*Tiara*
Nagtataka ako nang huminto kami sa isang lugar kung saan maraming naglalakihang puno. Maihahalintulad ito sa isang kagubatan medyo nakakatakot lamang. Pero napawi rin iyon agad ng maramdaman ko ang kamay ni Trevor na humawak saakin wala itong sinabi kaya hinayaan ko na lang ito at naglakad papasok sa gubat. Ipinara nito ang sasakyan kung saan malapit ang sinakyan nila mommy pero hindi nanamin sila naabutan pa. Kaya alam kong napasok na sila sa kagubatan.
"Sigurado ka ba dito?" Biglang salita ni Trevor habang patuloy pa rin kaming naglalakad. Hindi na namin alam kung saan sila Mommy wala kaming kasiguraduhan sa tinatahak namin. Pinanghahawakan ko na lamang ang sariling kutob ko. Nalilito na rin ako, alam kung may kinalaman ito sa kawala ni Ciara.
"Hindi ko alam Trevor, pero nalilito na rin ako. May bahagi saaking kailangan kung sundan si Mommy may bahagi rin saaking umatras na lang ako." Nalilitong turan ko sakanya.
"Wag kang mag-alala, nandito lang ako hindi ko hahayaang mapahamak ka." Seryosong sabi nito.
"Salamat sa pagsama saakin." Ngumiti ako sakanya at tumango lang ito. Hindi na namin na malayang napalayo na kami hindi pa rin namin makita sila mommy. Napahinto naman kami ng may narinig kaming malakas na hagulgol. Sa sobrang tahimik kasi nang paligid impossbleng hindi mo maririnig iyon. Sinundan naman namin kung saan nanggagaling. Hindi nga kami nagkakamali dahil nakita namin si Mommy na nakaupo na lupa habang patuloy pa rin itong umiiyak. Nakatayo naman ang kasama niya at mukhang pinapatahan na ito kaya hindi na ako nagdalawang isip pang lapitan na ito.
"Mommy." Lumuhod naman ako at niyakap ito. Patuloy pa rin itong umiiyak hanggang namalayan na niyang narito na pala ako.
"Tiara, anong ginagawa mo rito?" Medyo gulat na sabi nito.
"Sorry po, Sinundan ko po kayo. Bakit po umiiyak kayo? Tungkol po ba ito kay Ciara?" Dahan-dahan naman itong tumango kaya napabuntong hininga na lang ako. Nakita uli ang namumuong luha sa mata niya. Inilibot ko ang paningin ko paligid.
"Sabi ng mga nagtangkang kunin siya, dito na siya huling nakita." Paliwanag ng detective kaya doon ko rin na laman. "Maiwan ko muna kayo hahanap ako ng signal dahil may importante akong tatawagan. Hintayin ko na lang kayo sa sasakyan." Tumango na lang kami. Hindi pa rin tumatayo si Mommy at nakatingin lang ito sa may malaking gate. Hindi ko alam pero may humihila saaking pumasok.
"Umalis na tayo!" Mukhang kinakabahang sabi ni Mommy nagmamadali naman itong tumayo kaya naman nagtaka ako. Nakatingin pero ito sa may malaking gate.
"Hindi ho ba natin sisilipin kong anong meron diyan? Sabi ho nila na diyan siya huling nakita."
"Hindi! Pumasok na sila diyan at wala silang nakita." Tumalikod naman ito at nag-umpisa nang maglakad pabalik. Hindi ko naman alam bakit hindi ko magawang sumunod para bang iba ang gusto kong tahakin. Hindi ko alam pero para bang may alam si Mommy na ayaw niyang sabihin saamin. "Tiara, halika na."
Wala na akong nagawa at sumunod na sakanila kahit labag man sa kalooban ko.
"Mahahanap rin ang kapatid mo." Tumango lang ako kay Trevor at inalalayan naming pareho si Mommy dahil hindi ito makalakad ng maayos alam kong nandoon pa rin ang pag-aalala niya. Nakarating naman na kami sa kotse nito at inalalayang pumasok sa passenger dahil alam naming hindi nito kayang magdrive nagpresinta naman ang detective na siya nang magmamaneho.
"Pupunta muna ako sa prisento. Trevor, iuwi mo na si Tiara huwag mo muna siya iiwan hanggang sa makarating ako." Pakiusap ni Mommy at tumango naman si Trevor. "Tiara pwede bang sumakay ka na sa kotse ni Trevor may importante lang akong sasabihin sakanya." Tumango na lang ako kahit gusto kung makinig sa kanila. Ilang minuto rin silang nag-usap ng bumalik na si Trevor sa kotse seryoso lang ito habang nagmamaneho kaya hindi magawang magtanong sakanya kung anong sinabi sakanya ni Mommy.
Tahimik lang ang buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay.
"Gusto mo bang kumain?" Putol ng katahimikan na sabi ko. Mukha naman itong nagulat pero walang sinabi at tumango lang.
"Pwede ko bang malaman kung anong sinabi sayo ni Mommy?" Nagbabakasaling sabi ko.
"I'm sorry hindi ko pwedeng sabihin, sana maintindihan mo. Kapag maayos na ang lahat saka namin sasabihn sayo." Napayuko na lang ako, hindi ko namalayang lumapit ito at niyakap ako. "Please, wag kang magalit sa Mommy mo. Maiintindihan mo rin siya. Siya na lang magpapaliwanag sayo ayoko kong makialam sa disisyon niya. Alam ko rin kasing makakabuti pa ito sayo sa ngayon." Sana nga makabubuti ito.
**********************
*********************
Trevor
Malalim na ang gabi at nandito pa rin ako sa balkonahe ko hindi ko pa makalimutan ang mga sinabi ni Tita saakin kanina nang makauwi siya. Buti na lang at tulog na rin si Tiara ng mga oras na yun. Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi nito pero naiisip ko bakit naman siya magsisinungaling pa.
"Trevor can I talk to you?" Napaharap naman ako sa nagsalita, nakita kong nakatayo na roon si Tita Veronica, seryoso itong nakatingin hindi ko makita sa kanya yung usual na pag-approach saakin tuwing nakikipag usap sakanya na masaya at may halong patutukso ngayon iba ang nakikita ko. Kung tungkol sa mga anak niya talaga ang pinag-uusapan na nag-iiba siya. Medyo kinabahan rin ako pero hindi ko yun ipinakita sa kanya. "Sumunod ka saakin sa office ko." Tahimik lang hanggang sa makarating kami sa loob ng opisina nito ipinalock pa niya ang pinto.
"Gusto ko sanang ipakiusap na ikaw muna ang magbantay kay Tiara dahil hindi ko masisigurong mababantayan ko siya24/7. Gusto ko lang tulungan mo ako sa pagbabantay sakanya. Even though she's a silent person alam kung nacucurious siya, marami siyang gustong malaman at ayaw kong mapahamak uli siya. Dahil hindi ko kaya kung may mawala uli sakanila. And worst she's planing to leave kapag nahanap ang kapatid niya." Nanghihinang sabi nito.
"Bakit naman ho gagawin niya yun? Mahal na mahal niya ho kayo." Nalilitong sabi ko.
"I know, but that love is not enough para magstay siya dito saamin ng kambal niya although naiintindihan ko ang gusto niyang mangyari pero hindi ko kaya. Kahit alam kong mali at makasariling disisyon gagawin ko."
"Hindi ko ho kayo maintindihan tita."
"Hindi lang basta-basta si Tiara ng makilala mo siya Trevor. May iba siyang mundong ginagalawan hindi siya nagmula rito. No actually hindi kami nagmula dito. Sa maniwala ka man o hindi isa akong reyna sa mundo namin at tumakas at hindi na bumalik pa. I was 18 ng nagpakasal ako sa isang hari sa mundo namin makalipas noon nagkaroon kami ng dalawang magandang anak. Hindi naging madali saakin ang pagiging isang Reyna kahit na ayoko pero ginagawa ko lang yun dahil sa mga anak ko. Kahit may anak na kami hindi pa rin naming magawang mahalin ang isa't isa dahil alam kong may mahal itong iba hindi naman ako nagalit dahil doon dahil sa umpisa pa lang hindi ko naman ito mahal.Dahil ang gusto ko ng mga panahong iyon ay maging malaya pero hindi ko kaya."
"Kaya nang magkaroon ng digmaan sa kaharian namin medyo natuwa ako dahil iyon na ang magiging plano ko para sa pagtakas. Nang tumakas ako inilagay ko sa isang malaking basket ang mga anak noon pero hindi ko alam na iisa lang pala ang nadala ko at Ciara yun hindi ko alam kung sinong kumuha kay Tiara. Malayo na ang nalakbay ko nun at kung babalik pa ako mamawala na naman ang plano ko. Kaya ginawa ko ang pinaka makasariling disisyon at yun ay iwan si Tiara. Pinagsisihan ko yun, walang araw na hindi ko siya naiisip walang araw na humihingi ako nangtawad sa diyos na hindi ko siya binalikan."
"Ilan taon at nagpasya akong bumalik at magbabakasakaling nandoon si Tiara hindi nga ako nagkamali at nakita ko siya maayos ang kalagayan niya alam kong hindi siya pababayaan doon. Taon-taon pumupunta ako para makita ko siya kahit nasa malayo ito basta masilayan lang siya masaya na ako. Kaya hindi na ako nahirapan ng makita ko uli siya na nandito sa ibang mundo. Alam kong siya si Tiara." Ipinaliwanag naman kung bakit Ciara ang tinawag nito sa sakanya ng magkita sila dahil ayaw niyang malito pa noon ang mga kaibigan ni Ciara.
"Yung lugar na kung saan mo siya natagpuan doon mismo ang lagusan patungo sa kaharian namin. Nakikiusap ako na ilayo mo siya sa lugar na yun o kaya naman kahit mabangit niya man yun kung sakali. Ayoko ng bumalik siya doon."
"Paano naman ho yung sa pinagkawalaan ni Ciara. Ano ho kinalaman nun? Bakit parang takot na takot kayong pumasok si Tiara doon sa may gate?"Napakunot naman ito pero kalaunan bumalik na sa seryosong mukha uli nito.
"Yung gate na tinutukoy mo yun ang tanda namin kung nasa ibang mundo na kami. Bawat kaharian saamin may sekretong lagusan, ang pwede lang makalabas masok doon ay ang mga taong nakatira sa ibang mundo o mundo namin. Kaya may posibilidad na doon nga nanggaling si Ciara hindi ko alam kung saang Kaharian siya napadpad at yun ang aalamin ko. Ang mga tao dito sa mundo niyo, hindi sila pwedeng makapasok roon. Pero saamin once na umalis ka at hindi na bumalik ng ilang taon hindi ka na ituturing pang mamamayan nila doon."
"Parang awa mo na, nagmamaka-awa ako huwag mong hayaang makabalik si Tiara doon habang hindi pa ako sigurado kung nasaan si Ciara. Babalik ako sa lugar na yun kung saan nawala si Ciara at mga panahon na yun gusto kong ikaw muna ang magbantay kay Tiara. I'm trusting you to my daughter." Nilagok ko naman itong iniinom beer na nasa can. Kaya ba pinipigilan mo ang sarili mo Tiara na mahulog saakin.At that moment I want to be selfish also.
***************
#Stay safe everyone