag-iisa niyang anak na lalaki namalapit na ring koronahan bilang hari ng Miradona ang ipapakasal saiyo." Sabi naman ni Ama. Bumuntong hininga naman ito saakin nang makita niyang umiiyak ako tumingin ito sa Ama niya, sa Reyna at Inang Reyna na nasa tabi ko at pinatatahan ako sa pag-iyak. "Ayusin mo ang iyong sarili ayoko kong makikita ng mga panauhin na ganyan ang isang prinsesa." may bahid na galit pa rin sa mananalita ng hari kaya inalalayan ako ng Reyna na pumunta sa aking silid at mag-ayos, satingin ko hindi ko pa kayang makipagkita sa aking mapapangasawa. Kahit magsabi lang mapapangasawa ay kinilabutan na ako. "Kung hindi mo kayang humarap sa mga panauhin.. sasabihin ko na lamang sa Hari at Amang Hari na may sakit ka at hindi ka tututol sa kasal, hindi ba." Tahimik na umalis ang Reyna kaya naman ay ipinikit ko na ang aking mga mata upang tuluyang lamunin ako ng aking pagtulog na sana kahit man lang sa pagtulog ay matakasan ko ang mga problemang kong ito. NAKATINGIN lamang ako sa kawalan habang nakatayo sa maliit na terisita sa labas ng aking silid. Nakatingin lamang ako sa magandang tanawin kaya kitang kita ang lawak at ganda ng paligid. Tuwing may problema ako dito lamang ang madalas kong puntahan. Hindi ako lumalabas ng palasyo dahil mahigpit na i***********l iyon. "Mahal na Prinsesa, ipinagdalhan ko ho kayo ng mainit na sabaw ipinasabi ng inyong Ina na masama raw ang inyong pakiramdam, halina na kayo't higupin ito habang ito'y mainit-init pa." Sabi Emilia, inilapag naman nito ang pagkain sa mesa ko rito sa aking silid. "Salamat Emilia.. Nakaalis na ba ang mga panauhin?'' Pag-uusisa ko rito. Hindi ko alam siguro kailanga ko nga matangap sa aking sarili na ito na ang kahihinatnat na aking buhay. "Kanina pa ho sila nakaalis, hindi po pumayag na manatili rito si Prinsepe Ervis dahil marami raw itong gagawin kaya sumang ayon naman ang mga hari at reyna. Kasabay naman po na umalis na rin ang Inang reyna at Amang Hari babalik na lang ulit sila rito kapag natapos ng gawin ang mga tungkulin ng prinsepe at pag-uusapan ang inyong kasal." mahabang pahayag nito. "Ganun ba... salamat muli sa paghatid ng balita. Pwede ka nang makaalis tatawagin na lamang kita kapag kinakailangan. " Prisepe Ervis? Sino ka iyon? May kilala rin akong Prinsepe Ervis at kilang kilala siya sa buong Mharika(school of royal blood). " Sige po..Kumain na rin ho kayo at magpahinga upang lumakas na ang inyong sigla." Iniisip ko pa rin kong sinong prinsipe ang tinutukoy nito. Hindi kaya... "Sandali Emilia... Sinong Prinsepe Ervis ang iyong tinutukoy?" sana nagkakamali ako. "Si Prinsepe Ervis ng Miradona. Anak ho ni Haring Hideryos " biglang napaupo ako saaking higaan, hindi ko nakayanan ang aking nalaman. Kilalang kilala ko si Prinsepe Ervis isa siya sa magigiting na mandirigma kahit sa murang edad palamang nito. Marami akong naririnig patungkol sakanya dahilang maraming humahanga sakanyang kababaihan sa Mharika pero sabi sa mga naririnig ko patungkol sakanya hindi maganda ang pag-uugali nito at parating ang disisyon nito ang kailangan masunod at hindi siya nagpapadikta kanino-kaninuman. Masyado raw itong mabagsik at nakakatakot kalabanin kaya maraming natatakot sakanya sabi pa nila ay mas nahigitan na raw nito ang kanyang ama na ikinatuwa naman ng hari. "Nagbibiro ka lamang Emilia hindi ba." "Paumanhin Mahal na Prinsesa ngunit hindi po ako nagbibiro." Lalo atang sumakit ang aking ulo at gusto kong maiyak sa mga sandaling iyon. Satingin ko magiging alila ako kung sakaling nagpakasal ako sakanya. Hindi ako makakapayag kailangan kong makaisip ng paraan. Wala na akong pagpipilihan at kung tumutol muli ako lalong magagalit ang mga hari at reyna saakin. "Tulungan mo ako Emilia. Ayokong magpakasal sakanya kilala mo naman siguro ang pag-uugali ng Prinsepe hindi ba." Naiiyak na pagmamakaawa ko sakanya kahit alam kong wala siyang magagawang tulong saakin dahil kahit siya sumusunod lamang sa utos. "Patawarin niyo ako mahal na Prinsesa pero hindi ko ho alam kong anong maitutulong ko sainyo. Ayoko hong maki alam kung ano mang pasiya ng palasyo patawarin niyo ho ako." "Naiintindihan ko. Pasensya ka na rin sa inasal ko saiyo." Ngumiti lang ito saakin "Naiintindihan ko ho kayo, mahal na prinsesa. Kung ako rin ang nasa katayuan ninyo baka ganyan rin ang maisip ko." Napayuko na lang ako at bumuntong hininga. "Pero may sasabihin ako sainyo mahal na Prinsesa." Nagdadalawang isip na sabi nito. "Ano iyon?" "Sa tingin ko alam ko na kung sino ang nagsabi sa Amang Hari ang plano niyo." "Sino?'' "Si Prinsesa Erah ho." Sinasabi ko na nga ba. Wala naman akong ginagawa sakanya para ganituhin niya ako. "Narinig ko ho siyang kausap ang isa sa mga taga silbi niya at sinabi niya hong buti na lang at sinabi na daw niya ang matagal niyong lihim at tumawa po siya." "Salamat sa pagbalita saakin.. Alam niya na si Prinsepe Ervis ang ipapakasal saakin?" ang alam ko isa siya sa mga humahanga kay Prinsepe Ervis. Kung siya na lang kaya ang ipakasal dito kung kumbinsihin ko kaya siya tutal naman siya ang may gusto rito. "Alam niya na ho. Nagpresenta nga ho siya.. na siya na lang ang ipakasal ngunit hindi pumayag ang Amang hari dahil hindi siya buong maharlika. Dahilan raw na nasa mababang uri ang ina nito." "Bakit ako?.. hindi ko alam kong totoong maharlika rin ako. Ni hindi ko kilala kung sino ang totoo kong ina, kilala ko ang bawat maharlika dito." Nanlalaki ang mga mata ni Emilia ng sinabi ko ang mga iyon. Samantalang ako? Wala na akong pakialam. "Wag ho kayong magsalita ng ganyan mahal na Prinsesa dugong bughaw po kayo. Ang Reyna ho ang tunay niyong ina." "Hindi..Alam ko na ang katotohanan..matagal ko ng alam ngunit hindi ko lamang ipinapakita sakanilang lahat. Hindi ko lang ipanagsasabi. Alam mo rin ba ito Emilia? Sabihin mo! " nagdududang saad ko rito. Satingin ko lamang ay may alam ito sana ay mali ang hinala ko sakanya. "Patawarin ninyo ako mahal na Prinsesa." Luhod nito at humagulhol kaya naman natitiyak ko sa mga oras na iyon na tama nga na may alam na ito noon pa man. "Kailan mo pa ito nalaman?'' tanong ko sakanya at hindi pa rin ito natapos sa kaiiyak. Pinahid naman nito ang mga luha at tumingin saakin. Huminga ng malalim at tumingin saakin ng nag-aalala kaya tinitigan ko lang. Ayokong magsisinungaling ito saakin. "Noong... bagong dating ko ho rito ." bumagsak naman ang balikat ko at tumulo na rin ang mga luha ko, para bang sa mga sandaling iyon naramdaman kong trinaydor ako ng matagal ko ng pinagkakatiwalaan. Iniisip ko na siguro mga ilang linggo pa lamang niyang nanalalaman gaya ko ngunit hindi pala, hindi lang pala taon dahil sapung taon na pala. "Kilala mo rin ba kung sino ang aking tunay na ina?" Alam ko lang na hindi ako anak ni Ina pero hindi ko kilala kung sino ang tunay na aking Ina. "Patawarin niyo po ako mahal na Prinsesa pero wala po ako sa posisyon upang sabihin po ang mga nalalaman ko." Ibig lamang sabihin noon na kilala nga niya ito. "Makakaalis ka na.. At huwag mong kalilimutang magpapunta rito ng papalit sayo." walang emosyon na sambit ko. hindi ko na ito tinignan pa ngunit alam kong nalulungkot itL. lahat ng hinanakit ko dito sa palasyo sakanya ko ibinabahagi, itinuring ko rin itong kaibigan. Sa lahat ng tao rito sa palasyo siya lamang ang pinagkakatiwalaan. Kinabukasan ay iba na nga ang pumalit sakanya hinayaan ko na lamang. Ginawa ko na rin ang mga kadalasan kong ginagawa tuwing umaga. Nasa loob lamang ako nang aking silid habang nagtatahi ng bagong kasuotan. Nasasabik na rin akong makita ang aking mga kaibigan masyado ng napapatagal ang pamamalagi ko rito sa palasyo gusto ko ng bumalik sa Mharika. Dahil doon panandalian kong nakakalimutan ang aking mga suliranin. "Mahal na Prinsesa naririto po ang mahal na Reyna." rinig kong pagpapa-alam ng tagasilbi na nasa labas, pumasok naman sa silid ang Reyna. "Maganda na ba ang pakiramdaman mo Mahal na Prinsesa?" agad na tanong nito saakin hindi ko ito binigyang pansin upang tignan ito, bagkus itunuloy ko lamang kung anong ginagawa ko. "Nag-aalala kami ng hari, dahil hindi ka nakisabay saamin sa hapagkainan. May nangyari bang hindi maganda sayo Mahal na Prinsesa?" may bahid na pag-aalala nito kaya itinigil ko ang aking ginagawa at tinignan ito. "Wala naman ho." Gusto kong magsalita ngunit pinipigilan ko ang sarili kong hindi magsalita ng masama tungkol sakanya. "Gusto mo bang mamasyal sa labas ng palasyo? Ipapasama kita sa mga kawal, alam kong masyado ka ng nababagot rito saiyong silid. Kailangan mo ring masinagan ng araw Mahal na Prinsesa upang hindi masayang ang iyong mahabang bakasyon rito saatin dahil isang buwan na lamang aalis ka nanaman ng palasyo at pitong buwan kang mawawala muli." Nakangiting pagsasabi nito, ngunit alam kong hindi ito nasisiyahan. "Gusto ko hong mapag-isa muna." iyon na laman ang sinabi ko upang mapigilan ko ang sarili. "Ganoon ba. Maiwan na kita, kung gusto mong mamasyal sabihan mo agad ako at nang sasamahan kita." bago pa ito makaalis ay may sinabi itong muli. "Bago ko makalimutan, napansin kong hindi mo nakakasama ang iyong matagal ng tagapagsilbi? bakit hindi siya ang nasa labas kanina?."may pagtatakang sambit nito. "Pagod ho ako, kailangan ko ng magpahinga.. makakaalis na kayo." huminga ito ng malalim at hinagkan ako sa pisngi bago ito umalis. .... NAGLALAKAD ako sa labas ng hardin ng palasyo, ngayon muli ako nakapunta rito. Matagal na ng huli kong pagpunta sa lugar na ito napakaganda pa rin, maraming iba't ibang kulay ng rosas na paborito ko. Napangiti na lamang ako saaking sarili, sa loob ng dalawang linggo masyadong naging mailap na ako sa mga tao rito. Kahit na sa mga Hari at Reyna alam kong napapansin na rin nila ang unti-unti kong pagbabago ngunit hindi ko na lamang iyon pinapansin. Tuwing nagtatanong sila saakin hindi ko na lamang iyon sinasagot. "Magandang tanghali ho Mahal na Prinsesa masyado hong mainit rito. Bakit naririto kayo?'' isang hardinero ang nakakita saaking, namimitas ito ng mga bulaklak siguro ay ipapasok niya ito sa palasyo mahilig rin sa mga rosas ang Reyna. Hindi ko napansin dati na hindi pala siya ang totoong kong ina dahil marami kaming pagkakapareho at isa na rito sa mga dahilan ay ito. "Gusto ko lamang hong makita ang mga bulaklak rito..aalis rin ako mamaya." Ngumiti naman ako dito kumuha naman ito ng limang pirasong rosas sa bitbit nitong basket at ibinigay nito saakin. Nagpasalamat naman ako rito at umalis na ito pagkatapos niyang kumuha ng mga bulaklak. Hindi ko namalayang nasa pinaka dulo na pala ako ng hardin, may maliit na pinto roon dahil sa taglay kong pagiging mausisa kaya't binuksan ko ito. Bumungad ang simoy ng hangin at ang mga naglalakihang mga puno kahit na tanghali pa lamang ay biglang nanayo ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa nakakatakot na presensiya. Gusto ko ng bumalik sana sa loob ng palasyo ngunit may nag-uudyot saakin na maglakad-lakad sa loob ng kagubatan. Natagpuan ko na lamang ang aking mga paa na naglalakad papasok sa kagubatan. Habang tumatagal nagiging kampanti na rin ako sa kagubatang ito, wala pa naman akong nararamdamang kakaiba sa lugar na ito kaya nag patuloy lamang akong maglakad. May ilang mga ligaw na mga bulaklak akong nakikita sa tabi ng mga puno hindi pamilyar saakin ang mga iyon pero nagagandahan ako kaya kumuha lamang ako ng kauniti at isinama sa ibinigay saakin ng hardinero kani-kanina. Nasa pinaka dulo na ako ng kagubatan at bigla na lamang ako napaatras dahil sa pagkabigla. Hindi ko namalayang nasa rurok pala ako ng talon at sa baba nito ay ang malinaw na tubig na bumaba. Luminga-linga ako sa paligid kung paano makababa upang makita ko ang ganda ng talon dahil nasa itaas ako nito. Hindi naman ako nahirapan na makababa at natutuwa akong mapagmasdan ang pag baksak ng tubig nito na umaagos pababa. Napangiti na lamang ako dahil ngayon lamang ako nakakita ng ganito sa katwirang hindi ako madalas lumabas. Kung lalabas man ako ay kailangang may kasama akong mga kawal. Ngayon rin uli ako nakangiti ng ganito, dahil nitong mga nakaraang linggo masyadong maraming problema ang kinahaharap ko. Kahit panandaliaan lamang ay nakalimutan ko ang aking problemang kinahaharap pero alam kong sa pagbalik ko ng palasyo babalik muli ako sa dati. Ilang minuto pa akong nagtagal at umalis na rin sa lugar na iyon, gusto ko ulit pumunta rito dahil kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Nang makarating ako sa pintong pinag mulan kanina ay binuksan ko ito at tinignan kong muli ang kagubatan sa huling pagkakataon..Isinara ko na ito at pumasok sa palasyo dala ang mga nakuha kong mga bulaklak. "Saan ka ba nanggaling mahal na prinsesa? Kanina pa nag-aalala ang Hari at Reyna saiyo." bungad saakin ng isa sa mga katiwala ko ngayon. "Hinahanap ka nila. pumunta ka roon sa kanilang silid upang magpaliwanag kung saan ka nagpunta." tumango lamang ako at sinabayan ako sa paglalakad ng palasyo. Pagdating ko ng silid nila nandun ang mga heneral na nag-uusap kasama ang hari't reyna. Napatingin naman saakin ang Hari't Reyna, lumapit ang Reyna saakin at niyakap ako ng mahigpit. Dahil sa pagkabigla hindi na ako nakapagsalita pa. "Saan ka nanggaling mahal na Prinsesa? kanina pa kami nag-aalala saiyo." "Sa hardin lamang ho. Hindi ba nasabi sainyo ng hardinero na nagpunta ako roon?" "Sinabi niya ngunit wala ka roon kaya ang buong akala namin ay nagsisinungaling lamang siya at pinarurusahan siya ng Hari." "Bakit ginawa niyo iyon? Ipatigil niyo ang pagparusa sakanya wala siya kasalanan, nagsasabi lamang siya ng katotohanan." tumango naman ito at tinawag nito ang isa sa mga heneral na naroon. sinabi nitong ipatigil ang pagpaparusa sa hardinero. "Alam kong hindi lamang iyon ang lugar na iyong pinuntahan. Saan ka pa nagpunta mahal na prinsesa?" may pagdududang sambit nito. "Sa Hardin lamang ako wala ng iba." "Alam kong nagsisinungaling ka. Kailan ka natutong magsinungaling saamin. Ganya ba ang tinuro saiyo?." patataas ng boses ng hari saakin ng makalabas ang mga heneral sa silid. "Hindi ako nagsisinungaling. nagsasabi lamang ako ng totoo." mahinahon kong sabi "Tama na yan mahal na hari satingin ko nagsasabi naman ang Prinsesa saatin." pagkukumbinsi ng reyna dito. "Hindi!..Alam kong may maling nangyayari sakanya kaya nagkakaganito na ang Prinsesa. Sabihin mo saamin, tungkol ba ito sa pagpapakasal mo? Sagutin mo ako Prinsesa! Bakit nag-iiba na rin ang pag-uugaling ipinapakita mo saamin nagiging suwail ka na." galit na sabi ng hari. tahimik lamang akong nakayuko sakanila. "Tama na Mahal kong Hari. napagod ang Prinsesa ngayon pagpahingain mo na siya." pag-aawat ng reyna dito. "Sagutin mo ako Prinsesa!!" galit na galit na sabi nito kaya inangat ko ang aking ulo at tumingin ng tuwid sa kanila. walang emosyon akong tumitig sakanila. "Gusto niyong malaman?..Hindi lamang dahil roon.." matapang na sabi ko pero saloob ko natatakot ako baka pagkatapos nito ay parusahan nila ako. "Ano pa ang iyong dahilan?" may bahid paring galit na makikita rito. Napakagat na lamang ako sa ibang labi ko at humugot ng hangin upang lakas ko ang aking loob. "Hanggang kailan niyo pa itatago saakin?" pag-uumpisa ko. nararamdaman kong ilang saglit na lamang ay tutulo na aking mga luha pero pinipigilan ko lamang dahil ayaw kong makita nila akong mahina sa harapan nila. Nag-iba naman ang ekspresyon ng mukha ng hari't Reyna at nakita kong nagulat ito winawaring para itong may alam sa sinasabi ko. "Anong ibig mong sabihin Prinsesa?'' Nagtatakang tanong nito. "Alam kong alam niyo ang nais kong sabihin. O baka naman kayo ang nagsisinungaling saakin? Hanggang kailan niyo itatago na hindi ko tunay na Ina ng Reyna?" pagtitimpi ko ng galit. Dahil kahit papano nirerespeto ko pa rin sila. May bahid na pagkabigla ang hari samantalang nakita kong umiiyak ang reyna. "Kailan mo natuklasan?'' "Kailangan pa bang malaman iyon? Bakit kailangan niyong itago iyon saakin?" "Hindi naming balak itago iyon ng matagal saiyo..pero habang lumalaki ka alam kong napapamahal ka na sa Reyna kaya napagdesisyunan naming hindi mo na kailangan pang malamang dahil hindi na ito mahalaga." Hindi ba mahalaga iyon? Wala ba akong karapatang makilala ang tunay kong ina? "Pero pinaniwala niyo pa rin ako sa mahabang panahon, nagsinungaling pa rin kayo hindi niyo man lang ba naisip na gusto ko ring makilala ang tunay kong ina?'' tuluyan ng tumulo ang luha ko. "Mahal na Prinsesa patawarin mo ako. Ako ang nagsabi sa hari na huwag ng sabihin saiyo dahil gusto kong ako ang ituring mong tunay mong Ina." hinawakan nito ang kamay ko at tumingin saakin. "Napaka makasarili ninyo." "Prinsesa wag mong pagsasalitaan ng ganyan ang iyong ina." "Baka nanalimutan niyong alam ko na ang katutuhanan..Hindi ko siya ina, nasaan ang tunay kong Ina? Gusto ko siyang makita." "Hindi mo iginagalang ang iyong ina siya parin ang nagpalaki saiyo." galit na sabi nito "Para sa ikatatahimik mo kaya hindi na rin naming sinabi saiyo ang iyong tunay na Ina dahil pumanaw na ito. Kapatid rin siya ng reyna kaya hindi nagkakalayo ang inyong relasyon." "Paano siya pumanaw? Gusto kong makita ang puntod niya." "Nasa kagubatan iyon. masyadong mapanganib dun kung mag-isa ka lamang pupunta hayaan mo sa sasamahan kita sa susunod na araw. pero hindi muna ngayon dahil marami pa ako dapat gawin." pinunasan nito ang mga luha ko at hinagkan ako sa noo. "Sasamahan kitang pumunta sa iyong silid.'' pag-aalok ng Reyna saakin, tinignan ko lamang ito. "Kaya ko na hong punta sa sarili kong silid. maraming salamat na lamang." nagpaalam na ako sakanila. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa susunod pang mga araw , parang gusto ko muling punta sa Talon. Pero saka na lamang dahil kailangan ko ng magpahinga hindi na nakayanan ng aking utak sa lahat ng nalaman ko. Inaasahan ko sana na buhay pa ang tunay kong ina pero hindi na pala nakalimutan ko tuloy itanong muli kung paano namatay ang aking ina. ... ... NAKATINGIN ako sa puntod ng aking ina, nalaman kong may kambal pala dapat ako at pareho silang pinatay. Ikweninto ng Reyna saakin na siya ang Reyna dati at may kakambal pa ako mas matanda ito saakin ng isang minuto. Pangkaraniwang araw lamang raw ng araw na iyon walang bahid ng masama ng mga oras na iyon pero maya-maya na lamang ay may mga kalabang sumalakay sa palasyo kaya pinaunang patakasin ng hari ang reyna niya upang magtago ito, kasama niya ang kakambal ko at dala-dala naman ako ng hari kaya nagkahiwalay kami. Nakita na lamang sila sa hardin na nakahandusay kasama ang kakambal ko may natamo silang maraming saksak sa iba't ibang parti ng katawan ng dating reyna at ang kakambal ko naman ay sinaksak rin ng espada. Ipinakita naman saakin ang mga dating litrato ng reyna at ang kakambal ko at malaki nga ang pakakahawig namin ng aking Ina. sabi ng Reyna ako raw ang masiyahin saaming dalawa ng kakambal ko at masyadong malambing samantalang naman ang kakambal ko ang pagiging seryoso nito ang namana sa Hari. "Ina..patawarin niyo ako kung ngayon lamang ako nakarating rito patawarin mo rin ako aking kakambal. Hayaan niyo dadalasan ko na ang pagdalaw ko rito sainyo. Mahal na mahal ko kayo alam niyo yun." nakatingin lamang ako sa puntod nilang dalawa nakaupo ako sa d**o rito sa kagubatan kung saan malapit ang Talon na nakita ko. "Alam mo ba Ina at Prinsesa Ciara matataas ang mga nakuha kong mga marka nitong huling simestro. Isang linggo na lamang ay babalik na ako sa Mharika kaya dadalasan ko ang pagpunta ko rito hanggang sa matapos ang bakasyon ko rito sa palasyo. Sana parati niyo akong binabantayan kong nasan man kayo naroroon. Naiintindihan kong hindi niyo sinasadyang iwan ako ngunit nakalulungkot pa ring isiping hindi ko na kayo masisilayan pang muli." humiga ako sa tabi ng puntod ng aking Ina at ipinikit ko aking mga mata hindi ko na lamang namalayan na gabi na pala kaya tumayo na ako at iniayos ang aking kasuotan masiyado ng madilim at wala na akong makita halos nilalamon na ito ng kadiliman. Hindi na ako nakapagdala ng gasera dahil alam kong hindi naman ako magtatagal iyon ang ipinaalam ko sa reyna at pinagtakpan lamang ako nito sa hari. May mga nakita naman akong mga alitaptap na lumilipad at buwan na nagsisilbing ilaw ng aking tinatahak. Hinawakan ko ang saloy ng aking kasuotan upang maayos ang aking paglalakad may nakikita akong ilaw sa di kalayuan kaya sinundan ko na lamang iyon at nagbabakasakaling iyon na ang daan palabas ng kagubatan. Ilang minuto na akong naglalakad at satingin ko hindi ko parin ito na rarating hindi ko alam kong nasaang parti na ako ng kagubatan sana man lang tama ang tinatahak kong daan. Maya-maya nakalabas na rin ako ng kagubatan at hindi ko na nakita ang ilaw na sinusundan ko kanina. Luminga muli ako sa aking paligid kung tama ang natahak ko ngunit mukhang nagkamali ako. Hindi pamilyar saakin na daan walang mga damong nakikita. Tuwid na daan lamang ang nakikita ko kaya napakunot naman ang aking noo dahil wala akong natatandaang daan na ganitong dinaraan ko papuntang palasyo. Nakatayo lamang ako ng matagal dahil hindi ko alam kong saan ako tatahak kung pakaliwa ba o pakanan. Pumikit na lamang ako at pumili kong anong tatahakin ko. Pakanan ang napili ko kaya naman nagpatuloy na akong maglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD