LILY POV Nang akmang sasagutin ko pa lang ang tawag nito ay nag end call na. Sa mga sumunod na araw ay hindi na kami nagkita pa ni Ahron pero sinabi niya na ang dami niyang nilalakad na mga permits. Medyo malungkot man ako pero mas nananaig ang pagiging masaya ko sa kanya. Dumating na ang Sunday at heto ako, talagang nag prepare ng maayos para sa event. Nakasuot ako ng yellow gown at may glam team pa akong hinired for this special event. This is just once in a lifetime moment kaya dapat ay sulitin ko na. Malaki ang venue doon at sobrang dami ng mga tao kaya siniseryoso ko ang event na ito. Ang importante pa naman ng first impression ng ibang mga tao kaya very conscious ako sa sarili ko. This is not just an ordinary event— it's extravagant event na dapat ay paghandaan. Kaunti na lamang

