AHRON POV Umuulan na sa labas ng airport, hanggang ngayon ay wala pa rin si Lily. Ang sabi niya sa akin kanina ay on the way na siya kaya pumuslit muna ako at pumunta ng airport sa sobrang pagiging excited ko. Umaasa ako na may isang Lily na lilitaw dito sa airport dahil kanina pa ako naghihintay sa kanyang pagdating. Bakit kaya siya masyadong natagalan eh two hours lang ang biyahe mula sa Manila papunta dito sa Bohol. Natraffic ba siya? May traffic ba sa mga airplane? Hindi ko alam kaya nag search ako sa internet. Ngunit nag pop up bigla ang message galing sa isang number. "Anong nangyari sayo Ahron? Nag cutting ka sa work mo! Unang araw pa lang uma attitude ka na!" Nang binasa ko ito ay narinig ko ang nakaka iritang boses nitong si Karen. Sobrang nakaka badtrip talaga ang babaen

